You are on page 1of 8

KABANATA I:

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAGAARAL

PANIMULA:

Laganap na ang paggamit ng electronic cigarettes o sikat sa


tawag na “vape” sa pilipinas simula nang lumabas ito sa merkado sa
U.S. noong 2008. Lumilitaw ngayon ang ebidensiya ng short-term
effects, positibo at negatibong dulot nito sa kalusugan ng tao.

Ang Isang battery-powered device ang e-cigarette na nag-iinit ng


likido karaniwang may sangkap na nicotine, propylene glycol at
glycerin at flavorings katulad ng bubble gum at watermelon — na
nagiging vapor na maaaring langhapin. Ito ay nagdadala ng nicotine,
na highly addictive drug, sa iba’t ibang parte ng katawan nang
hindi naglalabas ng anumangusok.

Inihayag ng U.S Food and Drug Administration na kabilang na


sa regulated product ang e-cigarettes. Ang mga ito ay sasailalim sa
kaparehong regulasyon na ipinatutupad sa conventional cigarettes,
Ipagbabawal na rin ang pagtitinda ng mga nasabing produkto sa mga
menor de edad o 18 taong gulang pababa.

Dahil itinuturing na relatively new nicotine-delivery product ang


e-cigs, maraming katanungan tungkol sa kaligtasan at epekto nito sa
kalusugan; long-term use at bisa nito sa pagtulong sa mga nais itigil
ang traditional smoking.

Ayon sa review sa mga saliksik na nailathala sa journal na


Tabacco Control noong May 2015, hindi magkakatugma ang mga pag-
aaral kung mas ligtas ang paggamit ng e-cigarrete kung ikukumpara sa
tradisyonal na paninigarilyo.

Malaking katanungan din kung paano nakaaapekto sa kalusugan


ng tao ang iba’t ibang flavoring na ginagamit sa e-cigars. Umaabot sa
500 klase at 7,700 na pampalasa (e-juice) sa nasabing device na
ibinebenta ngayon.

Malaking tulong diumano ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti


ng ng electronic cigarette at mga pampalasa nito upang maging mas
kaaya-aya ito at lubos na tangkilikin bilhin kahit ano pa man ang
ikakahalaga nito sa bulsa ng mga kabataan sa lugar ng pinag kuhaan
ng datos at iba pang barangay, bayan, lungsod.
PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

1. Ano ang mga kasangkapang kemikal sa pag gawa nito na


maaring makaapekto sa katawan at pag-iisip ng tao.

2. Ano ang pag kakaiba ng tradisyunal na sigarilyo sa electronic


cigarette?

3. Ano ang epekto ng tradisyunal na sigarilyo at electronic


cigarette sa mga second hand smoker na nakakalanghap nito?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon sa
pag-gamit ng electronic cigarette at ang epekto nito sa kalusugan at sa
lipunan.

1. Upang madagdagan ang antas ng kaalaman ng mga


kabataang Pilipino at sa iba pang na gumagamit ng electronic
cigarette.

2. Upang matukoy ang mga sikolohikal na manipestasyon ng


pag-gamit ng electronic cigarette sa mga kabataan.

3. Upang malaman kung anong kasarian, kung babae o lalake,


ang may pinakamataas na bilang ng mga gumagamit nito.

4. Upang malaman kung nakakatulong ba ito sa pagkontrol nila


sa pag gamit ng tradisyunal na sigarilyo.
5. Upang masuri ang ibat-ibang epekto nito sa mga talamak na
gumagamit ng electronic cigarette.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mananaliksik ng pamanahong papel na ito na
napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat kinakailangang magkaroon
ng sapat na kaalaman ang mga kabataang Pilipino ukol sa electronic
cigarette. Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito
dahil napakalaki ng maitutulong nito sa bawat tao na malaman kung
ano ang gamit at epekto ng E-cigarette. Sa pamamagitan ng
pananaliksik na ito, malalaman ang mga sanhi at bunga ng paggamit
nito.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat maaaring
mapagkuhanan ng impormasyon ukol sa mga epekto ng pag-gamit nito
sa ating kalusugan. Sa pamamagitanng mga bago at karagdagang
kaalaman, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magamit
ito sa kanilang napiling propesyon. Isa pang maituturing na
importansya nito ay ang pagdinig sa opinyon at pananaw ng mga
kabataang second hand smokers ng saganoon ay malaman ng mga
mag-aaral na gumagamit nito ang epekto sa mga taong nasa kanilang
paligid.
Makatutulong din ang papel na ito sa mga sa iba pang mga
makababasa nito. Ito ay makapagbibigay ng isang paalala sa iba pang
kabataan at mambabasa na ang pag langhap ng usok ay nakaaapekto
sa kalusugan ng tao. Ipinauusbong nito ang pagkakaroon ng
ebalwasyon sa sarili kung anu-ano ang nalalaman sa isyung ito.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga kabataang na may bisyo dahil
matututunan at mas maiinitindihan nila ang mga nagaganap sa
katawan dulot nito at mas mahihikayat silang maging mga modelo ng
kalinisan at kalusugan.
Ang mga magulang din ay makakakuha ng mga impormasyon
tungkol sa mga sanhi ng pag-gamit ng electronic cigarette ng kanilang
mga anak at kung paano sila matutulungang tumigil. Gayundin ang
mga impormasyong matatanggap ng mga propesor ng mga
estudyanteng ito sapagkat kanilang madadagdagan ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa usaping ito.

Mahalaga ang pag-aaral na ito na mga sumusunod:

Sa mga Mambabasa
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga Mambabasa upang
malaman nila ang mga impormasyon at mga epekto ng E-cigarrette,
pati nadin sa makabago at kakaibang paraan ng paninigarilyo gamit
ang E-Cigarrette.

Sa mga Magulang
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga Magulang upang
malaman nila ang mga impormasyon at mga epekto ng E-
cigarrette, mabuti ito para hindi malanghap ng mga anak ang usok
dahil walang second hand smoke ito.

Sa mga Mag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga Mag aaral upang
malaman nila ang mga impormasyon at mga epekto ng E-cigarrette,
mabuti ito sa mga naninigarilyo at hindi naninigarilyo para malaman
nila ang kaibahan nito sa tunay na sigarilyo.
Sa mga Guro
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga Guro upang malaman nila
ang mga impormasyon at mga epekto ng E-cigarrette, mabuti ito sa
lahat kase para hindi na makalanghap ng usok dahil wala nga itong
secondhand smoke.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nakatuon sa pananaw, lawak


ng kaalaman, at damdamin ng mga gumagamit ng E-cigarette ukol sa
makabagong sigarilyo. Ang pananaliksik na ito ay limitado sa mga
taong gumagamit ng modernong sigarilyo o E-cigarette. Ito ay
sumasaklaw na rin sa kung ano ang depinisyon at ano ang epekto nito
sa gumagamit.

Sa pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagkakatuklas ng mga


pisikal at sikolohikalna epekto ng electronic cigarette sa mga
kabataang lulong sa bisyong ito. Sakop din nito ang pagtukoy sa mga
dahilan ng mga kabataan na kung bakit sila ay gumagamit nito. Saklaw
nito ang mga kabataan mula sa barangay Banay-Banay sa Bayan ng
Cabuyao. Napili ng mananaliksik ang mga kabataang ito, sapagkat sila
ay naniniwala na sa pag kauso ng electronic cigarette nagsimula ang
lahat.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salita ay ang mga terminolohiyang


ginamit at makikita sakabuuan ng papel. Upang magkaroon nang
madaling pagkaunawa at maging pamilyar ang mga mambabasa sa
mga katagang ito, minabuti ng mga mananaliksik na ibigay ang
kahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng paggamit sa pamanahong-
papel na ito.

Ang Sigarilyong Elektroniko (Electronic Cigarette)


Ay isang vaporizer na pinaagana ng baterya.

Ang Sigarilyong Tobako (Tobacco Cigarette)


Ay maliit na silindro na may lamang pino na hiwa ng mga dahon ng
halamang tobako na nirolyo para sa paninigarilyo.

Ang Nikotin (Nicotine)


Isang nakakahumaling na droga na nakakatulong sa pagpigil ng mga
ilang sakit.

Ang sigarilyo/yosi
Ay naglalaman ng mga pinong dahon ng tabako na nirolyo
saisang papel. Ito ay sinisindihan sa kabilang dulo at ang usok nito ay
hinihithit at inilalabasmuli sa ilong o bibig.

Ang tar
Ay isa sa mga kemikal na matatagpuan sa isang sigarilyo. Ito ay
paunawakung bakit ang ngipin ng isang naninigarilyo ay dilaw.

Ang second-hand smoke


Ay ang usok na inilalabas ng naninigarilyo pati na rinang usok na
nasa lumalabas sa kabilang dulo ng sigarilyo.

You might also like