You are on page 1of 1

#2 SUMMATIVE TEST

1ST QUARTER
EPP – AGRICULTURE

NAME:________________________________GRADE &SECTION:_______________

I. Isulat ang salitang Tama kung tama ang pangungusap at kung mali naman ay
palitan ang nakasalungguhit ng tamang salita upang maging tama. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ang marcotting ay maaaring tawaging air-layering.
____________2. Ang Pasanga ang pinakasimpleng pamamaraan ng pagpaparami ng halaman.
____________3. Ang lay-out ay ang pagsasaayos ng mga halamang ornamental upang makagawa
ng desinyo.
____________4. Ang malalaking halaman ay dapat na inilalagay sa harap ng maliliit na halaman.
____________5. Ang Shrub ay uri ng halamang may malalambot na tangkay.
____________6. Sa paraang pagpuputol dapat na gupitin ang sanga o tangkay ng pahilis.
____________7. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang pagpuputol.
____________8. Ang organikong abono ay walang halong kemikal.
____________9. Sa paggawa ng compost pit o heap ang tamang pagkakasunod-sunod ng ilalagay
ay nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo at lupa.
____________10. May dalawang uri ng abono ang organiko at di-organikong abono.
____________11. Ang di-organikong pataba ay galing sa mga nabubulok na basura o dumi ng
hayop.
____________12. Ang dulos ay angkop na gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
____________13. Ang kalaykay ay ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
____________14. Mainam na isali sa plano ng pagbebenta kung saan kailan at paano mabebenta
ang produkto.
____________15. Dapat isama sa pagpaplano ang kagamitang gagamitin sa pagbebenta.
____________16. Ang pag-aani ng mga halaman ay naaayon sa panahon ng selebrasyon.
____________17. Sa talaan ng puhunan at ginastos makikita ang kabuuan ng ginastos.
____________18. Sa pagtatala kailangang isama pati bayad sa pamasahe, renta ng tindahan at
bayad sa mga taong gumawa.
____________19. Ang pag-aalaga ng hayop ay may naidudulot na kabutihan sa tao.
____________20. Ang tigre ay uri ng hayop na maaaring alagaan sa tahanan.

21-23. (3 pts.) Ano-ano ang mga mabuting naidudulot ng pag-aalaga ng hayop?

24-25. Magbigay ng (2) dalawang uri ng hayop na maaaring alagaan sa tahanan.

GODBLESS!

You might also like