You are on page 1of 11

Mga Panuntunan sa

Pagliligtas ng Buhay

01 Paghihiwalay ng Enerhiya
Patunayang nahihiwalay at wala ng enerhiya
bago simulan ang trabaho

Tinukoy ko ang lahat ng pinagkukunan ng enerhiya


Pinatunayan ko na nahiwalay, nakakandado at naka-tag
ang mapanganib na mga pinagkukunan ng enerhiya
Tiningnan ko na wala nang enerhiya at sinuri kung meron
pang naipong enerhiya
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

02 Pahintulot sa Paggawa
Magtatrabaho nang meron pahintulot, kung kinakailangan
Kinumpirma ko kung kinakailangan ng pahintulot

Pinayagan akong gawin ang trabaho

Naiintindihan ko ang pahintulot

Napatunayan ko na kontrolado ang mga panganib at


ligtas nang simulan
Tumigil at muli kong sinuri kung nagbago
ang mga kondisyon
Kumuha ako ng mga kakailanganin upang magkaroon ng
pahintulot sa paggawa kasama na rin ang pahintulot sa
pagsasara o pagtatapos ng gawain
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

03 Mga Pansariling Kagamitang Pamproteksyon


Patunayang nahihiwalay at wala ng enerhiya bago
simulan ang trabaho
Isinusuot/ginagamit ko ang wastong pansariling kagamitang
pamproteksyon para sa gawain
Alam ko at ginagamit ko ang mga karagdagang kinakailangang
pansariling Kagamitang Pangproteksyon na ipinag-uutos sa
pahintulot sa paggawa o tagubilin sa trabaho
Alam ko at ginagamit ko ang ipinag-uutos na mga pansariling
kagamitang pamproteksyon ayon sa mga lokal na palatandaan
Palagi kong sinusuri ang kondisyon ng aking pansariling
kagamitang pamproteksyon
Pinapanagot ko ang iba sa hindi pagsusuot o paggamit ng
ipinag-uutos na pansariling kagamitang pamproteksyon
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

04 Paggawa sa Matataas na Lugar


Protektahan ang iyong sarili laban sa pagkahulog kapag
nagtatrabaho sa matataas na lugar
Sinisiguro kong maayos ang aking kagamitang
pangproteksyon laban sa pagkahulog bago gamitin
Sinisiguro kong naayos ko ang mga kagamitan at materyales sa
trabaho upang maiwasan na malaglag ang mga ito
Tiniyak kong nakatali ako sa mga aprubadong anchor point
o sabitan para maiwasan/mapigilan ang pagkahulog habang
nasa labas ng protektadong lugar
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

05
Pag-iwas o Pagbaliwala sa
Mahahalagang Kontrol sa Kaligtasan
Kumuha ng awtorisasyon bago iwasan, baliwalaan
o wag paganahin ang mga kontrol sa kaligtasan
Naiintindihan at ginagamit ko ang mga kritikal na kagamitan
at pamamaraan sa kaligtasan para sa aking gawain
Kumuha ako ng awtorisasyon bago
• Pagpapawalang gana o pag-iiwas sa mga kagamitan ng
pangkaligtasan
• Paglilihis sa mga pamamaraan
• Pagtatawid sa mga harang
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

06 Mainit na Paggawa
Kontrolin ang mga magniningas at pagmumulan ng sunog.
Inaalam at kinokontrol ko ang mga paagmumulan ng sunog
Bago magsimula ng anumang mainit na paggawa
• Tinitiyak ko na ang mga madaling magniningas na bagay o
materyales ay inalis o naihiwakay na
• Kumuha ako ng pahintulot
Bago simulan ang mainit na paggawa, sa isang mapanganib
na lugar, tinitiyak ko na:
• naisagawa ang pagsusuri sa gas
• patuloy na pagsubaybay sa gas
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

07 Pagpasok sa Nakakulong na Espasyo o Silid


Kumuha ng pahintulot bago pumasok sa nakakulong
na espasyo o silid:
Tinitiyak ko na ang mga pinagmumulan ng enerhiya ay nahiwalay

Tinitiyak ko na nasuri ang paligid at sinusubaybayan ito


Sinusuri ko at ginagamit ang aking kagamitan sa paghinga
kung kinakailangan
Tinitiyak ko na may isang tao na nagbabantay habang
ginagawa ang trabaho
Tinitiyak ko na may isang plano para sa pagliligtas

Kumukuha ng pahintulot para papasok


Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

08
Pagpupwesto ng sarili Palayo
mula sa mga Panganib
Ipupwesto ang sarili at iba pa papalayo sa mga panganib
Ipinupwesto ko ang sarili upang maiwasan ang:
• mga bagay na gumagalaw
• mga sasakyan
• mga pagpapalabas ng presyon
• mga bagay na maaaring mahulog
Itinatag at sinusunod ko ang mga harang at mga lugar na
hindi dapat lapitan
Gumagawa ako ng hakbang para maayos ang mga
lumuluwang na bagay at pinagbigay alam ang mga bagay na
maaaring mahulog
Tinitiyak ko na lahat ng mga pressurized hoses na aking ginagamit
ay may kalakip na whip check bago magsimula ng trabaho
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

09 Mga Operasyon sa Pag-aangat o Pagbubuhat


Planuhin ang operasyon sa pag-aangat o pagbubuhat
at kontrolin ang lugar
Tinitiyak ko na ang kagamitan at bigat ay nasuri at angkop
para sa layunin.
Gumagamit lamang ako ng mga kagamitang ako ay
kwalipikadong gagamit.
May plano ako sa pag-aangat o pagbubuhat at nagsagawa
ng pagsusuri para sa mapanganib na operasyon
Inaayos at sinusunod ko ang mga harang at mga lugar na
hindi dapat lapitan
Hindi ako dadaan sa ilalim ng isang nakabitin na karga
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

10 Pagmamaneho ng mga Sasakyan


at Mabibigat na Kagamitan
Sundin ang mga ligtas na panuntunan sa pagmamaneho
Palagi kong suot ang sinturong pangkaligtasan
Hindi ko nilalagpasan ang takdang bilis, at binabawasan ko
ang bilis ng takbo batay sa kondisyon ng kalsada
Hindi ako gumagamit ng mga telepono at iba pang
kagamitan habang nagmamaneho
Ako ay may sapat na kaalaman at sanay magmaneho, at
alerto habang nagmamaneho
Plinaplano ko ang aking biyahe
Pinapanatili kong laging may ligtas na distansya
sa pagitan ng aking sasakyan at sa aking harapan
Mga Panuntunan sa
Pagliligtas ng Buhay

STOP
Pinapatigil ang Hindi Ligtas na Trabaho
Pinagkakalooban ang lahat ng mga empleyado at manggagawa
ng kapangyarihang ihinto o itigil ang hindi ligtas na trabaho:
• Pinapahinto o pinapatigil ang trabaho kung ang mga
pinagkukunan ng enerhiya ay hindi nahiwalay at nasuri
• Pinapahinto ko ang trabaho kung ang tamang Kagamitang
Pamproteksyon ay hindi sinusuot
• Pinapahinto ko ang trabaho kung ang mga pamamaraan sa
kaligtasan ay hindi sinusunod ng tama

Ako ay may pananagutan para sa aking kaligtasan


at sa kaligtasan ng iba sa aking paligid

Sinasagip ko ang aking buhay at buhay ng iba sa


pamamagitan ng paggamit ng aking kapangyarihan sa
pagpapahinto o pagpapatigil ng trabaho

You might also like