Alessandra Robert N. Dizon Instructor College of Arts and Sciences – Department of Social Sciences and Humanities ANO NGA BA ANG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA? ◦Bilang isang proseso ay dulot ng pagbabago ng mga tao at ng prosesong teknolohikal na nagbubunga ng mataas na bilang ng pag uugnayan o pagsasama-sama ng mga ekonomiya sa mundo sa pamamagitan ng pag-kilos o paggalaw ng produkto, serbisyo, at puhunan papunta sa iba’t-ibang hangganan ng mundo. Ang pangyayari ay maaaring magkaroon ng magkakaugnay na sakop, tulad ng globalisasyon ng:
◦kalakalan ng mga produkto at serbisyo.
◦pamilihan ng pananalapi at puhunan ◦teknolohiya at talastasan; at ◦produksyon o paggawa Globalisasyon kontra Internasyonalisasyon: Ang Kabuluhan ng Estado ◦Kung ekonomiya ang pag-uusapan, ang globalisasyon ay ang proseso kung saan ang pandaidigdigang kalakalan ay nagiging bahagi ng isang “organikong(pangkabuuang)sistema.
◦Hindi tanging estado lamang ang may pangunahing
impluwensya ng ekonomiya. ANG TANONG: Mahalaga pa rin ba ang estado sa harap ng umiiral ng globalisasyong pang- ekonomiya? ◦ Ohmae (1995) Sa pagsisimula ng pandaigdigang integrasyon ng ekonomiya, lumiit ang papel ng estado/bansa bilang pangunahing organisadong instrumento ng kalakalan.
◦ Bodie (1996) Ang mga estado
ang nagluwal sa globalisasyong nagaganap sa kasalukuyan. Tagapagsulong ng Pandaigdigang Ekonomiya ◦ Nakakabit na sa pampolitika at pangkulturang globalisasyon ang UN o United Nations at mga pribadong sektor bilang pangunahing mga aktor.
◦Sa larangan ng globalisasyong pang-ekonomiya,
matatawag na pangunahing taga-pagpaganap ang mga malalaking pandaigdigang korporasyon MALALAKING KORPORASYON:
> Transnational Corporation
> International Corporation > Multinational Corporation PINAGMULAN NG GLOBALISASYON ◦Gills and Thompson (2009) Ang globalisasyon ay nariyan na simula pa lamang ng pagsulpot ng mga tao at magsimula ang Homo Sapiens galing kontinente ng Africa at manirahan sa iba pang bahagi ng mundo.
◦Frank and Gills (1993) ang pandaigdigang sistemang nabanggit
ay nagsimula 5,000 taon na ang nakalipas. Binanggit nilang halimbawa ang luma at di na ginagamit na rutang kalakalan na Silk Road. ◦Pagsulong ng makabansang kalakalan ng ika-17 at ika-18 siglo. Dagdag hadlang pa rito ang kababagong tatag na monopolyo sa kalakalan na pinasimulan ng pinakaunang korporasyong multinasyonal ang British at Dutch East India Companies ng England at The Netherland na magkasunod na naitatag ng 1600 at 1602.
◦Ayon pa sa tala ni Maddison (2001), tumaas ang bilang ng mga
pangalakal na sasakyang dagat mula sa pangunahing lungsod sa Europa papuntang Asya sa pagitan ng 1500 at 1800. ◦Ayon kay Gereffi (2005), kung umiiral man ang pandaigdigang ekonomiya noon, umiiral ito sa diwa lamang ng palitan ng produkto at hindi sa paggawa ng mga ito. Nang panahong iyon, karamihan sa mga bansa ay malaya at may sapat sariling panustos sa kanilang pangangailangan.
◦Naitala ang pinakaunang mahalagang tagumpay noon lamang ika-19 na
siglo. Sa pagitan ng 1820 at 1870, tumaas sa 4.2 porsyento ang kabuuang antas ng paglago ng pandaigdigang kalakalan, 3.4 porsyento sa pagitan ng mga taong 1870 at 1913. Ang kabuuang kalakalan ay 16- 17 porsyento katumbas ng pandaigdigang kita. ◦Iniuugnay ang kaunlarang ito sa pagsulong naman sa larangan ng transportasyon. Gamit ang mga mga katatayong riles at makabagong sasakyang pandagat, napababa nito ang gastusin sa pangangalakal at lalong napalakas ang lokal at pandaigdigang palitan ng produkto.
◦Ayon kina O’Rourke at Williamson (1999), maituturing na
ginintuang panahon ng pandaigdigang kalakalan ang maigsing panahon bago ang unang digmaang pandaigdig (1870-1913), mapayapa, malaya ang kalakalan at matatag ang pananalapi. GLOBALISASYONG PANG- EKONOMIYA: BIGO NGA BA O NAGING MATAGUMPAY? ◦Sa mga sumusuporta sa globalisasyong pang- ekonomiya, naniniwala sila na naging sanhi ito ng pandaigdigang kaunlaran at paglago. Para kina Dollar at Kraay (2002), tanging ang mga bansang hindi sumusuporta rito ang nabigong mapaliit ang insidente ng kahirapan sa kanilang mga nasasakupan sa nakalipas na ilang dekada. Dagdag pa ni Wolf (2004), hindi ang pagiging malawak ng globalisasyon ang problema kundi ang kakulangan nito. ◦Para naman sa World Bank, tunay ngang nabawasan nito ang kahirapan ngunit hindi lahat ng bansa ay nabiyayaan nito.
◦Naniniwala naman si Rustow (1960) na ang underdevelopment
o ang patuloy na kawalan ng pang ekonomiyang paglago at pag-unlad, kasama na ng kahirapan at malnutrisyon ay hindi ang panimulanhg yugto ng pangkasaysayan at rebolusyonaryong proseso. Para sa kaniya, ito ay bunga ng kolonyalismo at imperyalismo, patakaran na isinusulong ng mga nangungunang kapitalistang bansa. ANG INTERNATIONAL MONETARY SYSTEM ◦Ang International Monetary System (IMS) na tinatawag ring Regime, ay tumutukoy sa mga panuntunan, buwis na ibinabayad sa mga inaangkat na produkto, ang mga instrumento, pasilidad at mga organisasyong ginagamit sa mga bayaring internasyonal. ◦Pangunahing gawain nito na pagaanin ang tawid-hanggang negosyo, cross-border transaction, lalo na pangangalakal at pamumuhunan.
◦Subalit hindi lamang ito tungkol sa usaping pera o pananalapi,
sinasalamin din nito ang kapangyarihan at pang-ekonomiyang kapakanan, ang pera bilang usaping politikal at mahalagang bahagi ng politika ng maayos na pakikitungo o diplomasya. (Cohen, 2000, p. 91) ANG GINTONG PAMANTAYAN ◦Nagsimula ang unang makabagong IMS noong pagsisimula ng ika-19 na dantaon, nang magpatupad ang Europe ng patakarang paggamit ng iisang uri ng pamantayan sa pananalapi noong 1821.
◦Makalipas ang halos 50 taon, noong 1867, nagpasimula ang
mga bansa sa Europe at ang United States ng paglipat ng ginto bilang tumbasan ng pera sa ginanap na International Monetary Conference sa Paris. ◦ Sa paulit-ulit na gawain ang pamantayang ito ay nagsilbing rehimen ng itinakdang halaga ng palitan (fixed exchange rate regime), kung saan ang ginto ang sinusunod na nag-iisang pandiagdigang reserba. ◦ Bumagsak ang klasikong tumbasan ng ginto sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noonhg 1914. ◦Sa paglipas pa ng taon, sinikap ng ilang bansa tulad ng Great Britain na makabalik sa lebel bago sumiklab ang digmaan ngunit hindi sila nag tagumpay.
◦Noong 1931, tuluyan nang inabandona ang
pamantayang ginto bilang pamantayan ng kalakal. ANG BRETTON WOOD SYSTEM AT ANG PAGKALUSAW NITO ◦ Ibinatay sa balangkas ng United Nations Monetary and Financial Conference na ginanap sa Bretton Woods, New Hampshire sa United States noong 1944, 44 na bansa ang nagkaisa na ipatupad ang bagong sistema ng pagtatakda na tinawag na gold-exchange standard. ◦ Nang panahong iyon tanging dolyar ng United States ang tinatanggap na salapi ng palitan. Nangako ang United States na magbenta at bumili ng ginto mula sa kasaping bansa nang walang paghihigpit. Itinakda ang palitan sa US$ 35 bawat bansa. ◦Ang mga delegado ay nagkasundo rin na magtatag ng dalawang pandaigdigang institusyon: ang International Banks for Reconstruction and Development (IBRD) at ang International Monetary Fund (IMF). Ang nauna ay naatasang mamahala sa muling pagbangon pagkatapos ng digmaan, samantalang ang huli ay sa pagsusulong ng pandaigdigang kooperasyon sa pananalapi at palakasin ang pandaigdigang kalakalan. ◦Inako ng IMF ang pangangalaga sa maayos na pagkilos ng pamantayan ng palitan ng ginto sa pamamagitan ng pagbibigay ng maigsing panahong pautang sa panahon na may kaso ang kahirapan sa pagbabayad ng pansamantalang balanse. ANG PAGSASANIB NG PANANALAPI SA EUROPE ◦Makalipas ang Ikadalawang Digmaang Pandaigdig, ninais ng United States na ipatupad ang Morgenthau Plan. Layunin nito na paliitin ang ekonomiya ng Germany bilang isang ekonomiyang nakabase sa paghahayupan at pagsasaka. Bilang oposisyon na rin ng Amerika, sa patuloy na pag-usbong ng komunismo sa silangang Europe at ang patuloy na paglago ng mga sosyalista at mga komunismong partido sa Kanluran, daglian itong inabandona ng US. ◦ Parakontrahin ito, sa halip ay kanyang isinulong ang isang maunlad na ekonomiya at militaristikong bansang Germany at Kanlurang Europe.
◦ Agarang binuhay ng U.S ang kanyang programa sa muling pagbangon ng Europe
pagkatapos ng digmaan, noong 1948. Pinamahalaan ito ng Organization for European Economic Cooperation (OEEC). Hinalinhan nito ang ang naunang institusyon na Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).
◦ Ang milagrong tagumpay pang-ekonomiya ng Kanlurang Europe ang nagpasimula
ng malapit na kooperasyon sa panrehiyong antas at nagresulta sa pagtatatag ng European Coal and Steel Community noong 1951. ◦Sinundan ito ng Tratado ng Roma noong 1957.
◦Nagbunga naman ito ng pagkakatatag ng European
Economic Community o EEC at nagsilbing unang pagunahing hakang para sa isang nagkakaisang Europa sa larangan ng ekonomiya. Kasama sa mga bansang ito ang: France, Italy, Holland/The Netherlands, Belgium, at Luxembourg. ◦Noong 1979, nabuo naman ang European Monetary System (EMS).
◦Sa tagumpay ng EMS at ng pangkalahatng pagtanggal sa kontrol sa
puhunan sa pagtatapos ng dekada 1980, nagkabuhay ang ideya ng isang pagsasanib ng ekonomiya ng Europe. Pinasimulan ito ni Jacques Delors, ang tumatayo noong pangulo ng European Commission. Sa pagsuporta na rin ng makapangyarihang pangulo ng France, si Francois Mitterand at ang chancellor ng Germany na si Helmut Kohl, nailatag ang pundasyon ng European Economic and Monetary Union sa pamamagitan ng Maastricht Treaty noong 1992. ◦Pagpasok ng 1999, nagkaisa ang mga bansang kasapi na abandonahin ang kanilang pambansang salapi at ang magkaroon ng iisang anyo ng pera. Sumailalim ito sa pamamahala ng European Central Bank. MULTILATERALISM: MULA GATT HANGGANG WTO ◦Sa pagbagsak ng industriya ng pagawaan ng Europe at Japan, tumaas ang pandaigdigang papel ng United States dito.
◦Sa orihinal na plano, nakatakda na ang pandaigdigang rehimen
ng kalakalan ay patatakbuhin ng International Trade Organization na mariing kinontra ng Kongreso ng United States. ◦Sa huli nagkaisa ang mga bansang nagsusulong ng mababang taripa sa mga produkto na pag-ugnayin ang kanilang mga hakbang sa ilalim ng General Agreement on Tariffs and Trades. ◦ Ginamit ng GATT ang kanyang impluwensya maisulong ang kanyang adhikain sa pamamagitan ng sunod sunod na multilateral trade negotiations o rounds. ◦ Kennedy Round ◦ Tokyo Round ◦ Uruguay Rounds
◦ Makalipas ang 50 taon matapos ang Uruguay Rounds, nagkabuhay ang World Trade Organizations. Inilunsad ito noong Enero 1, 1955. ◦ Seattle Rounds ◦ Doha Rounds ◦ Naitatag ang Group of 20.