You are on page 1of 2

DEMAND

Ano ang demand?

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais bilhin ng mamimili sa iba’t ibang
alternatibong produkto sa isang takdang panahon.

ito’y tumutukoy sa Kakayahan at kagustuhan ng tao bumili, ang kakayahan na bumili ng


produkto o serbisyo ay nakabatay sa presyo neto. kaya nmn presyo ang pangunahing
nagtatakda ng dami ng demand.

Halimbawa: Basic na pangangailangan tulad ng bigas, gamot, o kuryente. Kahit tumaas ang
presyo, maaaring hindi gaanong mabawasan ang dami ng bibili dahil ito ay pangunahing
pangangailangan.

BATAS NG DEMAND

Meron tayong tinatawag na Batas ng demand;

isinasaad sa batas ng demand na merong inverse o magkasalungat na ugnayan ang Presyo sa


quantity demanded ng isang produkto

Ano ang quantity demand?

Ang quantity demand ay tumutukoy sa dami ng isang produkto o serbisyong nais bilhin ng
mga mamimili sa isang partikular na presyo. Ito ay naglalarawan kung gaano karaming
produkto ang nais ng mga mamimili sa isang tiyak na halaga o cost. Ang quantity demand ay
maaaring mabago depende sa iba't ibang mga salik tulad ng presyo, kita, at iba pang mga
paktor na maaaring makaapekto sa desisyon ng mamimili na bumili ng produkto o hindi.

Kapag bumababa ang presyo tumataas ang dami ng gusto at kayang bilhin ng konsyumer o
mga mamimili.

Pero kapag tumataas ang presyo bumababa ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.

Ayon sa batas ng demand sa tuwing ikaw at iyong pamilya ay mag dedesisyion na bumili ng
isang produkto o serbisyo ang presyo ang madalas at pangunahing niyong pinagbabatayan.

anong ang pinagbabatayan?

Ang "pinagbabatayan" ay tumutukoy sa mga pangunahing elemento o pundamental na bahagi


na ginagamit bilang basehan o batayan sa pagsusuri, pagpapasya, o pagsukat ng isang bagay.

halimbawa;

Sa bawat pagbili mo sa tindahan tinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung
ilan ang iyong bibilhin.

CETERIS PARIBUS
Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity
demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto

BAKIT INVERSE?
IPAPALIWANAG KO KUNG BAKIT MAGKASALUNGAT ANG PRESYO AT DEMAND

at Gusto ko din ibahagi na merong dalawang konsepto na nagpapaliwanag kung bakit


magkasalungat o inverse (pabaligtad) na ugnayan sa pamamagitan ng presyo at demand

ito ay Substitution Effect at angme effect

Ang unang konsepto magpapaliwanag dito ay ang substitution effect, ipinapahayag nito na
kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ang mamimili ay maghahanap ng pamalit o
alternative na mas mura, sa gayon mababawasan sng dami ng mamimili na gustong bumili ng
produktong may mataas na presyo dahil naghanap sila ng mas mura.

HALIMBAWA;

Kung mahal ang ballpen maaaring bumili ng lapis na mas mura. ibig sabihin kakaunti o
mababawasan ang mga namimili o konsyumer na gumagamit ng ballpen.

Ang ikalawa nmn ay INCOME EFFECT

ito’y nagpapahayag na mas malaki ang halaga g kinikita o more income mas mababa ang
presyo kapag mababa ang presyo ng bibilhin mas mataas ang kakayanan ng kita ng tao nang
makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas nmn ang presyo ng bilhin mas mataas
lumiltad namn ang kakayanan ng kanyang kita na ipang bili. o serbisyo , kaya mababawasan
ang dami na mabibiling produkto.

HALIMBAWA;

meron kang 60 pesos na pang bili ng notebook. Sa unang tindahan ang notebook ay 15Php
kada notebook o piraso, sa 60pesos mo makakabili ka na ng 4 na notebook. Sa pangalawang
tindahan naman nagkakahalaga na 30 pesos kada notebook o piraso ng presyo ng notebook,
sa 60 pesos mo makakabili kalang ng dalawang notebook o dalawang piraso.

KUNG IKUKUMPARA NATIN MAS MARAMI KANG MABIBILI NOTEBOOOK SA MABABANG


PRESY0.

You might also like