You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 8 3RD GRADING TEST

Panuto: Kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_________1. Ang terminong ito ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga babayan sa Medieval
France na binubuo ng artisan at mangangalakal.
_________2. Ang manlalayag na nakalibot sa Cape of Good Hope hanggang sa marating niya ang
India noong 1498
_________3. Ang nagmamay-ari o namamahala sa bangko.
_________4. Mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may
partikular na gamit o pandekorasyon lamang.
_________5. Ito ay tumutukoy sa isang estado na pinanahanan ng mamamayan na may
magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.
_________6. Ang itinuturing na “Ama ng Humanismo”
_________7. Ang may akda ng “ In praise of Folly”.
_________8. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Rome ay tinatawag na_______?
_________9. Siya ang naka-imbento ng teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
_________10. Ang pinakamahusay na pintor ng Renaissance.

B. Piliin sa kahon ang tamang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
bourgeoisie nasyonalismo
Enlightenment white man’s burden
blitzkreig excommunicado
_________1. Isang taong pinagkaitan ng serbisyo at pribilehiyo ng Simbahang Katoliko
_________2. Masidhing damdamin ng pagmamahal sa bayan
_________3. Isang pangkat na binubuo ng mga artisan at mangangalakal sa pamayanang medieval
_________4. Kilusang intelektwal sa Europa na nagtangkang iahon ang mga tao mula sa mahabang
panahon ng kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin
_________5. Paniniwalang may obligasyong tulungan at turuan ng mga puti ang mga kapus-palad na
mga tao sa daigdig
C. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang Tama sa patlang kung ito ay tama.
Kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang ito ay maiwasto.
_________1. Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
ang naging daan upang ang Spain ay maghangad ng kayamanan sa Silangan.
_________2. Si Amerigo Vespucci ang Papa na gumuhit ng Line of Demarcation.
_________3. Ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit na napatay si Magellan ng isa sa mga
tauhan ng katutubong si Lapu-lapu.
_________4. Ilan sa mga intelektuwal ng Enlightenment ay si Thomas Hobbes na naniniwalang ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
_________5. Ang kaalaman ng Europeo tungkol sa Asya bago nagsimula ang panahon ng
eksplorasyo, ay hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay na sina Marco Polo at Ibn Battuta.
_________6. Isa sa dahilan ng imperyalismo ay ang paghahanap sa Spice Island sa Timog Africa.
_________7. Ang Renaissance ay nangangahulugang “Muling Pagsilang”.
_________8. Sa pagbatikos ni Martin Luther sa Simbahang Katoliko isinulat niya ang Peace of
Augsburg.
_________9. Ang bullionismo ang naging batayan ng teoryang merkantilismo.
_________10. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo ay isa sa mga pangunahing motibo ng
Eksplorasyon.

Identipikasyon. (2 puntos)
A. Kilalanin ang mga personalidad na inilalarawan sa bawat bilang.
1. Nagpasimula ng Kilusang Protestantismo
2. Nanguna sa paggalugad ng daigdig noong ika-15 siglo
3. Nagpalaya sa hilagang bahagi ng Latin America mula sa Spain
4. Nagsulong ng ideolohiyang fascism sa Germany
5. Nagtatag ng Society of Jesus noong 1534
6. Heneral ng France na natalo sa labanan sa Waterloo noong 1814
7. Reyna ng France na kilala sa pagiging maluho at magarbo
8. Nagpinta ng The Last Supper at Mona Lisa
9. Humikayat ng pagbubuo ng kilusang Fists of Righteous Harmony sa China
10. Pinuno ng Russia nang sumiklab ang Rebolusyong Bolshevik

You might also like