You are on page 1of 3

REGION IV-A CALABARZON

Division of Laguna
Pangil – Pakil District
DAMBO ELEMENTARY SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST IN FILIPINO


S.Y.2016-2017

Pangalan:____________________________________ Baitang:_________________________________

I. Basahin ang kuwento at sagutan ang sumusunod na tanong ukol dito.


Mapalad si Isan
Matapos ang isang linggong pag-ulan, sumikat din ang araw. “ Isan!, Isan!” tawag ng mga
kaibigan niya.
“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo doon!” Masarap magpadulas sa mga damo.”
“Hintay lang! Magpapaalam ako kay Inay” Sigaw ni Isan. “ Huwag anak. Mapanganib ngayon
umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat maglaro doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung
ano ang mangyari sa inyo. Masyadong madulas ang daan” sagot ng ina. Hindi na nagpilit si
Isan. Mabuti nalang at sinunod niya ang kaniyang ina. Bandang hapon nakarinig sila ng balita
na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila. Nabalitaan din ang nangyaring aksidente at
pagkamatay ng mga batang umakyat sa bundok.
“ Mapalad ako” ang bulong ni Isan.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? ___________________________________
2. Ano ang ibig gawin ng mga kaibigan ni Isan? __________________________________
3. Bakit hindi pumayag ang ina ni Isan na umakyat siya sa bundok?
_________________________________
4. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Isan?
_________________________________________
5. Ano ang huling nangyari sa kuwento?
________________________________________________________

II. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa loob ng
panaklong. Bilugan ito.
6.Langhapin mo ang bango ng bulaklak ( titigan amuyin hawakan )
7. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha. ( marami malaki
kokonti )
8. Ang kaniyang damit ay mamahalin, siguradong ginto ang halaga.
( mura mataas ang presyo walang halaga )
9. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot.
( tabi ng dagat gitna ng dagat ilalim ng dagat)
10. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap. ( magagawa makakamit
malalagpasan)

II.A.Panuto : Gamitin ang wastong panghalip. Bilugan ang tamang sagot .

11. _____ na ang bahalang magdala ng ulam natin bukas para sa ating field trip at kami
naman ang magdadala ng plato at kutsara at inumin” ang sabi ni Merlie kina Margie, Rizza
at Celia.
A.Kayo B. Tayo C. Sila D. kami
12. “Sige na nga,_________ na ang magdadala ng ulam bukas” ang sagot ng tatlong
magkakaibigan sa tinuran ni Merlie.
A. kayo B. Tayo C. Sila D. Kami
13. Sasama rin ba sina Elba at Rico? _______ na lang ang magdadala ng kanin.
A. sila B. tayo C. kami D. kayo
14. (Kami, Tayo, Sila, Kayo) na lang ang magdadala ng inumin at panghimagas natin Dina
at Cecil.
A. kami B. Tayo C. Kayo d. Sila
15. May dala akong aklat. Sino ang may ibig _____?
A. niyon B. nito C. niyan d. ito
16. Nakita ba ninyo ang aso ko? Nawawala din kasi ang kuwintas ______.
A. niyon B. nito C. niyan d. ito

17. Inilatag mo ba ang sapin _____? Nakahiga ka na kahit wala pang sapin.
A. niyon B. nito C. niyan d. ito

B.Panuto : Pagsamahin ang mga ponema upang mabasa ang mga salitang may
klaster. Piliin sa loob ng panaklong ang kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot
na bubuo sa salita sa patlang.

18.dy__________________ A. asa B. aket C. oso D. ema

19.gr __________________ A. usa B. aso C. asa D. eso

20. pr __________________ A. esa B. ito C. odo D. aga

III. Suriin ang pictograph. Sagutin ang mga tanong tungkol ditto.

BILANG NG MGA MAG-AARAL

SA IBA’T-IBANG PAARALAN NG HERMOSA

Paaralan Bilang ng mag-aaral


Babae Lalaki
Sumalo E/S

Pandatung E/S

Culis E/S

Saba E/S

Bacong E/S

Legend: = 5 na mag-aaral

21. Tungkol saan ang pictograph?

22. Anong paaralan ang may pinakamaraming mag-aaral?

23. Alina ng may pinakamababang bilang ng mga mag-aaral?

24. Anong paaralan ang magkasindami ng bilang ng mga mag-aaral?

25. Ilan ang mag-aaral na babae ng Bacong E/S?

26. Ilana ng kabuuang bilang ng mag-aaral sa Saba E/S?

27. Ilan ang bilang ng mga mag-aaral na lalaki sa Sumalo E/S?

28. Ilan ang bilang ng mga mag-aaral na lalaki sa Sumalo E/S?

III. Punan ng tamang salita ang mga sumusunod.

29. Ang Ano ay para sa ngalan ng ___________.

30. Ang Sino ay para sa ngalan ng _____


Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
Sagot.

Si Tom
Modesta R. Jaurigue

Kring…….”Yehey! Labasan na “. Sigaw ng mga mag-aaral ng Ikatlong Baitang. Lahat


ay nagmamadaling nagligpit ng mga gamit . Nakita ni Tom na itinapon ng mga kaklase ang
mga papel sa basurahan.” Bakit itinapon ninyo ang mga papel na wala pang sulat, sayang
naman” ang sabi ni Tom. ”Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga yan “ ang sagot
ni Cloe. Kinuha ni Tom ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelope.
Nagtasa ng kanyang lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis at ng makita na maayos na ang
kanyang mga gamit saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi
31. Itinapon ang mga papel sa basurahan. Anong salitang kilos ang ginamit sa
pangungusap?
a. basurahan b. itinapon c. mga d. papel
32. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang nagamit?
a. naayos b. nagalit c. natuwa d. nawala
33. Saan inilagay ni Tom ang mga papel na kinuha sa basurahan?
a. sa basurahan b. sa envelope c. sa ilalim ng bangko d. sa bag
34. Ano ang ginawa ni Tom nang marinig ang tunog ng bell?
a. Inayos ang gamit c. tumakbo
b.Nakipag-usap sa kaklase d. tumayo
35. Ano ang sinabi ni Tom sa kaklase na nagtapon ng papel sa basurahan?
a. Bakit ninyo itinapon ang mga papel na wala pang sulat sayang naman.
b. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan?
c. Bakit hindi ninyo itabi ang mga di- nagamit na papel.
d. Bakit kayo tumakbo agad?
36. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel?
a.Itabi ang sulatang papel na hindi pa nagagamit o nasusulatan.
b.Itapon ang gusto na papel.
c.Maglagay ng karton sa ilalim ng papel upang di bumakat ang kasunod na
susulatan.
d.Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.

37. Saan nangyari ang kuwento ?


a. hardin b. klinika c. palaruan d. silid-aralan318. Ang mga mag-aaral
sa ikatlong baitang ay ng mga gamit.
Punan ng wastong pang- abay na may kilos upang mabuo ang pangungusap
a. Nagmamadaling nagligpit
b. Umalis ng
maingay
c. Itinapon ang papel
d. Inayos ng mabuti
39. Kring… Labasan na”, sigaw ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang.
Anong salita ang maaaring ipalit sa salitang labasan na ?
a. Pasukan na. b. Uwian na. c. Rises na. d. Maglalaro na.
40. ”Bibili na lang kami ng papel bukas at saka gusot na ang mga iyan.” Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a.Ayos b. punit c. puti d. sira

You might also like