You are on page 1of 4

Metro Manila College

Kontraktwalisasyon sa Pilipinas

Minela B. Bucatan

HUMSS-SOURSOP

Ms. Angelyn Mangarin


Epekto ng Kontraktwalisayon sa Pilipinas

ni

Minela B. Bucatan

Ang kontrakwal ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang
employer-employee sa pamamagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o
kumpanyang nakikinabang sa kanyang lakas paggawa. Ipinagkakait ng kumpanya sa
isang manggagawa ang karapatan niyang maregular matapos ang anim na buwan.
Isang ilegal na gawain ang ginagawa ng kumpanya, kukuha sila ng ahensya na
magsusuplay ng mga manggagawa. Pagkatapos tatanggalin sa trabahokapag sumapit
ang limang buwan. kadalasan ay ire-rehire, paulit- ulit . Ayon sa batas, ang isang
manggagawa kapag umabot ng anim na buwan sa trabaho ay ireregular na . ang isang
manggagawa na kontraktwal ay maaring mawalan ng trabaho,mababa pa sa minimum
ang sahod at pinagkakaitan ng mga benepisyong itinakda sa oras. Pinakikilos ng CBCP –
Permanent Committee on Public Affairs ang DOLE o Department of Labor and
Employment laban sa natitira pang kumpanya na nagpapatupad ng “end-of-contract” sa
bansa. Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, kalihim ng komisyon, kailangang
ipagpatuloy ng DOLE ang target nito na umabot sa 50 porsyentong mawakasan ang
kontrakwalisasyon sa pagtatapos ng taong 2016 at bigyan ng benepisyo at job security
ang mga manggagawang kontraktuwal.

Pinayuhan rin nito ang mga employers na hindi pa rin tumatalima sa DOLE na
magpakita naman ng habag at malasakit sa kanilang mga empleyadong kontraktuwal
dahil ito ay labag sa kanilang dignidad.Nabatid batay sa ulat ng DOLE mahigit 10, 000
manggagawa o katumbas pa lamang sa 20 porsyento ang agad na ginawang regular ng
halos 200 business establishment.

Kawawa ang mga manggagawa. Sa kasalukuyan, kumikita ng P277.81 bawat araw ang
mga manggagawa. Kapiranggot ang kinikitang ito para sa pamilyang may limang
miyembro. Sa kinikitang ito kukunin ang mga pangangailangan sa araw-araw —
pagkain, upa sa bahay, bayad sa ilaw at tubig, pamasahe at paano kung may pinag-
aaral pa. Paano rin kung may magkasakit sa pamilya? Ngayong nagtataasan ang presyo
ng mga pangunahing bilihin, paano pa pagkakasyahin ang kapiranggot na kinikita.

Problema rin ng mga manggagawa ang contractualization. Maraming establisimento


ngayon na pawang contractual ang mga trabahador. Pagkalipas ng lima o anim na
buwan, panibagong kontrata na naman. Ang contractualization ang naging panlaban ng
employer para hindi mai-promote ang mga empleyado at ligtas sila sa pagbibigay ng
umento. Ang contractualization ay naglalagay sa manggagawa ng kawalan ng security
of tenure. Napaka-anti-labor ng praktis na ito. Napakasamang patakaran na dapat nang
mawala.

Panahon na para pagtuunan ng Duterte government ang issue sa contractualization.


Tapusin na ang ganitong polisiya. Nararapat lang na maisaayos ang kalagayan ng mga
manggagawa para naman matigil na ang pagngawa tuwing sasapit ang Araw ng
Paggawa.

Ang epekto ng kontraktwalisayon ay ang hindi pangmatagalang pagkakaroon ng mga


trabaho ng mga tao. Kung saan naisasapanganib ang hinaharap ng kaniyang pamilya.
Ang kontrakrwalisasyon ay nagpapakita ng hindi pagiging permanente sa trabaho ng isa
o ng nakararami. Ito ay ginamit na instrumento ng mga kapitalista upang magkamal ng
yaman. Epekto nito, napagsasamantalahan ang uring manggagawa dahil nakaiiwas ang
mga namumuhunan na bigyan sila ng tamang sahod at benepisyo.

Nagkakaroon din sila ng masmaliit na sahod na kanilang natatamasa kumpara sa mga


regular na empleyado, dahilan upang mas hirap sila sa buhay. At mas limitado ang mga
benepisyong kanilang natatanggap. Ito ay ang mga bagay na tulad ng SSS, PAG-IBIG,
PhilHealth, atbp. Sa katunayan, karamihan sa mga kontraktwal na manggagawa ay
hindi nakakatanggap ng mga nasabing benepisyo. At sila ay walang pagkakataon na
magkaroon ng "career growth" at "professional compentence" sapagkat may sakdal na
panahon lamang ang kanilang pagiging papel bilang manggagawa sa kanilang
kumpanyang pinapasukan.

Masusing konsepto

Maaaring may dalawang mukha ang "kontraktuwalisasyon":

1. Isang sistmena ng pagkuha ng mga manggagawa na magtatrabaho sa isang


proyekto na may pre-agreed termination date o kaya'y kumukuha ng mga seasonal
employees at fixed-period employees. Ang mga empleyadong ito ay madalas na walang
matatanggap na mga benepisyo at walang seguridad sa kanilang trabaho.

2. Ang isa naman ay tinatawag na “deceptive contractorship” na kumukuha ng


manggagawa para hiranging empleyado ng kumpanya ngunit ituturing laman na
“contractor”.
Ang isang contractor ay hindi sakop ng Labor Code. Kalimitan naman na lumalabag sa
batas ang mga employer ng mga contractor dahil hindi sila binibigyan ng mga
benepisyo gaya ng SSS registration at iba pang employment benefits tulad ng mga
holiday pay, 13th month pay, atbp.

References:

http://pinoyweekly.org/new/2017/01/kontraktwalisasyon-101

http://www.anakbayan.org/pambansang-kampanya-laban-sa- kontraktwalisasyon-
ikinasa/

http://dspace.cas.upm.edu.ph/xmlui/handle/123456789/371
https://kapirasongkritika.wordpress.com/tag/kontraktwalisasyon/

https://www-manilatoday- net.cdn.ampproject.org/i/www.manilatoday.net/

https://brainly.ph/question/953257

https://brainly.ph/question/642290

You might also like