You are on page 1of 4

JPL SCRIPT

PAGKATAPOS NG DIGMAAN
 LAUREL – JOSH
 MANUEL ROXAS (PANGULO, DATING TAGAPAYO) - VAN
 CLARO M. RECTO (LEGAL NA TINANGGIHAN) - KARL
 SEN. VICENTE FRANCISCO - AJ
 SOLICITOR GEN. LORENZO TANADA – BRONCS
 ISPIKER JOSE B. LAUREL JR. - KARL
 DONA TRINING – DANI
 PACENCIA -
 PRESS - ANDREI

EXTRA
 VARGAS, AQUINO, OSIAS, JOSE III – GIRLS
 TAUMBAYAN – BOTH DEPENDE KUNG SINO WALANG SCENE SA PART NA
YUN
 NARRATOR – DANI

PROPS
 PLAKARD
 REHAS
 MGA LIBRO
 DAMIT

SCENE #1
– NAKAUPO SI JPL SA KULUNGAN, NAGSUSULAT SA AKLAT
NARRATOR: NAKULONG SI LAUREL NG SAMPUNG BUWAN, INABALA NYA ANG
KANIYANG SARILI SA PAGSSULAT SA AKLAT BIRKENHEAD TUNGKOL SA MGA
PANGYAYARI NG KANYANG BUHAY NUONG PANAHON NG DIGMAAN.
SINIMULAN NIYA ANG PAGPAPAHAYAG NG KANIYANG PANANAW SA MORAL
AT POLITIKAL SA PAMAMAGITAN NG PRO DEO ET PATRIA. – PARA SA DIYOS AT
PARA SA BAYAN.
(EXIT)

SCENE #2
- TUMATAKAS SINA LAUREL, VARGAS, AQUINO, OSIAS, AT
JOSE III LILIPAT FROM JAPAN TO PH
NARRATOR: LUMISAN SA HAPON SINA LAUREL, VARGAS, AQUINO, OSIAS, AT
JOSE III PATUNGONG PILIPINAS NOONG HUNYO 23, 1946. PINAMUMUNUAN NOON
NI MANUEL ROXAS ANG PILIPINAS AT NAGKAROON ITO NG INAGURASYON
BILANG PANGULO.

- MAGSSPEECH MANUEL ROXAS NANALO SA PAGKAPANGULO


(INAGURASYON)
MANUEL ROXAS: MABUHAY! PINAPANGAKO KONG MAGAMPANAN ANG AKING
MGA KATUNGKULAN SA BANSANG ITO BILANG INYONG PANGULO. MARAMING
SALAMAT.
(EXIT)

SCENE #3
- PAPASOK YUNG GROUP NILA LAUREL NA BILANG PRESO AT
MAY BANTAY NA GUWARDIYA
- MAY MGA SAKSI NA PAPASOK w/ PLAKARD
TAUMBAYAN 1: HINDI KAPANI-PANIWALA NGUNIT IPINAGBUBUNYI NG MGA
TAO SI DR. JOSE P. LAUREL!
TAUMBAYAN: (SABAY SABAY) MABUHAY, BRAVO DR. LAUREL, BUMALIK NA SI
LAUREL (REPEAT) (MAY HAWAK NA PLAKARD)
(EXIT TAUMBAYAN, STAY LANG YUNG GRUPO)

SCENE #4
- ANG GRUPO NASA BILIBID PRISON SINALUBONG NG MGA
TAO
NARRATOR: DINALA ANG GRUPO SA BILIBID PRISON SA MUNTINLUPA NA KUNG
SAAN AY MULI SYANG IPINAGBUNYI NG MGA TAO. SINALUBONG SIYA NANG
BUONG KALIGAYAHAN NG KANIYANG PAMILYA.
(MAGYAYAKAPAN YUNG PAMILYA)
PACENCIA: KAMUSTA KA NA? MASAYA AKONG MAKITA KANG LIGTAS. LAMAN
KA NG AKING PANALANGIN.
ISPIKER: SAAN KA NANGGALING AMA? KAMI AY NABAHALA SA IYONG
PAGLISAN.
(MAY DADATING NA PRESS)
PRESS: DR. LAUREL! MAYROON BA KAYONG NINANAIS NA IPAHAYAG SA
SAMBAYANANG PILIPINO?
LAUREL: HINDI KO PINAGSISIHAN ANG AKING GINAWA SAPAGKAT ALAM KONG
ITO’Y PARA SA KABUTIHAN NG BANSA. KUNG BIBIGYAN AKO MULI NG
PAGKKATAONG GAWIN ITO, MULI KO ITONG GAGAWIN. NARITO AKO UPANG
MANUNGKULAN NG TAPAT SA BAYAN BILANG ISANG PANGULO.
(EXIT)

SCENE #5 – PAPASOK SI CLARO (NASA REHAS) NAKAKULONG NA SI


LAUREL SA KASONG TREASON
NARRATOR: ISINAKDAL SI LAUREL NG ISANGDAAN AT DALAWAMPUT SIYAM
NA BILANG NG TREASON. NAGHANDOG NG LEGAL NA PAGLILINGKOD
SAKANYA.
CLARO: KUNG NANAISIN MO, HANDA AKONG MAGLINGKOD BILANG
TAGAPAGTANGGOL MO SA KASONG ITO.
LAUREL: SALAMAT SA IYONG PAGPEPRESINTA NGUNIT AKO AY MAY MATIBAY
NA PANININDIGAN SA AKING SARILI.
(AALIS SI CLARO, MAGBABASA SI LAUREL, MAY PAPASOK NA MGA HUKBO PARA
KUHANIN YUNG MGA LBIRO)
NARRATOR: DAHIL DOON AY NANGAILANGAN SIYA NG PANAHON AT
KAGAMITAN NGUNIT ITO AY KINUMPISKA NG HUKBONG AMERIKANO AT
PILIPINO.

SCENE #6 (MAGUUSAP SI SEN. VICENTE AT LAUREL)


NARRATOR: SA PAMAMAGITAN NG MOTION NI SENADOR VICENTE J.
FRANCISCO, NA MIYEMBRO NG PANIG NG PAGTATANGGOL. PINAGKALOOBAN SI
LAUREL NG PANSAMANTALANG PAGLAYA.
SEN. VICENTE: PINAGKALOOBAN KA NG PEOPLE COURT NG PANSAMANTALANG
PAGLAYA SA PAMAMALAGI SA TAHANAN HABANG HINIHINTAY ANG
KALALABASAN NG IYONG PETISYON PARA SA HABEAS CORPUS.
LAUREL: ANG TATLUMPUNG ARAW NA PANSAMANTALANG PAGLAYA AY HINDI
SAPAT UPANG MAASIKASO ANG AKING KASO. MANANATILI NA LAMANG AKO
RITO AT AANTAYIN ANG AKING KAPALARAN.

SCENE #7 (NASA KORTE)


(SCENE WITH SOLICITOR GENERAL LORENZO M. TANADA AT
PANGKAT NG PANIG NG PAGTATANGGOL)
NARRATOR: HUMARAP SA HUKUMAN SI LAUREL UPANG PANGATWIRANAN ANG
PANSAMANTALA NIYANG PAGLAYA SA PAMAMAGITAN NG PAGPIYANSA.
LAUREL: BAGAMAN MASAYA KONG IPINAHAHAYAG NA AKO AY
IPINAGTATANGGOL NG PINAKAMAHUHUSAY NA ABOGADO SA BANSANG ITO,
NANINIWALA AKO NA WALANG MAGKAKAROON NG MALAKING INTERES SA
AKING AKSO KUNDI AKO.
LAUREL: NGAYON, MGA GINOO KUNG KAYO BA’Y NANINIWALANG
MAIPAGTATANGGOL KO ANG AKING SARILI KUNG AKO’Y NAKAPIIT SA BILIBID?
AT SASABIHIN NINYONG MAY KARAPATAN AKO NGUNIT WALA NAMAN AKONG
KAGAMITAN.
SOLICITOR TANADA: SA ILAIM NG KONSTITUSYON, ANG PIYANSA’Y HINDI
MAIPAGKAKALOOB DAHIL MATIBAY ANG EBIDENSIYANG INILATAG LABAN SA
INYONG PANIG.
LAUREL: KUNG IYAN ANG NAIS NG ATING PAMAHALAAN, HAYAAN NINYO.
NGUNIT ITALA NINYO NA ANG ISANG PILIPINO NA ANG TANGING KAMALIAN AY
GAWIN ANG LAHAT NG MAKAKAYA UPANG MAPANGALAGAAN ANG
MAMAMAYAN, NA ANG BANSANG ITO’Y MAKASALBA, AT HUMIHILING NA
MAPATUNAYAN ANG KANYANG KAWALANG-SALA NGUNIT IPINAGKAIT
SAKANYA ITO.
NARRATOR: PAGKATAPOS NG MAHABANG PAGLILITIS, PINAHINTULUTAN SI
LAUREL NA MAKAPAGPIYANSA PAGKATAPOS MABAYARAN ANG PIYANSANG
P50,000. INIUTOS NG UNANG DIBISYON ANG KANIYANG PANSAMANTALANG
PAGLAYA

SCENE #8 (NAGSUSULAT SI LAUREL, BABASAHIN NALANG HABANG


KUNYARING NAGSUSULAT)
NARRATOR: ANG MAGKASALUNGAT NA PANANAW NI LAUREL AT ROXAS
TUNGKOL SA PARITY BILL AY IKINABAHALA NG MGA TAGASUPORTA NI
LAUREL NA MAGING SANHI NG PAGGANTI NI ROXAS.
SINULATAN NI LAUREL ANG ANAK NA SI SOTERO.
LAUREL: “Ang aking sa Parity Bill ay lumikha ng kaguluhan at kalituhan at ipinalagay na
matitinding laban kay Roxas. Si Roxas na at iniligtas ko ang buhay ay walang ginawa para sa
akin sa mga dahilang siya ngunit hindi niya ipinaliwanag sa akin. Ang katotohanan ay talagang
lumabas na ako sa pulitika. Nangangailangan ako ng pahinga at pagod na ang aking kaluluwa.
Naaawa ako sa ina na sakitin at ito'y totoo maging sa lahat kong mga anak.
Ngunit para sa walang maliw kong sa ina, maaari na akong nang sa mananatili akong buhay sa
alaala ng mga labis kong sa daigdig na ito, at sa pag-asang lagging susundan ng aking mga anak
ang landas ng karangalan at katarungan. Ito’y pamahalaan natin. Handa akong suportahan ito at
kasabay nito ay tuligsain kung kailangang gawin ko.”

SCENE #8 ([PINATAWAG SA MALACAÑANG NI ROXAS SI LAUREL,


ISPIKER)
ROXAS: KUMPADRE, ANONG MAIPAGLIILNGKOD KO SA INYO?
LAUREL: SA AMIN, SA PANAHON NG PANGANGAILANGAN AY TINUTULUNGAN
NG KABIGAN, AT KAPAG YOON NAMAN ANG NANGAILANGAN AY HINDI NA
TINATANONG.
LAUREL: NOONG PANAHON NG HAPON PATI BUHAY KO ITINAYA KO UPANG
ILIGTAS KA, TINULUNGAN KITA NOONG ARAW. BAKIT ITINATANONG MO PA SA
AKIN KUNG ANONG KAILANGAN KO?
(TATAYO SI ROXAS NG PAGALIT)
ROXAS: NAGPUNTA KA BA RITO PARA INSULTUHIN AKO?
(BIGLANG PAPASOK SI DONA TRINING AT YAYAKAPIN SI LAUREL)
DOÑA TRINING: WALA AKONG GINAWA GABI-GABI KUNGDI IPAGDASAL KITA.
LAUREL: (SARCASTIC) ALAM MO BA NA ANG AKING KUMPADRENG SI ROXAS AY
PINARAAN KAMI SA PINTUAN SA LIKURAN?
DOÑA TRINING: KASI MAYROON SYANG ALAGANG AMERIKANO.
(MAGUGULAT NA DISAPPOINTED)
-END-

You might also like