You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 7

Quarter I: Week 1/Day 1


Paghahating Heograpiko ng Asya

Pangalan: ______________________________________ Iskor: ___________


Tayahin
PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang Asya ay hinati sa mga rehiyon bukod sa pisikal na kapaligiran, anu-ano pa ang mga salik
na isinaalang-alang sa paghahati nito?
A.kultural, historikal at politikal na salik
B.kultural, ekonomikal at polikal na salik
C.kultural, siyentipikal at historikal na salik
D.kultural, politikal at pagpapahalaga na salik
2. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ilang rehiyon ito nahahati?
A. 4 C. 6
B. 5 D. 7
3. Bakit tinawag na Land of Mysticism ang Timog Asya?
A.Dahil sa nakamamanghang lugar dito
B.Dahil sa mga sinaunang kabihasnan dito
C.Dahil sa mga kilalang pilosopong ipinanganak dito
D.Dahil sa mga relihiyon at pilosopiyang umusbong dito
4. Anong rehiyon sa Asya ang kilala bilang Farther India at Little China?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
5. Bakit tinatawag na Arid Asia ang Kanlurang Asya?
A.Dahil tuyo ang kapaligiran sa buong taon
B.Dahil sa malimit ang pag-ulan sa rehiyon
C.Dahil sa malalawak na disyerto at tuyong lugar
D.Dahil ang rehiyon ay matatagpuan malapit sa ekwador
6. Ano ang patunay na ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
A.Katumbas ng Asya ang doble ng lawak ng Hilagang Amerika
B.May kabuuang sukat ito na umaabot sa 17 milyong milya kuwadrado
C.May lawak ito na umaabot sa 186 degrees longhitud at 45 degrees latitude
D.Sakop ng teritoryo ng Asya ang mula polong hilaga hanggang polong timog
7. Ano ang katangiang pisikal ng Hilagang Asya?
A.Mabundok at matalampas ang rehiyon
B.Malaking bahagi ng rehiyon ay damuhan
C.May malawak na disyerto at tuyo ang lugar
D.Isang tangway at ang ilang bansa ay napalilibutan ng tubig
8. Anong rehiyon sa Asya ang may pisikal na kapaligiran na tinatawag na Northern Tier, Arabian
Peninsula at Fertile Crescent?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
9. Anong rehiyon ang katatagpuan ng nagtataasang kabundukan tulad ng Himalayas at Hindu
Kush?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
10.Bakit mahalagang malaman ang katangian ng lugar na ating ginagalawan o tinitirhan?
A.Upang malinang para sa sariling kapakanan
B.Upang makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran
C.Upang makapaghanda at makaiwas sa mga sakuna
D.Upang maiangkop ang uri ng kabuhayan at pamumuhay

You might also like