You are on page 1of 4

UNANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 6

IKATLONG MARKAHAN

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

naipamamalas ang pagpapahalaga sa


mga magaling at matagumpay na (EsP6PPP-
33.33% 10 1-10
Pilipino sa pamamagitan ng IIIc-d–35)
pagmomodelo ng kanilang tagumpay.

naipapakita ang mabubuting katangian


(EsP6PPP-
o kaugalian na naging susi sa 33.33% 10 11-20
IIIc-d–35)
pagtatagumpay.

Naipamamalas ang pagpapahalaga at


(EsP6PPPIIIf-
pananagutan sa kabuhayan at 33.33% 10 21-30
37)
pinagkukunang-yaman .
Kabuuan 100 30 1 – 30

Pangalan: _________________________________________________________ Iskor: _____________


Baitang 6 – Apolinario Mabini Petsa: _____________

Unang Sumatibong Pagsusulit sa ESP 6


Ikatlong Markahan

I. Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat mo ang P kung ito ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman kung hindi.

_____1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-
uwi ng medalya para sa bansa.
_____2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.
_____3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap na
mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA) Games.
_____4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga bayaning
nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.
_____5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.
_____6. Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga nito upang
maiahon ang pamilya sa hirap.
_____7. Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.
_____8. Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa kababayang Pilipino.
_____9. Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang Pilipinong idolo.
_____10. Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa mga matatagumpay
na Pilipino dahil wala siyang alam tungkol dito.

II. Unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung ito
ay nagpapakita ng mabuting katangian at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi.

_____11. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang
pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
_____12. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila
pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring nagpupursigi.
_____13. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay
mayaman naman ang kaniyang mga magulang.
_____14. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng
scholarship at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
_____15. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi
ng karangalan sa bansa.
_____16. Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang pamilya niya.
_____17. Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang sapat na ang
kaniyang kakayahan.
_____18. Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na siyang sumuko sa
pangarap na maging bumbero.
_____19. Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag niyang tinatanggap
at pinakikinggan ang mga puna at komento tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang
kaniyang kakayahan.
_____20. Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maiahon niya sa
kahirapan ang kaniyang pamilya.
III. Unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang
pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan at ekis (X) naman kung hindi.

_____21. Paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na mga basura.


_____22. Paggamit ng mga dinamita sa pangingisda.
_____23. Illegal na pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
_____24. Pagtatanim ng palay, halaman at mga puno.
_____25. Pamamasada ng jeep na sobrang maitim ang usok na ibinubuga.
_____26. Magtanim ng mga puno at halaman. Ang mga pinutol na puno ay dapat palitan ng mga
bagong punla at tanim.
_____27. Ugaliin ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa kagubatan at kabundukan.
_____28. Iwasan ang paggamit ng nakasasamang kemikal sa pananim.
_____29. Huwag saktan, hulihin, o patayin ang mga hayop sa kagubatan at kabundukan lalo na ang
mga endangered species o mg hayop na malapit nang maubos.
_____30. Gumawa ng hukay sa lupa at doon itapon ang mga basura.

___________________________
Lagda ng magulang
ANSWER KEY:

1. P 11. 😊 21. /
2. P 12. 😊 22. X
3. P 13. ☹ 23. X
4. H 24. /
5. H 14. 😊 25. X
6. P 15. 😊 26. /
7. P 16. ☹ 27. X
8. H 17. ☹ 28. /
9. P 18. ☹ 29. /
10.H 19. 😊 30. /
20. 😊

You might also like