You are on page 1of 36

Republika ng Pilipinas

Rehiyon III
Central Luzon State University
Science City of Munoz, Nueva Ecija
Kolehiyo ng Inhinyero

PUHUNAN PARA SA MARKA: Antas ng Satispaksyon ng mga Estudyanteng

Inhinyerong Sibil sa mga Marka mula sa mga Kursong may Malaking Gastos

Antonio, Aloha Shaine


Cabudol, Ian
Dagdag, Crystal Joy
Daquiz, Jeffrey
Dela Cruz, Yancy
Garcia, Lyka
Romero, Rhealyn
Viloria, Dexter
Group 3
BSCE 2-2

Marso 2024
KABANATA I

KALIGIRAN NG PAG AARAL

Panimula

Ang sistema ng edukasyon ng Europa ay naitala sa Pilipinas sa pagdating ng mga

Espanyol. Ang mga misyonero ay nagtatag ng mga elementarya, mataas na paaralan, at

unibersidad sa ating bansa. Ang gawing sunud-sunuran at debotong Kristiyano ang mga

katutubong Pilipino ang pangunahing layunin ng Espanyol sa Pilipinas sa buong pamumuno nila.

Sa kadahilanang ito, ang relihiyon ay isang sapilitang paksa sa lahat ng antas - mula sa

elementarya hanggang sa mga unibersidad. Nang maglaon, ang mga kolehiyo para sa mga lalaki

at babae ay binuksan ng mga misyonero. Ang mga kolehiyong ito ay nagsilbing katumbas

ngayon ng mga mataas na paaralan. Kasaysayan, latin, heograpiya, matematika, at pilosopiya ay

kabilang sa mga asignaturang ibinigay sa mga mag-aaral. Ang co-education ay hindi umiiral sa

buong panahon ng Espanyol. Sa Pilipinas, ang edukasyon sa unibersidad ay nagsimula noong

unang bahagi ng ika-labimpitong siglo. Ang mga kolehiyo at unibersidad ay dating para lamang

sa mga Kastila at sa mga may lahing Espanyol (mestizos). Ang mga unibersidad na ito ay hindi

nagsimulang tumanggap ng mga katutubong Pilipinong mag-aaral hanggang sa ika-labinsiyam

na siglo (DepEd Resources, 2021).

Ang mga unibersidad at kolehiyo ay may mahalagang tungkulin sa paghubog ng

edukasyon. Ayon kina Chao Jr. at Symaco (2021), ang sektor ng lalong mataas na edukasyon ng

Pilipinas, ang mga hakbangin at aktibidad ng patakaran nito ay naglalayong paunlarin ang

Pilipinas bilang isang lipunang nakabatay sa kaalaman. Ang mga unibersidad at kolehiyo ay

nagsisilbing daan para sa pagpapalaganap ng kaalaman. Sila ay naglalatag ng iba’t-ibang hanay


ng mga programang pang-akademiko tulad ng sining, agham, negosyo, inhinyerya at iba pa. Sa

pamamagitan ng mga pag-aaral, pananaliksik, at praktikal na pagsasanay, ang mga institusyong

ito ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mahahalagang kasanayan at kadalubhasaan. Bukod dito,

ang mga unibersidad at kolehiyo ay gumagawa ng mga bihasang nagtapos na nagtutulak sa

paglago ng ekonomiya. Ang mga propesyonal sa mga larangan tulad ng medisina, engineering, at

negosyo ay nag-aambag sa workforce, entrepreneurship, at pangkalahatang pag-unlad. Ang mga

unibersidad at kolehiyo ay mga haligi ng edukasyon, pananaliksik, kultura, at pag-unlad sa

Pilipinas. Binibigyan nila ng kapangyarihan ang mga indibidwal, hinuhubog ang lipunan, at nag-

aambag sa pagsulong ng bansa.

Ang mga estudyante ay kumukuha ng kolehiyo upang mapalawak ang kanilang kaalaman

at kasanayan sa larangan na gusto nilang mapag-igihan. Maaring base ito sa kanilang interes,

talento, pangarap, antas ng pamumuhay o sa mas karaniwang dahilan ay kung ano ang

kasalukuyang may mataas na demand na trabaho upang masiguro na may maganda at maraming

oportunidad sila pag nakatapos ng pag-aaral. Ang kamakailang naganap na JobsFit 2022 Labor

Market Information Report mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbigay

ng magandang buod ng mga in-demand na trabaho sa Pilipinas ngayon. Batay sa ulat ng DOLE

tungkol sa pinakamabilis na lumalagong industriya, ang ilan sa mga in-demand na kurso sa bansa

ay mga programang nakapaloob sa Information Technology o Computer Science, Business

Management, Engineering, Supply Chain Management, Healthcare, Education mga pang pribado

man o publikong pamunuan. Dahil sa mabilis na urbanisasyon na tinatamasa natin sa ngayon,

dumarami ang mga imprastraktura na ipinatatayo sa Pilipinas. Isang pag aaral ng pamahalaan

ang nagsasabi na kakailanganin ng bansa ang mahigit 1.8 milyong inhinyero sa iba't ibang sektor

sa taong 2025. Kabilang dito ang sektor ng konstruksyon kung saan forte ng mga inhinyerong
sibil (BMplus, 2022). Sinasang-ayunan naman ito ng pahayag ni Dr. Francis Aldrine A. Uy

(2022), Mapúa University’s Dean of the School of Civil, Environmental and Geological

Engineering, na kung saan ipinahayag niya na ang Pilipinas ay higit na nangangailangan ng mga

inhinyero sapagkat sila ang mga lumilikha ng mga makabagong ideya na napakahalaga para sa

mga industriya upang mabuhay. Dagdag pa niya “Dahil sa patuloy na pag unlad at pagbabago,

ang trabaho ng mga inhinyero ay hindi kailanman magtatapos, dahil ito ay bahagi ng paglalakbay

ng mga tao sa hinaharap”. Hindi maipagkakaila na sa patagal nang patagal ng panahon, lalaki rin

nang lalaki ang bilang ng mga inhinyerong sibil na kakailanganin ng industriya ng Pilipinas

upang makasabay sa mga pagbabagong ihahayag ng siyensya at teknolohiya.

Ang mga inhinyerong sibil ay may mahalagang gampanin sa iba’t ibang bahagi ng mga

proyektong pang-imprastraktura at pagtatayo ng mga gusali. May mga iba’t ibang hakbang na

ginagawa ang mga inhinyerong sibil upang isagawa ang kanilang trabaho. Una, ang pagpaplano

kung saan kanilang isinasagawa ang pananaliksik, analisis at pagtataya ng mga gastusin upang

matiyak ang kasiguraduhan sa pagpapatupad ng proyekto. Ikalawa ay ang pagdidisenyo, kung

saan dito gumagamit ang mga inhinyerong sibil ng computer-aided design software (CAD)

upang bumuo ng detalyadong plano at suriin ang epekto sa kapaligiran. Sa panahon naman ng

konstruksyon, sila ang nagmamando at nagbabantay upang matiyak na sumusunod sa mga

regulasyon sa kaligtasan at ispesipikasyon ng disenyong ipinapatayo. Bukod dito, sila rin ay

nakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang propesyonal tulad ng arkitekto at iba pang mga inhinyero.

Sa kabuuan, kanilang layunin na tiyakin na ang mga ipinapatayong istruktura at sistema ay tama

ang pagkakagawa at sumusunod sa mga kinakailangang pamantayan sa pagpapatayo ng mga

imprastraktura (U.S. Department of Labor, 2023)


Base rin sa Bureau of Labor statistic ng U.S (2023). ang inhinyerong sibil ay may iba’t

ibang uri ng espesyalisasyon. Narito ang mga nasabi espesyalisasyon:

Ang Construction Engineer ang namamahala sa mga proyektong konstruksyon tiyak na

sinusunod ang plano at ispesipikasyon, at nagpapanatili ng kaligtasan sa site. Sila rin ang

namamahala sa budget at pakikipagkomunikasyon ukol sa proyekto. Geotechnical Engineer

naman nakatuon sa kaligtasan at katatagan ng pundasyon para sa iba’t ibang istruktura, sa

pamamagitan ng pag-aaral kung paano nakakaapekto ang mga ito sa lupa at bato. Ang mga

Structural Engineer ang gumagawa at humahawak sa mga malalaking proyekto tulad ng mga

gusali, tulay at dam, upang tingnan ang katatagan at tibay nito kahit abutin ng matagal na

panahon. Habang ang huli naman ay ang Transportation Engineer, sila ang may obligasyon sa

pagdidisenyo at pagpapanatili ng sistemang pang-transportasyon tulas ng kalsada, paliparan,

tren at mga sistemang mass transit.

Mula elementarya hanggang hayskul ay madalas itanong ng ating mga guro kung ano ang

napipintang kurso na nais kunin pagtungtong ng kolehiyo. Sabik at may masidhing damdaming

babanggitin ang kursong inhinyero ng may pagmamalaki. Ngunit, taliwas sa kung gaano natin

kadaling pangarapin ang propesyong ito ang kalbaryo ng malaking hamon kung paano sisimulan

ang unang hakbang patungo sa pagiging inhinyerong inaasam. Hindi madali ang daang tatahakin,

hindi biro ang hamong haharapin. Una sa lahat, bago makapag-enroll, kailangang matugunan ang

mga kinakailangang marka o grado mula sa high school o iba pang pre-college na edukasyon.

Kung minsan, may mga minimum grade requirements para sa mga kurso tulad ng Civil

Engineering. Kung hindi ito maabot, maaaring kailanganing mag-undergo ng remedial classes o

mag-take ng ibang kurso bago ka makapasok sa Civil Engineering program. Pangalawa, ang

Civil Engineering ay isang demanding na kurso. Kailangan itong paglaanan ng sapat na oras para
sa pag-aapply sa unibersidad sapagkat limitado lamang ang mga mag-aaral na tinatanggap sa

kursong ito. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Central Luzon State University ay

dinarayo ng mga mag-aaral sa mula sa iba’t ibang karatig na lugar sa Luzon maging sa ibang

bansa kung kaya’t hindi biro ang kumpetensya sa pagtanggap ng mga mag-aaral dito. Ang

tamang pagpaplano ng oras ay mahalaga upang maabot ang mga quota courses. Panghuli, ang

pag-aaral sa kolehiyo ay may kaakibat na gastos. Wala mang binabayarang matrikula sa ating

unibersidad ay hindi naman biro ang pang-araw araw na gastos at ang mga gastusin rin sa mga

kagamitan kinakailangan sa ibang asignatura sa ilalim ng kursong ito. Para sa mga working

student o may ibang financial constraints, ito ay maaaring maging isang malaking hamon.

Iba’t ibang pag-aaral ang nagpapakita na ang kursong Civil Engineering ay isa sa

pinakamahirap na kurso na tahakin sa kolehiyo. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Conlin (2024),

panglima sa sampung pinakamahirap na kurso ang Inhenyeriya. Ang mga salik na kanyang

isinaalang-alang ay ang (1) Marka ng Estudyante, (2) Sahod sa Hinaharap, at ang (3) bilang ng

mga gradweyt mula sa kursong ito kada taon. Karagdagan pa rito, ayon sa pag-aaral ng Sayem

(2022), maraming posibilidad ang maaaring maganap kung nakapagtapos ng kursong Civil

Engineering ngunit napakahirap naman nitong abutin. Isa sa mga isinasaad niyang kondisyon ay

dapat na bihasa ang isang tao sa agham at matematika kung naglalayon itong tahakin ang

nasabing kurso. Dapat rin na may sapat na paunang-kaalaman ang isang tao sa larangan ng

konstruksiyon at may kagustuhang madagdagan pa ang mga kaalamang tungkol dito.

Ayon kay K.B. (2014), problemang pinansyal ang isa sa mga hamon na kinakaharap ng

mga estudyante sa pagkuha ng kursong "Civil Engineering". Pinagbubuti ng mga estudyante ang

kanilang pag-aaral para makakuha ng scholarship na siyang makakatulong sa mga pang araw-

araw na gastusin sa pag-aaral. Ilan sa mga gastusin ay ang mga paksa na may indibidwal na
thesis na umuubos ng oras, pera, lakas-tao, at pagsisikap. Dagdag pa nya ang mga paksang may

pangkatawang proyekto na nakakadagdag sa labis na pagka pressure ng mga estudyante, dahil

limitado lamang ang kanilang oras at kinakailangan gastusan upang makapasa.

Ang marka ng isang mag-aaral ay kadalasang iniuugnay sa kanilang katalinuhan at

kagalingan, kung kaya’y natatakot ang nakararami na magkaroon ng bagsak o mababang marka.

Ayon kina Hasnain, A. at Bhamani, S. (2014), karamihan sa mga estudyante ay mas binibigyang

halaga at pansin ang kanilang grado kaysa sa pagkamit ng akademikong kagalingan dahil ang

grado ang ginagawang batayan upang magkaroon ng magandang trabaho at mabilis na pag-unlad

sa usaping panghanap-buhay. Ang ganitong kaisipan ay nagmula sa persepsyon ng nakararami at

pagkilala sa mataas na Grade Point Average (GPA) o Cumulative Grade Point Average (CGPA)

bilang daan upang ang isang indibidwal ay magtagumpay. Samantala, ang bagsak na grado ay

may negatibong epekto sa kalusugang mental ng mga mag-aaral. Ayon kina Ruthig atbp. (2004),

na binanggit sa sanaysay ni Freshessays.com (2023), karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo na

nahihirapan sa akademikong usapin ay may hindi magandang kalusugang mental. Nakararanas

sila ng mataas na anxiety at stress-level, tensyon, at mababang pagpapahalaga sa sarili na mas

pinapalala ng pressure mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isa pa, ang bagsak na grado

ay nagdudulot din ng pagbaba ng akademikong pagganap. Halimbawa na rito ang hirap ng mga

mag-aaral na kumuha ng maraming units upang makahabol sa kanilang mga kamag-aral, ngunit

nahahati ang kanilang oras at effort upang pagsabay-sabayin ang maraming gawain.

Bukod sa mga nabanggit, dagdag alalahanin din sa mga estudyante ang panahon, sipag, at

gastos na masasayang sa muling pagkuha ng mga kursong may bagsak na marka. Ang mga mag-

aaral na nakakaranas ng ganitong sitwasyon ay kadalasang nahuhuling magtapos sa pag-aaral ng

isang semestre o higit pa sa isang taon dahil sa mga kursong hindi maaaring kunin hangga’t hindi
nakakapasa sa mga nakaraang kurso. Dumadagdag pa sa dismaya ng nakararami ay ang mga

gastos sa mga kursong may bagsak na marka. Ayon sa pananaliksik ni Bona J.T. (2017),

karamihan ng mga mag-aaral na kaniyang nakapanayam ay gumagastos ng malaki sa kanilang

proyekto, takdang aralin, tuition fees, at kagamitan sa paaralan kaysa sa mga kasuotan at pagkain.

Kaya naman bumababa ang satispaksyon ng mga estudyante sa pag-aaral dahil sa muling

paglalabas ng salapi upang araling muli ang mga kursong kanila na dating pinaggastusan ng

malaking halaga.

Sa usaping satispaksyon ng mga mag-aaral, ayon sa Global Student Satisfaction report ng

taong 2019, ang salitang satispaksyon ay ang pinakasangkap upang maging motibado ang mga

tao at ito ang tumutulong sa kanila upang makamit ang kanilang mga pangmatagalang mithiin.

Mahalagang malaman ang satispaksyon ng mga mag-aaral dahil ito ang nagpapakita ng kanilang

kagalingang pansarili at kahusayan naman ng unibersidad na kanilang ginagalawan. Nasasaad

din na nagbabago ang level ng satispaksyon base sa paniniwala at damdamin ng mga mag-aaral,

maari rin itong maapektuhan ng kanilang bansa, kultura, pinanggalingang unibersidad, at mga

hangarin sa buhay.

Ang pagpasok at pagtatapos sa unibersidad ay hindi lamang para sa pagkakaroon ng

ibayong pansariling kaalaman ng bawat mag-aaral bagkus ito rin ay para sa kaunlaran ng

Pilipinas. Isa sa mga prominenteng programa sa lumalagong industriya ay ang inhenyeriya, lalo

na ang serbisyong konstruksiyon. Ayon sa mga nabanggit na pananaliksik, isa sa pinakamahirap

na programa ang inhinyerong sibil sapagkat bukod sa malalim na pag-aaral nito sa sipnayan,

pisika, at sistemang ekonomiko, komukonsumo rin ito ng pinansyal na pangangailangan at

mental na kalusugan. Ilan sa mga kurso sa programang ito ang nangangailangan ng mga naaayon

na materyales o budget upang makakuha ng pasadong marka bagaman hindi kadalian sa mga
pamilyang kapos sa pinansyal na aspeto ang matugunan ang pangangailangan na ito. May

pagkakataon na nakasalalay dito ang tagumpay o kabiguan na makamit ang inaasam na marka.

Gayong hindi madali ang pagpasok sa programang inhinyeryong sibil sa kadahilanang limitado

ang bilang ng mag-aaral na tinatanggap dito, hindi rin madali na ito ay maipasa. Sa kabiguan ng

mga mag-aaral sa bagay na ito, naapektuhan nito ang kanilang satispaksyon sa kanilang

akademikong pagganap na siyang nagpapababa ng motibasyon ng mga mag-aaral sa kanilang

pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay naibalangkas dulot ng masusing obserbasyon at kolektibong

karanasan ng mga mananaliksik. Nilalayon nito na suriin ang antas ng satispaksyon ng mga mag-

aaral ng Inhinyerong Sibil, partikular sa Lalong Mataas na Pamantasan ng Gitnang Luzon, ukol

sa markang nakuha mula sa mga kursong pinaglaanan ng malaking salapi. Ang pag-aaral na ito

ay isang mahusay na pagkakataon upang mabigyang-pansin ang halaga ng pinansyal na

ginugugol ng mga mag-aaral sa programang inhinyerong sibil. Sa tulong ng pananaliksik na ito,

hinahangad ng mga mananaliksik na mailahad sa mga kasalukuyang mag-aaral ng inhinyerong

sibil, guro, kolehiyo, pamantasan, pamahalaan, at mga mag-aaral na nagnanais na kunin ang

programang nabanggit, para sa kanilang kaalaman at impormasyon na maaari nilang magamit

para sa hinaharap. Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, mapagtatanto kung makatwiran ang

pinansiyal na paggugol para sa markang inaasam ng mga mag-aaral sa programang Inhinyerya.


Paglalahad ng Suliranin

1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mg respondante batay sa mga sumusunod:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

1.3 Antas; at

1.4 Buwanang kita ng pamilya?

2. Paano mailalarawan ang mga gastusin ng mga mag-aaral sa ilang asignaturang sa

usaping:

1.1 perang nakalaan para sa requirements;

1.2 Napapanahaong pagpapasa awtput;

1.3 Partisipasyon sa mga diskursyon;

1.4 Kolaborasyon sa pagbuo ng pangkatang proyekto?

3. Ano ang antas ng satispakyon ng mga inhinyerong sibil ng Central Luzon State

University sa kanilang nakuhang marka?

4. Ano ang makabuluhang relasyon ng gastos at satispaksyon ng mag-aaral sa Civil

Engineering sa mga markang nakuha?


Kahalagahan ng Pag-aaral

SHS Students. Ang mga impormasyon sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga estudyante

ng senior high school upang maunawaan ang mga pagsubok sa pagkuha ng mga magastos na

kurso sa kolehiyo. Ito ay maaaring magsilbing gabay ng mga estudyante sa pagpili ng programa

sa kolehiyo pagkatapos ng sekondarya, at ihanda sila sa mga gastusin sa kanilang napiling kurso

at ang epekto nito sa kanilang satispaksyon sa buong pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral

ay maaari ring maliwanagan sa satispaksyon sa grado ng mga estudyante mula sa mga magastos

na programa na nais nilang kuhanin.

College Students. Lubusang makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral sa kolehiyo

upang magkaroon sila ng pangkalahatang-ideya sa mga posibilidad na gastusin upang matugunan

ang bawat materyales na kinakailangan sa kanilang pag-aaral. Higit na magkakaroon ito ng

benepisyo sa mga nasa unang taon pa lamang ng kanilang pagtahak sa programang Inhinyerong

Sibil dahil sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon sila ng kaalaman kung

magiging sapat ang kanilang ipupuhunan para sa marka na nais nilang makuha. Hindi lamang ito

para sa mga mag-aaral sa ilalim ng programang Inhinyerong Sibil bagkus para sa lahat ng mag-

aaral sa kolehiyo. Mahalaga ang pananaliksik na ito para sa kanilang paniniwala at agam-agam

sa mga markang nakukuha ng mga mag-aaral kaugnay sa mga may malaking gastos na programa

sa kolehiyo.

Mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman sa mga magulang tungkol sa

koneksyon ng pinansyal na kakayahan sa pagganap at pag-aaral ng kanilang mga anak sa

programang inhinyerong sibil. Ang mga natuklasan na impormasyon ay maaari rin magbigay

ideya sa kanila kung papaano nila magagabayan at masusuportahan ang mga kanilang mga anak

na gustong makapagtapos sa programang ito.


Professors. Ang pananaliksik na ito ay lubos na makakatulong upang malaman nila ang

satispaksyon at pananaw ng mga mag-aaral sa gradong kanilang ibinibigay sa asignaturang may

malaking gastos. Malalaman ng mga professor kung saan nanggaling ang mga perang ginastos

ng mag-aaral at laki ng kanilang nagastos sa akademikong gawain. Ito ay makakatulong upang

malaman nila na mayroong malaking epekto ang gastos sa gradong dapat makuha ng mga mag-

aaral. Sa tulong ng pananaliksik na ito matutukoy ng mga professor na dapat maisali din ang laki

ng nagastos sa grading system.

Unibersidad. Sa mga unibersidad, ang pananaliksik na ito ay may malalim na kahalagahan. Una,

ang pag-aaral ng gastusin at pananaw ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng

unibersidad sa kanilang mga estudyante. Dahil dito, naipapakita lamang na teknikal na kaalaman

ang kanilang inuukit, kundi pati na rin ang kanilang karanasan at perspektiba. Pangalawa, sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito natutukoy ng unibersidad ang mga aspeto ng gastusin ng

mga mag-aaral na nagbibigay-daan sa kanila na magplano at magpatupad ng mga hakbang

upang mapabuti ang mga serbisyong pang-akademiko at pang-estudyante. Pangatlo, ang pag-

aaral na ito ay nagbibigay ng impormasyon kung ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral na

maaring makatulong sa pagpapabuti ng mga polisiya at programa ng unibersidad. Pang-huli, sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito maaaring matukoy ang mga solusyon sa mga suliranin na

kinakaharap ng mga mag-aaral lalo na sa gastusin na hindi makatarungan, maaaring magkaroon

ng hakbang para mapababa ito.

Gobyerno. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging batayan upang mas mabigyang pansin

ng gobyerno ang mga kinakailangang tulong at suporta sa mga mag-aaral sa ating bansa sa ilalim

ng aspeto ng edukasyon. Dagdag pa dito, maaring mabatid ng pamahalaan ang kahalagahan ng

mga pribilehiyo at oportunidad na maari nilang pang suporta sa mga mag-aaral tulad ng
iskolarship, pagpapatayo pa ng mga pampublikong unibersidad, mga gawad at libreng tuition

para sa lahat.

Mga susunod na mga mananaliksik. Ang pag aaral na ito ay maaari nilang maging gabay

upang mas mapalawak at makapag bigay sila ng ibang impormasyon sakanilang pananaliksik.

Scholarship providers. Nais ng mga mananaliksik na maipakita na may epekto rin ang mataas

na bayarin sa kolehiyo sa mga scholarship providers sa kadahilanan na may mga mag-aaral din

na umaasa sa benepisyo na nagmumula sa kanila.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag aaral

Ang pangkabuuang intensiyon ng pag-aaral na ito ay alamin ang antas ng satispaksyong

ng mga estudyanteng inhinyerong sibil ng Central Luzon State University sa kanilang nakuhang

marka sa mga kursong kanilang pinaggastusan ng malaki. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa

epekto ng gastos ng mga kurso ng programang Bachelor of Science in Civil Engineering sa

akademikong pagganap at sa reaksiyon ng mga estudyante sa mga gradong kanilang nakuha.

Ang mananaliksik ay kukuha ng 47 na respodante na magmumula sa freshmen hanggang

seniors.Ang mga respondante ng pag-aaral na ito ay pinili gamit ang stratified sampling

technique kung saan ay random na pinili ang mga kalahok sa loob ng isang strata o grupo,

partikular na sa mga estudyanteng inhinyerong sibil na nagrugrupo base sa taon ng pag-aaral sa

kolehiyo.

Ang pananaliksik na ito ay hindi sumasaklaw sa pagsuri ng antas ng satispaksyon ng mga mag-

aaral sa ibang mga programa sa loob at labas ng unibersidad patungkol sa kanilang markang

nakuha mula sa kursong pinaglaanan ng malaking salapi.


Ang pag-aaral na ito ay hindi naglalayong magsimula nang pag-aaklas, panunuligsa, at

pambabatikos laban sa departamento ng Kolehiyo ng Inhinyerong sibil.

Teoretikal na Balangkas

Sa pag-aaral na ito, pinagbatayan ang Investment Model ni Caryl E. Rusbult (2001),

sinasabi rito na mula sa investment perspective, ang pagiging commited ng mga tao pagdating sa

kanilang mga desisyon ay maaaring masuri sa pamamagitan ng kanilang pananaw sa

kompensasyon, gastos, at ang pagkakaroon ng mga alternatibong opsyon. Ito ay naglalayong

ipakita ang ugnayan ng satispaksyon ng mga mag-aaral, attrisyon o ang pagbaba ng bilang (ng

mga mag-aaral), at kagalingang pang-akademiko. Ito ginagamit upang maunawaan ang pag-

uugali ng mga mag-aaral ay mag kaugnayan sa kompensasyon or reward na kanilang makukuha

kapalit ng kanilang oras at perang iginugol para sa programa.

Ang satispaksyon ng mga mag-aaral ay tumataas kung ang kanilang reward (mataas na

grado) ay mataas rin. Ang satispaksyon ng mga mag-aaral ay mataas kung ang mga balakid sa

oras at pera ay mababa. Ang investment model ay maaaring makatulong sa pagngangalap ng mga

mag-aaral na may “risk for dropping out” nang sa gayon ay mabigyan sila ng counselling at iba

pang mga serbisyo, suporta, at preventive measures (Rusbult, 2001).


Konseptwal na Paradigma

Di Malayang Baryabol

I. Sosyo-demograpikong Malayang Baryabol


Antas ng satispaksyon ng
pagkakakilanlan:
mga mag-aaral sa marka
a. Edad
mula sa mga kursong may
b. Kasarian
malaking gastos.
c. Antas

d. Buwanang kita ng pamilya

II. Deskripsyon ng gastusin ng mga

mag-aaral sa ilang asignatura sa


Awtput
usaping perang nakalaan para sa Malaman ang

mga requirements, pinanggalingan makabuluhang relasyon sa

ng perang ginastos at tinatayang pagitan ng gastos na inilaan

nagastos. sa kurso at ng stispaksyon

III. Pansariling pagtataya ng mga mag- ng mga mag-aaral sa

aaral sa kanilang akademikong marking nakuha sa

pagganap sa usaping kalidad ng espesipikong kurso o

awtput, napapanahong pagpapasa ng asignatura.

awtput, partisipasyon sa mga

diskusyon, at kolaburasyon sa

pagbuo ng pangkatang proyekto.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Halaga ng salapi sa Kolehiyo at Kursong Inhinyeriya

Ang pag-aaral sa tersiyaryo, o pag-aaral sa kolehiyo at unibersidad, ay tumutulong sa

mga estudyante na matuto ng mahahalagang kasanayan na magagamit nila upang makakuha ng

trabaho at kumita ng pera. Hinuhubog din nito ang mga mag-aaral na maging eksperto sa ilang

partikular na larangan na tumutulong na gawing mas matalino ang ating lipunan. (Tullao & Dela

Corce, 2015 ). Dagdag pa ng mga mananaliksik, ang halaga ng pag-aaral sa pribadong

unibersidad o kolehiyo ay halos kapareho ng perang sinisingil nila sa matrikula. Ngunit sa mga

pampublikong paaralan, ang gobyerno ang nagbabayad ng halos lahat ng gastos, kaya maliit na

halaga lamang ang babayaran ng mga mag-aaral para sa matrikula. Subalit, minsan ang mga

pampublikong paaralan ay maaaring mas mahal kaysa sa mga pribadong unibersidad. Kahit na

maaaring libre ang tuition sa mga pampublikong paaralan, kailangan pa ring mag-alala ng mga

estudyante tungkol sa pera para sa mga bagay tulad ng pagkain, transportasyon, at mga gamit sa

pag-aaral.

Ayon naman kay Rosal (2023), ang kakayahan sa pananalapi ay mahalaga sa edukasyon

dahil ito ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na matupad ang kanilang mga pangarap at

makakuha ng mataas na kalidad na edukasyon, kabilang ang mga kagamitan sa pag-aaral tulad

ng mga libro, teknolohiya, at pagbabayad ng tuition fees pati na rin ang pagtustos para sa iba

pang mga pangangailangan sa pag-aaral para sa matagumpay na akademikong pagganap. Subalit

ayon kina Mulhern, et al (2013), ang natatalang panganib ay ang patuloy na pagtaas ng bayad sa

pag-aaral sa ating mga kolehiyo at unibersidad. Anuman ang dahilan, ang mas mataas na presyo
ng pag-aaral sa kolehiyo ay nangangahulugan na mas kaunting pamilya ang makakakuha ng

edukasyon at pagsasanay na kailangan nila upang lumago at umunlad sa kanilang mga

pamayanan. Ang mga mahihirap na mag-aaral, gayundin ang mga pamilya mula sa middle-class,

ay nahihirapan na bayaran ang edukasyon sa kolehiyo. Ang tulong pinansyal ng estado at pederal

ay hindi nakatutugon sa lumalagong pangangailangan, at mas maraming estudyante ang

nakaharap sa mas mataas na antas ng utang.

Samantala, isa sa kilalang kurso sa kolehiyo na nangangailangan ng malaking salapi ay

ang kursong Inhinyeriya. Ang kamakailang JobsFit 2022 Labor Market Information Report mula

sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagbibigay ng magandang buod ng mga in

demand na trabaho o karera sa Pilipinas ngayon. Batay sa ulat ng DOLE tungkol sa

pinakamabilis na lumalagong industriya, ang mga trabahong in demand sa kasalukuyan ay

Engineering, Information Technology / Computer Science, Business Management, Supply Chain

Management, Healthcare at Education. Ayon pa kay Dr. Francis Aldrine A. Uy, Mapúa

University’s Dean of the School of Civil, Environmental and Geological Engineering, higit na

nangangailangan ng mga inhinyero ang bansa sapagkat sila ang mga lumilikha ng mga

makabagong ideya na napakahalaga para sa mga industriya upang mabuhay. Dagdag pa niya

“Dahil sa patuloy na pag unlad at pagbabago, ang trabaho ng mga inhinyero ay hindi kailanman

magtatapos dahil ito ay bahagi ng paglalakbay ng mga tao sa hinaharap”.

Gayunpaman, hindi maikakaila na kailangan pa rin ang mga estudyante na inhinyero ng

salapi upang tutusang ang pang-araw-araw na buhay estudyante. Kasama na rito ang mga gastos

sa kanilang proyekto, takdang aralin, gamit sa laboratoryo, at iba pang gamit na nakabase sa iba’t

ibang espesyalisasyon ng kursong inhinyeriya.


Kakulangang Pinansyal bilang Sanhi ng Pagsubok sa Akademikong Pagganap at Stress

Ayon sa pananaliksik nina Norazlan et al., (2020), isa sa mahalagang isyu para sa mga

estudyante ang kanilang problema hinggil sa kanilang pinansyal na pangangailangan. Karamihan

sa mga ito ay pinagkakasya ang kanilang allowance kung saan tanging pinaggugugulan lamang

ang mga pinakaimportanteng pangangailangan sa kanilang programa. Mula sa mga resulta ng

kanilang pananaliksik, ang ilang mga mag-aaral ay umaasa lamang sa mga pautang sa edukasyon

o mga scholarship. Ang ilang mga mag-aaral ay umaasa sa kita ng kanilang pamilya,

samantalang ang ilan ay kailangang magtrabaho upang tustusan ang kanilang sarili sa kanilang

pag-aaral at mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa pag-aaral naman nila Moore, A., et al (2021), ipinapakita na ang mataas na presyo ng

mga libro at iba pang materyales sa kurso ay nagiging sanhi ng stress para sa mga mag-aaral.

Napansin na madalas itong maging dahilan ng "patuloy na pag-aalala" sa pinansyal na aspeto ng

kanilang buhay, lalo na tuwing pasukan ng bagong semester. Dahil sa mga gastos, may ilang

mag-aaral na napipilitang iwasan ang ilang klase o di kaya'y mangamba na ang kanilang mga

marka ay maaapektuhan kung hindi nila mabibili ang mga kinakailangang materyales. Sa kabila

ng mga hamong ito, karamihan sa mga mag-aaral ay nagpapasya pa ring magbayad para sa mga

pangangailangan. Para naman mabawasan ang gastos, nag-iisip ng mga alternatibong paraan ang

ilan sa kanila tulad ng pagpapahiram ng mga libro sa mga kaklase para kuhanan ng litrato.

Gayunpaman, may mga kaso rin na hindi sapat ang mga lumang edisyon ng mga libro na

nagiging dahilan sa napag-iiwanan sila sa klase.

Sa kabilang banda, sinabi ni Daud et al. (2018) na dahil sa kakulangan sa

mapagkukunang pinansyal upang matugunan ang problema sa pananalapi, ang ilang mga mag-
aaral ay kailangang bawasan ang kanilang mga oras ng pag-aaral upang pumili ng mga

alternatibong mapagkukunang pinansyal sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng part-time nang

mahabang oras o pagkakaroon ng maraming trabaho na maaaring makaapekto sa kanilang

akademikong pagganap.

Dagdag pa ni Perman (2019), may pagkakataon na pati ang kalusugan ng mga estudyante

ay naisasantabi para lamang magkaroon ng pambayad sa eskwelahan. Dahil sa kakulangan sa

pinansiyal, nagkakaroon ng suliranin ang mga estudyante hinggil sa kanilang pakiki-angkop sa

mataas na gastusin sa kanilang pang-araw-araw. Ang problema sa pinansyal ay isang malalang

issue sa unibersidad kung saan naaapektuhan nito kanilang ang akademikong pagganap. Ayon sa

pag-aaral na isinagawa ni Widener (2017), napagtanto dito na ang mga estudyante na may

pinansyal na dilema ay mayroong mas mababang marka at enrolled sa mas maunting bilang ng

credit hours.

Samantala, sa usaping mental na kalagayan, maraming mga pag-aaral ang sumasang-ayon

na ang stress na mula sa pinansiyal na kalagayan ay nagdudulot ng mababang akademikong

pagganap kabilang na ang mga sumusunod:

Ayon kina Usman at Banu (2019) na ang mga mag-aaral na labis na apektado ng stress

sa pananalapi ay nakakakuha ng mas mababang marka at mas kaunting oras sa pag-aaral. Ang

mga mag-aaral na nakaranas ng pagkaantala sa kanilang pag-aaral ay posibleng isaalang-alang

ang pagliban ng mga klase o pagpapahinga ng isang semestre dahil sa mga alalahanin o

problema sa pananalapi, at sila ay nakapag-ulat ng mas mataas na stress dahil sa kanilang

personal na sitwasyon sa pananalapi. Bukod pa rito, natuklasan na ang mga mag-aaral na

nararamdaman na ang pag-aalala tungkol sa mga pondo o pera para sa kanilang pag-aaral ay
nakakaapekto sa kanilang pagganap sa akademiko at nagpakita ng mas mababang pagganap sa

eskuwela.

Sinabi rin nila Asri, A., et al (2017) na karagdagang hamon sa mga mag-aaral ang mula

sa mga pamilyang mahihirap o may mababang kita. Ang kakulangan sa pinansyal na kakayahan

ng kanilang pamilya ay maaaring magdulot ng labis na stress at pressure sa mga mag-aaral, na

maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan na mag-concentrate sa kanilang pag-aaral. Ang

pag-aalala sa mga gastusin at pang-araw-araw na pangangailangan ay maaaring maging hadlang

sa kanilang pag-unlad sa akademiko. At makikita naman sa pag-aaral nila Moore et al. (2021) na

mayroong mga mag-aaral na nakakaranas ng mga epekto ng stress sa pananalapi sa kanilang mga

buhay panlipunan at sa kanilang pag-aaral. Bukod dito, ang mga mag-aaral ay maaari ding

makaranas ng mga hadlang sa tagumpay sa paaralan kapag nahaharap sa pinansyal na stress, na

nakahahadlang sa kanila na bumili ng mga libro, isaalang-alang ang pag-aaral sa trabaho, at

nagpapahirap sa kanila na maabot ang kanilang mga layunin sa karera

Positibong Epekto ng Sapat na Suportang Pinansyal sa Grado, Akademikong Pagganap, at

satispaksyon ng mga Mag-aaral

Napag-alaman sa pag-aaral nina Moneva et al. (2020) ang mga estudyante na may sapat

na pera para sa kanilang mga gastusin ay mas masaya at hindi na kailangang mag-alala tungkol

sa pera. Dagdag pa dito, mas mahusay ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral kung mayroon

silang karagdagang tulong pinansyal. Ang tulong na ito ay ginagawa silang mas organisado

dahilan kung kaya’t mas mahusay sila sa kanilang mga pagsusulit at akademikong pagganap.
Ipinakita rin sa pag-aaral na ang mga mag-aaral na masaya sa kanilang suportang pinansyal ay

mas malamang na magpatuloy na humusay at magpursige mag-aral.

Katulad sa sinabi ni Moneva et al. (2020) binanggit din sa pananaliksik ni Dikko at al.

(2014) na ang pera ay isang malaking isyu sa edukasyon. Masaya ang mga estudyante kapag

mayroon silang sapat na pera dahil hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa pagbabayad ng

kanilang mga bayarin. At kapag ang mga mag-aaral ay may sapat na pera upang suportahan ang

kanilang pag-aaral, mas mahusay sila sa paaralan at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Samakatuwid, ang pagkakaroon ng sapat na pera ay maaaring maging mas masaya at mas

determinado ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sumang-ayon rin sa Oladebinu,oo., et al (2018) sa mga naunang resulta kung saan

ipinapakita ang kahalagahan ng impluwensya ng kita at katayuan sa lipunan ng mga magulang sa

pag-unlad ng akademikong kakayahan ng mga estudyante. Kapansin-pansin na may positibong

ugnayan ang antas ng kita at katayuan sa lipunan ng mga magulang sa tagumpay ng mga

estudyante sa kanilang pag-aaral. Madalas na nakikita na ang mga estudyanteng galing sa mga

pamilyang may mababang katayuan sa ekonomiya ay nagpapakita ng mas mababang pagganap

sa akademiko kumpara sa kanilang mga kapwa na nagmula sa mas magandang kalagayan sa

pamilya.

Ang mga estudyanteng nasa mga pamilyang may mababang kita at katayuan sa lipunan

ay madalas na nakakaranas ng mga hamon tulad ng kakulangan sa mga pangunahing

pangangailangan tulad ng edukasyon. Dahil dito, maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa

kanilang kakayahan na magpokus at magtagumpay sa pag-aaral. Sa kabilang banda, ang mga

estudyanteng may magandang kalagayan sa pamilya ay madalas na may mas magandang access
sa mga mapanlikha at mataas na kalidad na edukasyonal na oportunidad. Sila ay kadalasang may

sapat na suporta mula sa kanilang mga magulang, malusog na kalagayan, at iba pang mga

benepisyo na maaaring magdulot ng mas mataas na antas ng pagtutok at pagganap sa paaralan.

Samantala, kasabay ng paghusay sa akademikong pagganap ay ang pagtaas rin ng

satispaksyon ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral nina Ogunmakinde, O., et al.(2017), ang mga

bagay na nakaapekto sa satispaksiyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ay ang kondisyon

sa pagtratrabaho, kompensasyon sa gastos at benepisyo, kalidad ng edukasyon, buhay panlipunan,

pagkilala (De Vore at Handal, 1981), kalidad ng interaction, kalidad ng kinalabasan, physikal na

kapaligiran (Clemes et al. 2008), mga factor sa kurso (Lo,2010), pagkakaroon ng mga pasilidad

at mapagkukunan (Garcia-aracil, 2008), kalidad ng edukasyon at panlipunang salik (Elliot at

Healy, 2001; Weirs-Jenssen, Stensaker &Grogaard, 2002).

Samantala, ang mga markang nakuha ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga guro ay

nakakaapekto rin sa kanilang satispaksyon. “Attention has now shifted to students’ satisfaction

with grades obtained at the end of a course,” ayon kina Marsh and Dunkin (1992), kung makikita

sa pag-aaral ni Ogunmakinde, O. et al. (2017). Sa usaping epekto ng marka sa satispaksyon ay

mayroon ring mga pananaliksik na magkasalungat ang resulta, gaya ng konklusyon ni Pike (1991)

na mayroong mas malaking impluwensya ang satispaksyon ng mga estudyante sa kanilang marka

kaysa sa epekto ng marka sa kanilang satispaksyon, na di sinang-ayunan ng pag-aaral ni Lo at

Olin (2009).

Subalit ang mga nasabing marka ay maaari ring nagdudulot ng pagkadismaya sa

nakararami. Gaya ng nasa sulatin nila Ogunmakinde et al. (2017), ang moral ng mga estudyante

ay maaaring maapektuhan kung sa palagay nila ay hindi nagantimpalaan ang kanilang mga
pagsisikap. Pagkamit ng balanse sa pagitan ng mga desisyon ng mga tutor at kasiyahan ng mga

estudyante ay mahalaga. Ito hinahangad ng pananaliksik na tukuyin ang mga salik na

nakakaapekto sa kasiyahan ng mga mag-aaral sa mga marka sa disenyo kurso. Ang kanilang mga

tugon ay nagsiwalat na karamihan sa kanila ay hindi nasisiyahan sa kanilang mga tagapagturo.

Naramdaman nila na hindi pare-pareho ang pagmamarka.

At panghuli, ang satisfaction ng mga mag-aaral ay nasusukat din sa mga feedback at

ebalwasyon sa mga unibersidad. Ayon kina Dong at Lucey (2013), isang mahalagang aktibidad

para sa mga tagapagturo ng unibersidad ang patuloy na pagsusubaybay at pagpapahusay sa

kalidad ng kanilang pagtuturo ng mga asignatura sa kanilang mga mag-aaral. Ang unibersidad ay

maaring humingi ng feedback at mga komento mula sa mga mag-aaral patungkol sa kalidad ng

serbisyo ng mga kawani ng unibersidad gayon na rin ang paglalahad ng natutunan ng mga mag-

aaral mula sa kanilang mga aralin. Ang Curtin University ay lumikha at gumagamit ng online na

unit survey system na tinatawag na eVALUate mula noong 2006 upang masukat ang satispakyon

ng mga mag-aaral sa konteksto ng kasalukuyang pag-aaral. Para sa mga kurso kung saan sila

naka-enrol, hinihikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa mga quantitative at qualitative na

pagsusuri na isinasagawa sa buong unibersidad. Ang mga resulta ng pagkatuto, mga karanasan sa

pagkatuto, mga mapagkukunan sa pag-aaral, mga gawain sa pagtataya, feedback sa gawain,

workload, kalidad ng pagtuturo, pinakamahusay na paggamit ng mga karanasan sa pag-aaral,

epektibong pagkatuto, at pangkalahatang satispaksyon ay ang labing-isang dami ng mga item sa

eVALUate na ginagamit upang matukoy ang antas ng pagsang-ayon ng mga mag-aaral.


Ang eVALUate Full Unit Report (FUR) survey feedback mula sa apat na semestre

ng unit delivery noong 2010-2011, na nakolekta sa Australian main campus (Bentley) at sa

Sarawak (Miri) offshore campus, ay binubuo ng datos na ginamit sa pag-aaral na ito. Napag-

alamang hindi lubhang nakaaapekto ang pagbabago ng pagtataya kahit na ito ay may mga lihim

na pagbabago sa balanse ng mga ipinakitang resulta ng pagkatuto para sa asignatura.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang ikatlong kabanata ay nagsasabi ng mga paraan sa pagsulat at pagsasagawa ng

pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng satispaksyon ng mga estudyante ng

inhinyerong sibil sa mga marka mula sa kanilang mga kursong may malaking gastos sa mga

piling mag aaral na nasa ika-dalawa hanggang ika-apat na isang baitang ng College Of

Engineering sa Central Luzon State University. Sa karagdagan, tinatalakay rin sa bahaging ito

ang mga sumusunod na konsepto at mga napiling disenyo ng pananaliksik at populasyon.

Kabilang na ang paraan ng pagkalap ng mga datos at pagbibigay kahulugan dito.

Disenyo at Uri ng Pag aaral

Ang instrumentong gagamitin upang makakalap ng datos o impormasyon na

kinanakailangan sa isinasagawang pananaliksik ay sa pamamagitan ng sarbey-kwestyuner at

aktwal na pakikipanayam sa mga respondante. Naghanda ng sarbey-kwestyuner ang mga

mananaliksik at inaasahan masasagutan ang ipapamahagi sa mga piling mag-aaral na nasa nasa

ika-dalawa hanggang ika-apat na taong baitang ng kolehiyo ng mga inhinyerong sibil sa Central

Luzon State University kung saan ito ay may apat parte.

Ang unang set ay tungkol sa pagkakakilanlan o demographic profile ng mga

estudyanteng inhinyerong sibil ng CLSU. Ang pangalan (optional). edad, taon ng pag-aaral sa

kolehiyo, at buwanang kita ng pamilya ay nakapaloob sa seksyon na ito.

Ang pangalawang set ng mga tanong ay tungkol sa gastusin ng mga mag-aaral sa ilang

asignatura na kanilang naipasa mula ng mag-aral sila sa kolehiyo. Aalamin sa seksyon na ito ang
budget o nakalaang pera ng mga mag-aaral upang ipasa ang ilang asignatura, ang kanilang

pinagkuhanan ng pangtustos, at ang estimadong kabuuang salapi na kanilang nagastos.

Ang pangatlong set ng ay tungkol sa sariling pagtataya ng mga estudyante sa kanilang

akademikong pagganap. Ito ay gagamit ng excellence scale kung saan ang 5 na puntos ay

nangangahulugang “sobrang husay”, 4 na puntos bilang “napakahusay”, 3 na puntos bilang

“mahusay”, 2 na puntos bilang “katamtaman”, at 1 na puntos bilang “hindi mahusay” upang

malaman ang antas ng kanilang pagganap sa mga akademikong gawain sa usaping magandang

kalidad ng mga awtput, tama at napapanahong pagpapasa ng mga gawain, pakikilahok sa

discussion, at kolaborasyon sa pagbuo ng mga proyekto.

Ang panghuli ay ang nag-iisang katanungan tungkol sa antas ng satispaksyon ng mga

estudyante sa nakuha nilang mga grado. It ay gagamit ng satisfaction scale kung saan ang puntos

na 5 ay katumbas ng “sobrang nasiyahan”, 4 na puntos bilang “nasiyahan”, 3 na puntos bilang

“neutral”, 2 na puntos bilang “hindi nasiyahan”, at 1 na puntos bilang “sobrang hindi nasiyahan”

upang malaman ang lebel ng kanilang satispaksyon sa marka pagkatapos ng isang semestre.

Bukod sa sarbey-kwestyuner, ang mananaliksik ay naghanap ng mga kaugnay na

literatura at pag-aaral mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian upang higit na mapagtibay ang

pag-aaral na ito. Ang kaugnay na literatura at pag-aaral ay isang pormal na pangangalap ng

propesyunal na literaturang kaugnay sa isang partikular na pananaliksik.

Sa pamamaraang ito natutuhan o nadiskubre ng mga nakaraang mananaliksik ang mga

bagay na may kaugnayan sa pag-aaral. Maingat ang pangangalap ng mananaliksik sa kaugnay na

literatura at naging payak lamang ang dulog para sa malinaw na pag-uugnay ng isang pag-aaral

sa iba pang pag-aaral. Mahalaga ito sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng


pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang pananaliksik at literatura na gabay sa

pag-aaral.

Sa kaugnay na literatura, nagbibigay ito ng karagdagang makabagong impormasyon.

Dyornal, mga magasin at pahayagan ang karaniwang pinaghanguan ng sanggunian ng

mananaliksik na nakapagdagdag ng impormasyong nakalap para sa iskolastikong halaga ng

pananaliksik. Sa makabagong paraan, nakatulong ang internet sa mga mapagkakatiwalang

website para sa pagkuha ng mga mahalagang impormasyon at datos ng pag-aaral.

Lokasyon

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa College of Engineering sa pamantasan ng Central

Luzon State University. Ang Central Luzon State University ay isang pampublikong pamantasan

ng kolehiyo na may 658 ektaryang lupain matatagpuan sa Brgy. Bantug, Lungsod Agham ng

Muñoz, Probinsya ng Nueva Ecija at kilala bilang “Bangan ng Bigas ng Pilipinas” na

pinamumunuan ng bagong halal na Presidente ng Unibersidad na si Dr. Evaristo A. Abella. Nag-

aalok ito ng malawak na hanay ng mga sektor ng kurso na nasa ilalim ng mga sumusunod na

kolehiyo kabilang ang College of Education, College of Science, College of Business

Administration and Accountancy, College of Arts and Social Sciences, College of Veterinary

Science and Medicine, College of Agriculture, College of Fisheries, College of Home Science

and Industries at College of Engineering.

Ang pag-aaral na ito ay partikular na iikot sa mga estudyante ng kolehiyo ng inhinyerya

(College of Engineering) at kabibilangan ng mga estudyanteng inhinyerong sibil na nasa ikalawa,

ikatlo, at ikaapat na taon nang nag-aaral sa universidad.


Larawan 1. Mapa ng Central Luzon State University (CLSU)

Larawan 2. Mapa ng College of Engineering sa Central Luzon State University (CLSU)

Pagpili ng Kalahok

Ang mga respondente na makikilahok sa isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik

ay nasa ika-dalawa hanggang ika-apat na taong baitang ng kolehiyo ng mga inhinyerong sibil sa

Central Luzon State University patungkol sa kanilang antas ng satispaksyon sa kanilang mga

marka mula sa mga kursong may malaking gastos. Ang kabuung bilang ng mga inhinyerong sibil

sa Central Luzon State University ay 578 simula 2nd year hanggang 4th year, may 178 na
kabuuang bilang para sa mga 2nd year, 127 na kabuuang bilang para sa mga 3rd year at 273 na

kabuuang bilang para sa mga 4th year . Upang malaman ang kinakailangang populasyon para sa

maasahanng resulta, ang mga mananaliksik ay kinuha ang 90% confidence level ng kabuuan ng

populasyong ng mga inhinyerong sibil. Pagtapos ng pag kalkula gamit ang Slovin’s formula, ang

limitasyon ng pananaliksik na ito ay may kabuung 42 na mga piling inhenyerong sibil na mag-

aaral, 13 na respondante para sa 2nd year, 9 na respondante para sa mga 3rd year at 20 na

respondante para sa mga 4th year. Ito ay sapat na upang makamit ag mga layunin at masagot ang

mga katanungang nais malaman ng mga mananaliksik. Nais ng pag-aaral na ito na malaman

kung sapat o kung ano ang antas ng satispaksyon ang mga estudyateng inhinyerong sibil sa

kanilang mga marka mula sa mga kursong may malaking gastos.

Tinitiyak ng mga mananaliksik na ang mga mapipiling mag-aaral na makikilahok ay may

karanasan o dumaranas ng sitwasyon kung saan, ang kanilang pinansyal ay nagkaroon ng

relasyon sa kanilang akademikong pagganap. Ang mga napiling mag-aaral ay sasagutan ang mga

inihandang sarbey kwestyuner at aktwal na pakikipanayam ng mga mananaliksik.

Instrumento ng Pag aaral

Ang instrumentong gagamitin upang makakalap ng datos o impormasyon na

kinanakailangan sa isinasagawang pananaliksik ay sa pamamagitan ng sarbey-kwestyuner at

aktwal na pakikipanayam sa mga respondante. Naghanda ng sarbey-kwestyuner ang mga

mananaliksik at inaasahan masasagutan ang ipapamahagi sa mga piling mag-aaral na nasa nasa

ika-dalawa hanggang ika-apat na taong baitang ng kolehiyo ng mga inhinyerong sibil sa Central

Luzon State University kung saan ito ay may apat parte.


Ang unang set ay tungkol sa pagkakakilanlan o demographic profile ng mga

estudyanteng inhinyerong sibil ng CLSU. Ang pangalan (optional). edad, taon ng pag-aaral sa

kolehiyo, at buwanang kita ng pamilya ay nakapaloob sa seksyon na ito.

Ang pangalawang set ng mga tanong ay tungkol sa gastusin ng mga mag-aaral sa ilang

asignatura na kanilang naipasa mula ng mag-aral sila sa kolehiyo. Aalamin sa seksyon na ito ang

budget o nakalaang pera ng mga mag-aaral upang ipasa ang ilang asignatura, ang kanilang

pinagkuhanan ng pangtustos, at ang estimadong kabuuang salapi na kanilang nagastos.

Ang pangatlong set ng ay tungkol sa sariling pagtataya ng mga estudyante sa kanilang

akademikong pagganap. Ito ay gagamit ng excellence scale kung saan ang 5 na puntos ay

nangangahulugang “sobrang husay”, 4 na puntos bilang “napakahusay”, 3 na puntos bilang

“mahusay”, 2 na puntos bilang “katamtaman”, at 1 na puntos bilang “hindi mahusay” upang

malaman ang antas ng kanilang pagganap sa mga akademikong gawain sa usaping magandang

kalidad ng mga awtput, tama at napapanahong pagpapasa ng mga gawain, pakikilahok sa

discussion, at kolaborasyon sa pagbuo ng mga proyekto.

Ang panghuli ay ang nag-iisang katanungan tungkol sa antas ng satispaksyon ng mga

estudyante sa nakuha nilang mga grado. It ay gagamit ng satisfaction scale kung saan ang puntos

na 5 ay katumbas ng “sobrang nasiyahan”, 4 na puntos bilang “nasiyahan”, 3 na puntos bilang

“neutral”, 2 na puntos bilang “hindi nasiyahan”, at 1 na puntos bilang “sobrang hindi nasiyahan”

upang malaman ang lebel ng kanilang satispaksyon sa marka pagkatapos ng isang semestre.

Bukod sa sarbey-kwestyuner, ang mananaliksik ay naghanap ng mga kaugnay na

literatura at pag-aaral mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian upang higit na mapagtibay ang


pag-aaral na ito. Ang kaugnay na literatura at pag-aaral ay isang pormal na pangangalap ng

propesyunal na literaturang kaugnay sa isang partikular na pananaliksik.

Sa pamamaraang ito natutuhan o nadiskubre ng mga nakaraang mananaliksik ang mga

bagay na may kaugnayan sa pag-aaral. Maingat ang pangangalap ng mananaliksik sa kaugnay na

literatura at naging payak lamang ang dulog para sa malinaw na pag-uugnay ng isang pag-aaral

sa iba pang pag-aaral. Mahalaga ito sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng

pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang pananaliksik at literatura na gabay sa

pag-aaral.

Sa kaugnay na literatura, nagbibigay ito ng karagdagang makabagong impormasyon.

Dyornal, mga magasin at pahayagan ang karaniwang pinaghanguan ng sanggunian ng

mananaliksik na nakapagdagdag ng impormasyong nakalap para sa iskolastikong halaga ng

pananaliksik. Sa makabagong paraan, nakatulong ang internet sa mga mapagkakatiwalang

website para sa pagkuha ng mga mahalagang impormasyon at datos ng pag-aaral.

Paraan ng Pag aaral

Pagkatapos makahingi ang mananaliksik ng permiso sa mga kinauukulan, ang mga

mananaliksik ay mamamahagi ng pisikal na kopya ng mga katanungan sa mga estudyanteng sibil

sa paligid ng kolehiyo ng inhinyerya at bubuo rin ng online questionnaire gamit ang “Google

Forms” para mas maging accessible at convenient sa mga estudyante, na siya namang ipapakalat

gamit ang “Facebook Messenger”. Mariin na ipinaliwanag sa panimula na ang pagsagot sa

sarbey ay boluntaryo, na maaring tumanggi o iudlot ng tagapagtugon ang pagsagot sa sarbey na

ibibigay. Ang mga nakalap na impormasyon ay pananatilihin konpidensyal ng mga mananaliksik


para sa “privacy” at kapanatagan ng loob ng mga respondante. Ang pakikipanayam at

pangongolekta ng datos ay tatagal mula ika-15 hangang ika-30 ng Marso 2024.

Pagkatapos ng pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa satispaksyon ng mga estudyante,

ang mga datos ay gagawan ng graph, iaanalisa, at masuring pag-aaralan ng mga mananaliksik

upang makabuo ng tumpak na interpretasyon. Ang mga stistical computations na ginamit sa

pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Percentage. Ito ay tinukoy bilang proporsyon ng isang kabuuang populasyon na

sinisimbolo ng percentage sign (%). Ang komputasyon na ito ay gagamitin upang

malaman ang dibisyon ng populasyon base sa pagkakakilanlan ng mga respondante

katulad ng porsyento ng mga babae at lalaki mula sa kabuuang bilang ng mga kalahok.

𝒇
%= × 𝟏𝟎𝟎
𝑵

Kung saan ang % ay ang porsyento, ang f ay ang frequency, at ang N ay ang

kabuuang bilang ng populasyon.

2. Mean. Ito ay tinukoy bilang average ng isang set ng mga numero. Ito ay gagamitin ng

mga mananaliksik upang malaman ang average value ng mga nakalap na datos.

∑𝒙
𝑿=
𝑵

Kung saan ang X ay ang sample mean, ∑ 𝒙 ay ang summation ng mga datos, at

ang ay ang kabuuang bilang ng sample.


3. Likert Scale. Ang scale na ito ay karaniwang naglalarawan lebel ng emosyon,

satispaksyon, pagsang-ayon, at kahusayan ng isang populasyon tungkol sa isang isyu o

usapin. Sa pag-aaral na ito, ito ay gagamitin bilang panukat kung gaano kahusay ang mga

estudyante sa kanilang akademikong pagganap at upang alamin ang kanilang antas ng

satispakyon sa kanilang mga nakuhang marka mula sa mga kursong pinagkagastusan.

Excellence Scale

Puntos Interpolasyon Berbal na Interpretasyon

5 5.00 – 4.50 Sobrang Husay

4 4.49 – 3.50 Napakahusay

3 3.49 – 2.50 Mahusay

2 2.49 – 1.50 Katamtaman

1 1.49 – 1.00 Hindi Mahusay


Excellence Scale

Puntos Interpolasyon Berbal na Interpretasyon

5 5.00 – 4.50 Sobrang Nahiyahan

4 4.49 – 3.50 Nasiyahan

3 3.49 – 2.50 Neutral

2 2.49 – 1.50 Hindi Nasiyahan

1 1.49 – 1.00 Sobrang Hindi Nasiyahan


Sanggunian:

Fresh Essays. (May 2023). The Effects Failing or Failure Can Have on College Students and

Their College Success. Retrieved on: February 11, 2024. Retrieved from

https://samples.freshessays.com/the-effects-failing-or-failure-can-have-on-college-

students-and-their-college-success.html

Bona, J.T. (2017). Spending Behavior Among College Students. Retrieved on: February 11,

2024. Retrieved from http://www.sci-int.com/pdf/636367905598414204.pdf

Bureau of Labor Statistics, U.S. Department of Labor (2023, September 06), Occupational

Outlook Handbook, Civil Engineers, https://www.bls.gov/ooh/architecture-and-

engineering/civil-engineers.htm

BMplus (2022, July 15). Mechanical engineers among Philippines’ “rising star” occupations by

2025 | BMPlus. BusinessMirror. Retrieved February 10, 2024, from

https://businessmirror.com.ph/2022/07/15/mechanical-engineers-among-philippines-

rising-star-occupations-by-2025/

Bukas Team. (2022, May 30). 6 In-Demand Courses In The Philippines, According To DOLE.

Bukas Blog. Retrieved February 10, 2024, from https://bukas.ph/blog/6-in-demand-

courses-in-the-philippines/

Conlin, K. (2023, March 15). 10 hardest college majors in 2023. College Transitions. Retrieved

February 11, 2024 from https://www.collegetransitions.com/blog/hardest-college-majors

DepEd Resources. (2021). A History of the System of Education in the Philippines; Its

Implication for the Present Generation. TeacherPH. Retrieved online at

https://www.teacherph.com/history-system-education-phili
Dr. Uy, F.A. (2022, August 20). Choosing the right field, specialization for a promising career in

engineering. In Philippine Institute for Development Studies.

https://www.pids.gov.ph/details/news/in-the-news/choosing-the-right-field-

specialization-for-a-promising-career-in-engineering

K. B. (2014). Testimonials of BS in Civil Engineering Graduates from the Philippines, LinkedIn.

Retrieved February 11, 2024 frhttps://www.finduniversity.ph/testimonials.aspx?maj=174

Sayem, M. (2022, January 29). Civil Engineering: The hardest engineering degree?. LinkedIn.

Retrieved February 11, 2024 from https://www.linkedin.com/pulse/civil-engineering-

hardest-degree-md-sayem

Studyportals (2019). Global Student Satisfaction Report 2019. Retrieved on: February 11, 2024.

Retrieved from https://www.studyportals.com/wp-content/uploads/2019/06/Global-

Student-Satisfaction-Report-A-2019-global-overview.pdf

Symaco, R. et al. (2023). Higher Education in the Philippines: Prospects and Challenges. Digest

by the HEAD Foundation. Retrieved online at

https://digest.headfoundation.org/2021/04/06/higher-education-in-the-philippines-

prospects-and-challenges/

You might also like