You are on page 1of 7

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan


Mga Layunin CODE
n Aytem ng Bilang
Naiisa-isa ang mga argumento sa
(F6PB-IIIe-
binasang teksto 33.33% 5 1-5
23)

Naibibigay ang impormasyong (F6EP-IIIa-


33.33% 5 6-10
hinihingi ng nakalarawang balangkas I-8)

Nagagamit nang wasto ang pang- F6WG-IIIJ-


angkop at pangatnig 33.33% 5 11-15
12;

Kabuuan 100 15 1 – 15
GRADE VI – FILIPINO

SUMMATIVE TEST NO. 2 IKATLONG MARKAHAN


GRADE VI – FILIPINO
Pangalan:__________________________________________Grade 6 section:______________

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sagutang papel.

_____1. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol


ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay b. argumento c. paglalahad d. pangangatuwiran

_____2. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa
inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw

_____3. Bakit gustong kainin ni Leon si daga?


a. galit siya sa mga daga c. gutom na gutom si Leon
b. nagkasala ito sa kanya d. paparusahan ni Leon si Daga

_____4. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?


a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon

_____5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento maliban sa isa.


Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal
ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo.”

II. Batay sa binasang seleksyon ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____6. Ang balangkas ay binubuo ng _______________ ng talata, kwento o anumang seleksyong


binasa at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.
a. tauhan b. tagpuan c. pangyayari d. pangunahing diwa

_____7. Ano ang unang pangunahing paksa sa seleksyong binasa?


a. Ang mga karangalang natanggap
b. Ang pamagat ng naisulat na mga aklat
c. Ang mga nagawa bilang kawani ng Pamahalaan
d. Ang kapanganakan at Magulang ni Diosdado P. Macapagal

_____8. Ibigay ang sumusuportang detalye sa Ang Kapanganakan at Magulang ni Diosdado P.


Macapagal.
a. Ang mga aklat na ito ay ang Democracy in the Philippines, New Constitution of the Philippines at
ang Land Form in the Philippines.
b. Mga proyektong nagawa tulad ng Diversion Road, South Expressway at ang pabahay para sa mga
sundalo.
c. Isinilang noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa Nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Sina
Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga magulang.
d. Kampeon ng masa, natatanging mambabatas mula 1949-1957 at Best Law Maker mula 1954-1957.

_____9. Alin ang pangunahing diwa sa talata?


Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South Expressway, pabahay
para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang pagtatag ng Philipine Veterans Bank.

a. Ang mga proyektong nagawa.


b. Ang pagtatag ng Philippine Veterans Bank.
c. Nagbigay ng pabahay para sa mga sundalo.
d. Ang mga nagawa bilang kawani ng pamahalaan.

_____10. Alin ang pangunahing diwa sa talata?

Maraming mga pulitiko ang nagangako sa mga mamamayan. Karamihan sa kanilang pangako ay di
natutupad. Binigyan ang mamamayan ng karapatang bumoto. Piliin ang tapat na pinuno. Isang
pinuno na nakikita ang kailangan ng mahirap.

a. Kailangan ang pinunong makasarili.


b. Mabuti ang mangako kaysa sawala.
c. Tayo’y may karapatang pumili ng pinuno.
d. Karamihan sa mga pulitiko ay nangangako at di natutupad ang kanilang pangako.

III.

_____11. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hina
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping -in- d. kabilaang in-/-in

_____12. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat ng salitang umuwi?
a. umu b. muwi c. uwi d. umuwi

_____13. Si Juan ay isang _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?
a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin na bata d. masunurin bata

_____14. Laking pagsisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan nila ang
halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. Wala b. isa c. dalawa d. tatlo

_____15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?


a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan .
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.

ANSWER KEY:

1. B 11. A
2. D 12. C
3. C 13. A
4. C 14. C
5. A 15.A
6. D
7. D
8. C
9. D
10. C
SUMMATIVE TEST 1

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan


Mga Layunin CODE
n Aytem ng Bilang

Kabuuan 100 15 1 – 15
GRADE VI – FILIPINO

SUMMATIVE TEST NO. 1 IKATLONG MARKAHAN


GRADE VI – FILIPINO

Pangalan:__________________________________________Grade and Section:_________

I. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at sagutin ang mga katanungan.

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit
ang kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 80 men’s
basketball tournament nitong Linggo.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila
ng 10 sa pagtatapos ng unang kwarter. Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.
Nagtapos ang mainit na labanan sa iskor na 88-86. Ito ang unang kampeonato ng Ateneo sa nakalipas
na limang taon nang tuldukan ng De La Salle ang kanilang five-peat domination.

Linggo
Ateneo Blue Eagles
UAAP Season 80
88-86
De La Salle Green Archers
Sagutin ang mga katanungan piliin ang sagot sa loob ng kahon:

1. Anong koponan ang naging kampeon sa UAAP Season 80 men’s basketball?


___________________________________________
2. Kailan naganap ang kampeonato?
___________________________________________
3. Sino ang kinalaban ng nanalong koponan?
___________________________________________
4. Ano ang iskor ng bawat koponan pagkatapos ng kampeonato?
___________________________________________
5. Anong organisasyon ang nilahukan ng dalawang koponan?
___________________________________________

Ang Masustansiyang Kalabasa


ni: Suzette P. Calsa
Ang kalabasa ay isang uri ng gulay na kilalang-kilala sa ating bansa. Para sa ating mga Pilipino,
ang kalabasa ay hitik na hitik sa bitamina at sustansiya. Kadalasan sinasahog ito sa ulam tulad ng
pinakbet, ginataang gulay, monggong gisado at iba pa.
Maaari tayong gumawa ng keyk, sopas at juice gamit ang kalabasa. Palaging sinasabi ng ating
mga magulang na kumain ng kalabasa dahil nagpapalinaw ito ng ating mga mata. Mayaman kasi ito sa
bitamina A. Ang bitamina A ay tumutulong sa kalusugan ng mata at balat. Nagtataglay rin ito ng
bitamina C at bitamina E.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
6. Gulay na kilala sa ating bansa
A. patola B. kalabasa C. upo D. ampalaya
7. Mga ulam na sinasahugan ng kalabasa at iba pa
A. pinakbet, ginataang gulay, monggong gisado
B. adobo, pinakbet, paksiw
C. chopsuey, laing, kinilaw
D. miswa, mechado, pinirito
8. Mga bitaminang taglay nito.
A. Bitamina A, C, at E
B. Bitamina D, Calcium at Iron
C. Bitamina B6, B12 at D
D. Mineral at Bitamina K
9. Bilin sa atin ng ating mga magulang
A. kumain ng kalabasa dahil nagpapa hina ito ng katawan
B. kumain ng kalabasa dahil nagpapa sexy ito ng katawan
C. kumain ng kalabasa dahil nagpapatalas ito ng isip
D. kumain ng kalabasa dahil nagpapalinaw ito ng mata
10. Tulong ng bitamina A sa ating pangangatawan
A. tumutulong sa kalusugan ng mata at balat
B. tumutulong sa pagpapasexy ng katawan
C. tumutulong sa pagpapatalas ng memorya
D. tumutulong sa pag iwas sa mga sakit

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga talata. Isa-isahin ang mga argumentong makikita sa teksto. Isulat
sa sagutang papel kung ang mga ito ay opinyon o katotohanan.

___________________11. Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang


kahirapan ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.
___________________12. Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang
beses lang kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung saan nila kukunin ang susunod
na kakainin.
___________________13. Kilala ang mga Pilipino sa galing sa musika. May mga mangaawit at
manunugtog na Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, at marami sa kanila ang naging tanyag at
nagtagumpay.
___________________14. Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon ng halaman ay
nagagawang instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunay na maestro sa musika.
___________________15. Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunaw ang mundo.
Maraming senyales ang nangyayari sa ngayon gaya ng pagbaha, paglindol ng malakas, paglaganap ng
sakit, pagputok ng bulkan at pagkagutom ng
maraming tao.

-------------------------------------------------- W A K A S ----------------------------------------------------------

ANSWER KEY:

1. B
2. D
3. C
4. C
5. A
6. D
7. D
8. C
9. D
10. C

You might also like