You are on page 1of 3

Kontrata para sa Trabahong Proyekto

Ang kasunduan sa proyekto na ito, isinasagawa sa _____ araw ng _____ 2022, sa _______, Pilipinas, sa
pagitan nina;

AMDCC Construction Sevices isang kompanya na itinatag sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas, na
may pahatirang sulat sa blk 19 lot 24 gemini st. st. agatha tikay malolos Bulacan, pilipinas.

At si

Ginoong ________, nasa hustong gulang, isang Pilipino, na nakatira sa _________.

Ay testigo na;

Samakatuwid, ang kumpanya ay nangangailangan ng trabahador o empleyado na may kaalaman sa


nabanggit na proyekto.

Samakatuwid, ang trabahador o empleyado ay may lawak na karanasan at kaalaman sa mga kagamitang
pang enerhiya.

Samakatuwid, ang proyekto ay nangangailangan ng trabahador na may angking kakayahan at talino sa


naturang trabaho upang masagawa ng maayos, may kalidad at mabilis ang serbisyo.

Samakatuwid, ang proyekto ay may oras o araw na kailangan magampanan upang ang kumpanya ay
makapasa agad sa proyektong ito.

Samakatuwid, ang kasunduan na ito ay base sa proyekto na gagawin ng mga trabahador upang
magampanan nila ang mga trabaho na nakaatas sa kanila.

Kung kaya bilang pagbibigay bisa sa mga sumusunod, ang kumpanya at ang trabahador o empleyado ay
malayang sumasang-ayon sa mga nabanggit.

Termino ng kasunduan

Ang kasunduan na ito ay magtatagal mula sa petsa ng napagkasunduan hanggang sa


napagkasundang tapos ng proyekto. Ang kasunduan na ito ay maaring mabago ng namamahala kung
kinakailangan upang masiguro ang proyekto ay tapos, maayos at may kalidad.

Saklaw ng trabaho

1. Ang empleyado o trabahador ng proyekto ay kailangan pumasok sa eksatong oras o bago mag
alas 7:00 ng umaga at aalis ng alas 4:00 ng hapon mula lunes hanggang linggo. Ang ano mang
pasok na lalagpas sa alas syete ay tinuturing na huli o late at ang pag-alis sa trabaho ng maaga sa
alas-kuarto ay itinuturing na kulang sa oras sa araw ng trabaho na kung saan siya ay babawasan
ng karapatang sahod. Sapagkat siya ay umalis ng trabaho ng hindi pa tapos ang oras na
nakatakda o kaya ay huli siyang pumasok sa oras na tinakdang pasok.

2. Ang gawain na gagampanan ng mga empleyado ay naka paloob sa pigura sa baba at itinuturing
ito na bahagi ng kasunduan. Sakop na din dito ang ano mang ipagawa sayo o utos ng
namamahala ay inyong susundin o gagawin basta ito ay naayon sa inyong trabaho.
3. Ang posisyon na binigay sa empleyado na pipirma o tatanggap ng kontrata ay makakatanggap ng
naayon sa nasa pigura sa baba.

Technician At iba pang trabaho na naayon sa kaalaman ng


empleyado
Technician 500
Food Walang food allowance pero libre ang pagkain
SSS, PHILHEALTH, PAGIBIG may kaltas sa kumpanya at may kaltas din sa
empleyado

4. Ang kumpanya ay handang tumanggap ng iba pang trabaho bukod sa proyektong ginagawa na,
kaya ang empleyado ay makakapagtrabaho ng higit sa isa pang trabaho.
5. Ang proyekto ay tuloy tuloy lamang kaya kung sakali na ang empleyado ay hindi na
makakapagpatuloy ng trabaho ito ay kailangan magpasa o magbigay ng notipikasyon ng
terminasyon na sulat, sapagkat ayon sa batas ay kailangan mag bigay ng notipikasyon ang
empleyado bago ito tuluyang umalis sa kumpanya upang ito ay makapagrender pa sa loob ng
tatlumpong 30 araw.
6. Ang mga empleyado ay papasok sa trabaho na nasa tamang uniporme ang suot at ang lahat ng
pinagbabawal na regulasyon ng kumpanya ay dapat na sundin.

Sweldo o Pasahod

1. Ang sweldo ng empleyado ay nakalagay sa pigura sa taas, ito ay maaring mabago ayon sa
evaluation ng namamahala sa mga empleyado.
2. Kung sakali na ang proyekto ay natapos ng mas maaga pa sa napagkasunduan ang empleyado ay
makakatanggap ng incentives o additional na sweldo para sa mga empleyado na nagsusumikap
para sa makalidad na serbisyo.
3. Ang empleyado ay required na magkaroon ng government benefits o ang tinatawag nilang (SSS,
PHILHEALTH, PAGIBIG) upang ito ay isang maging paraan para matulungan ang mga empleyado
at ayon din sa batas na ang mga empleyado ay kailangan mayroon benepisyo. Makikita ang
kasunduan sa pigura sa taas.
4. Ang pagpapasahod ng namamahala ay isasagawa tuwing ika 15 at ika 30 ng buwan.

Kaugnayan ng mga Partido

1. Ang empleyado ay magsisimula muna bilang pansamantalang trabahador or under probationary


period. Ang kanyang estado o probationary period ay nakasalalay sa angking kakayahan ng
empleyado o ang kalidad ng kanyang pagtatrabaho.
2. Ang empleyado ay nakakatiyak na siya ay susunod sa ano mang regulasyon o ordinansya ng
kumpanya at ng customer ng kumpanya.
3. Ang empleyado ay sisiguraduhin na sila ay may displina, respeto at mabuting paguugali sa mga
kasamahan sa trabaho o co-worker, sa mayari ng kumpanya at sa iba pang namamahala nito at
pati na rin sa ibang tao na nakakahalubilo nila.
4. Ang sinumang empleyado na gagawa ng gulo o away sa work place ay mabibigyan ng nararapat
na parusa dahil sa kanyang naging paguugali.
5. Ang kumpanya ay pananatiliin nating maayos, may kalidad at respeto sa lahat ng tao na
makakahalubilo ng bawat isang empleyado.
Garantiya ng Empleyado

1. Ginagarantiya ng empleyado na siya ay may sapat na kaalaman o kakaayahan upang magawa


niya ng maayos at may kalidad ang kanyang trabaho.
2. Ginagarantiya ng empleyado na siya ay may respeto at mabuting paguugali sa kahit ano mang
tao na kanyang makakahalubilo.
3. Ginagarantiya ng empleyado na siya ay hindi gagawa ng ano mang pagkilos o gulo na
makakaapekto sa kanyang trabaho o sa kumpanya.
4. Ginagarantiya ng empleyado na siya ay handang gampanan ang ano mang nasa kasunduan o ang
mga napagusapan ng bawat Partido.

Alituntunin sa kalidad

Ginagarantiya ng empleyado ang makalidad na serbisyo at maayos na proyekto at handang gawin ang
proyektong napagkasunduan at matapos ito ng may kalidad. Ang ano mang trabaho na hindi natupad sa
kasunduan ito ay matuturing napaglabag at maaring mapatawan ng angkop na aksyon.

Pagtatapos ng kasunduan

Ang kasunduan na ito ay maaring tapusin ng namamahala ng naayon sa regulasyon o batas ng


kumpanya. At ang lahat ng trabahador ay inaasang susunod sa napagkasunduan.

Bilang katunayan, ang kasunduan na ito ay isinagawa ngayong ika ________ ng ________ 20__ sa
Malolos City, Philippines.

AMDCC Construction Services

Signature with printed name and date

Employee Signature with printed name and date

You might also like