Professional Documents
Culture Documents
Literary
Literary
say ;
I am good enough
As you watch yourself in the mirror on a nice pair of shoes and delicate ironed clothes
does it ever pose a question, " Am I the best of who I'm supposed to be?
When you face difficulties with your lessons, do you immediately give up?
When your teacher asked questions and you failed to answer, do you feel sorry for yourself?
You are learning every day making dreams possible your own way
MANTINIR
An pagrikawdar himakuri,
Pagmalauli-- iparasahe
Pagmalabalik, pakianhi:
COG
- Camartin
Huwebes. Pangalawang araw kong pila sa labas ng admin building. Nagbabakasali na sana makuha ko
yung Certificate of Grades ko ngayon. Kailangan ko kasi yung grado ko sa nakaraang sem, isa kasi ito sa
mga requirements para sa scholarship ko. Pero alas otso palang ng umaga mahaba na ang pila. Minsan
inaabot ng hapon at kailangan ulit bumalik kinabukasan. Pangalawang subok ko na ito ngayon, maaga
akong nagtiyagang pumila pero alas dose na ng tanghali at parang hindi parin umuusad. Nakakabagot
man maghintay kailangan kong tiisin baka maagawan ulit ako ng ibang studyante.
Pagkalipas ng ilang oras nag vibrate yung cellphone ko sa bag at ng tingnan ko alas kwatro na ng hapon.
Nasa pang sampu pa akong pila. Nakaka-antok, nakakatamad, nakakapagod. Ilan lamang ito sa mga
nararamdam ko ngayon. Makaraan ang ilang minuto tinawag na yung nauna sa akin. "Hay! Salamat
naman ako na yung susunod. Makukuha ko narin yung COG ko. Ayoko ko ng bumalik bukas. "
"Cut off muna tayo ngayong araw, malapit ng mag alas singko, bumalik nalang ulit kayo. Bibigyan ko
nalang kayo ng priority number para sa susunod na linggo. Wala kasing transaction tuwing biyernes. "
saad ni manong guard.
Nang marinig ko iyon ay gusto kong magalit, sumigaw, umiyak , magbitiw ng masasamang salita,
naghalo halo na lahat ng emosyon sa ulo ko. Pero tahimik lang akong lumabas at naglakad sa hallway.
Magbabasakali na sana may natira pang tricycle pauwi.