You are on page 1of 2

Blg.

255

Mga Kinakailangan sa Oryentasyon


para sa Kaligtasan at Kalusugan
Hinihiling ng Regulasyon sa Kaligtasan at Kalusugan sa Pinagtatrabahuhan (Regulasyon ng Manitoba
217/2006) sa mga employer na magbigay ng mga oryentasyon para sa kaligtasan at kalusugan para sa
lahat ng mga bagong manggagawa. Ipinakilala ang hinihiling na ito noong 2014 para magbigay ng mas
matibay na proteksyon para sa mga manggagawa sa Manitoba.

Ano ang isang oryentasyon para sa kaligtasan at kalusugan?


Ang isang oryentasyon para sa kaligtasan at kalusugan ay isang paraan ng pagpapakilala sa mga
manggagawa sa pinagtatrabahuhan. Tinitiyak ng oryentasyon na alam ng mga tao ang mga inaasahan sa
kumpanya para sa kaligtasan at kalusugan, ang mga tungkulin ng mga tagapamahala at mga
manggagawa, at ang mga panganib ng partikular na lugar ng trabaho.

Bakit kailangang magsagawa ng isang oryentasyon para sa kaligtasan at kalusugan?


• Hinihiling ng batas sa mga employer na tiyakin na kapag nagsimulang magtrabaho ang isang
bagong manggagawa sa isang pinagtatrabahuhan, bibigyan ang manggagawa ng isang
oryentasyon para sa kaligtasan at kalusugan na partikular sa pinagtatrabahuhan
• Makakatulong itong mabawasan ang mga pinsala at mga kaugnay na gastos
• Nagpapakita ito ng pag-iingat (due diligence)

Sino ang kailangang mabigyan ng oryentasyon?


Ang isang oryentasyon ay palagi dapat ibigay sa mga bagong manggagawa:
• Mga manggagawang bago sa pinagtatrabahuhan
• (hal. mga manggagawang nagsisimulang magtrabaho, kasama ang mga bata pa, mga
pansamantala o may panahon na mga manggagawa, mga bagong imigrante, atbp.)
• Mga manggagawang lumipat mula sa isang bahagi ng pinagtatrabahuhan papunta sa isa pang
bahagi ng pinagtatrabahuhan na may ibang mga pasilidad, mga pamamaraan o mga panganib
• (hal. mga manggagawang inilipat sa ibang lugar o inilipat sa bagong trabaho)
• Mga manggagawang inilipat sa ibang pinagtatrabahuhan na may ibang mga pasilidad, pamamaraan
o mga panganib
• (hal. mga manggagawang inilipat sa ibang lokasyon ng opisina)
• Mga manggagawang bumabalik sa parehong pinagtatrabahuhan, ngunit nagbago ang mga proseso
o mga panganib habang wala roon ang manggagawa
• (hal. mga manggagawang bumabalik mula sa pagliban sa trabaho)

Kailangan magtago ang mga employer ng mga talaan ng lahat ng oryentasyong ibinigay sa mga bagong
manggagawa.

Sino ang responsable para sa oryentasyon?


Ang mga employer ang responsable sa pagtiyak na ibibigay ang isang oryentasyon para sa kaligtasan at
kalusugan kapag nagsimulang magtrabaho ang isang bagong manggagawa sa isang pinagtatrabahuhan.
Ang iba’t-ibang mga tao sa pinagtatrabahuhan ay maaaring maging responsable sa pagbibigay ng iba’t-
ibang mga bahagi ng oryentasyon. Halimbawa, maaaring ibigay ng tagapangasiwa ng kalusugan at
kaligtasan ang pangkalahatang oryentasyon sa mga patakaran at pamamaraan ng organisasyon, maaaring
suriin ng isang nars ang mga pamamaraan ng pag-uulat ng insidente, at maaaring ibigay ng isang
superbisor ang detalye ng mga partikular na panganib sa trabaho at ibalangkas ang partikular na mga
pamamaraan sa ligtas na trabaho para sa isang partikular na trabaho.

(tingnan ang susunod na pahina)


Pahina 2 Mga kinakailangan sa oryentasyon Bulletin 255
para sa kaligtasan at kalusugan
Anu-anong mga paksa ang kailangang talakayin sa isang oryentasyon para sa kaligtasan at
kalusugan?
Ang mga oryentasyon para sa mga bagong manggagawa ay kailangang talakayin ang lahat ng paksang
nakalista sa ibaba:
 Ang mga karapatan at pananagutan ng mga employer at mga manggagawa sa ilalim ng Batas ng
Kaligtasan at Kalusugan sa Pinagtatrabahuhan at mga naaangkop na regulasyon
 Ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng superbisor ng bagong manggagawa
 Ang pamamaraan para sa pag-uulat ng hindi ligtas na mga kondisyon sa pinagtatrabahuhan
 Ang pamamaraan para sa paggamit ng karapatang tumanggi sa mapanganib na trabaho sa
pinagtatrabahuhan
 Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa Komite o Kinatawan (gaya ng naaangkop) ng
Kaligtasan at Kalusugan
 Anumang mga patakaran, programa at mga pamamaaran para sa ligtas na trabaho na
kinakailangang mabuo ng employer alinsunod sa Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa
Pinagtatrabahuhan at mga naaangkop na regulasyon na naaangkop sa trabahong gagawin ng
manggagawa
 Ang mga panganib kung saan maaaring malantad ang manggagawa at ang mga hakbang sa
pagkontrol na isinasagawa para protektahan ang manggagawa
 Lokasyon ng mga pasilidad para sa pangunang lunas, mga paraan ng pagpapatawag ng
pangunang lunas at mga pamamaraan para sa pag-uulat ng mga karamdaman at pinsala
 Mga pamamaraan para sa emerhensiya (hal. pangunang lunas, sunog, paglikas, atbp.)
 Pagtukoy sa mga ipinagbabawal o pinaghihigpitang mga lugar o mga aktibidad
 Anumang iba pang mga bagay na kinakailangan para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng
manggagawa sa pinagtatrabahuhan
Ang mga karagdagang paksa na dapat talakayin sa isang oryentasyon ay mag-iiba depende sa mga
pangyayari sa pinagtatrabahuhan.

Paano magsasagawa ng isang oryentasyon – Isang sunud-sunod na pamamaraan


1. Alamin kung sino ang kailangang makatanggap ng oryentasyon o kailangan na muling bigyan ng
oryentasyon.
2. Ilista kung anu-anong mga paksa ang ibibigay mo sa mga manggagawa. Tingnan ang mga
kinakailangang paksa sa itaas – maging partikular. (Higit sa lahat, makakatulong ang iyong
komite sa kaligtasan at kalusugan o kinatawan ng manggagawa sa pagbuo ng nilalaman ng
oryentasyon).
3. Bumuo ng mga checklist para sa pagsubaybay kung aling bahagi ng oryentasyon ang isinagawa
at kung sino ang nagsagawa nito.
4. Italaga kung sino ang magbibigay ng mga bahagi ng oryentasyon.
5. Isulat ang mga inaasahang takdang panahon para sa paghahatid ng bawat bahagi ng
oryentasyon.
6. Bumuo at/o mangolekta ng mga kinakailangang materyal para sa paghahatid ng bawat bahagi
ng oryentasyon.
7. Ibigay ang oryentasyon, lagyan ng check ang bawat item na inihatid. Itala kung sino ang
naghatid ng bawat bahagi at kung anong petsa.
8. Magtalaga ng (mga) taong responsable para tiyakin na ibinibigay ang oryentasyon at na
ginagawa ito nang nasa oras (tiyakin na alam ng lahat ng nakatataas na tagapamahala at mga
superbisor na isa itong kinakailangan na sinusuportahan ng nakatataas na tagapamahala sa
kumpanya)
9. Magtago ng mga kopya ng pagsasanay sa mga indibidwal na file ng tauhan;
10. Bumuo ng isang sistema para “balikan” o repasuhing muli ang mga patakaran at pamamaraan
sa pagsasanay ayon sa pagbabago sa mga ito (hal. bagong kagamitan o mga pamamaraan) at
nang regular kahit na walang ginawang mga pagbabago.

Sanggunian para sa mga legal na kinakailangan sa ilalim ng batas sa kaligtasan at kalusugan


sa pinagtatrabahuhan:
• Mga Tungkulin ng mga Employer: Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pinagtatrabahuhan
(Workplace Safety and Health Act) W210 – Bahagi 4
• Mga Tungkulin ng mga Superbisor: Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pinagtatrabahuhan
(Workplace Safety and Health Act) W210 – Bahagi 4.1
• Oryentasyon para sa Mga Bagong Manggagawa: Regulasyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa
Pinagtatrabahuhan (Workplace Safety and Health Regulation) 217/2006 – Bahagi 2.2.1

Makukuha ang karagdagang impormasyon sa kaligtasan at kalusugan sa: safemanitoba.com

Nirebisa noong: Agosto 2014


Huling Nirepaso/Nirebisa noong: Nobyembre 2009

Tagalog

You might also like