You are on page 1of 24

TAV Scripts for GLS AVP

1 | PPDD_GLS
MINIMUM WAGE

Ano ang minimum wage?

Ang minimum wage ay ang pinakamababang sahod/ na dapat bayaran ng employer


sa empleyado/ para sa walong oras na pagtatrabaho/ sa loob ng isang araw.

Ito ay tinatakda sa isang Wage Order/ na iniisyu ng Regional Tripartite Wage and
Productivity Board/ o RTWPB ng bawat rehiyon.

Generally, lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor,/ kasama ang mga


domestic workers o kasambahay,/ ay saklaw ng Wage Order.

Ngunit/ ang mga sumusunod na establishments/ ay maaaring mag-apply ng


exemption/ sa pagbabayad ng minimum wage:

Una,/ ay ang mga retail o service establishment/ na may empleyadong hindi


lalampas sa sampu.

Pangalawa,/ mga establisimyento na matinding naapektuhan/ ng likas na kalamidad/


o mga sakunang gawa ng tao.

Kung ang application ay approved,/ ang establishment ay mabibigyan ng “full


exemption”/ sa loob ng isang taon mula sa petsa ng bisa ng kasalukuyang wage
order.

Gayunpaman,/ dapat pa ring bayaran ng mga exempted establishments ang


kanilang empleyado/ ng nararapat na sahod/ sa ilalim ng pinalitan o nakaraang
Wage Order.

Paano naman ang mga Barangay Micro Business Enterprises o BMBEs? Sila ba ay
exempted mula sa coverage ng Minimum Wage Law?

Tama ka! Ang BMBEs na may valid Certificate of Authority/ na ini-issue ng Negosyo
Center ng iyong lungsod o munisipyo/ ay hindi saklaw ng Minimum Wage Law.

Bagama’t sila ay hindi saklaw ng Minimum Wage Law,/ sila ay dapat na


makakatanggap ng iba pang labor standards benefits/ gaya ng overtime pay,
thirteenth-month pay, at iba pa.

Sila rin ay entitled sa mga benepisyo na IbinIbigay ng ECC, SSS, Philhealth at Pag-
IBIG.

2 | PPDD_GLS
PREMIUM PAY

Ano ang premium pay?

Ang premium pay ay dagdag na bayad sa pagpapatrabaho sa empleyado sa araw


ng kanilang rest day o special (non-working) day.

Sinu-sino ang may karapatan sa premium pay?

Sa ilalim ng batas, lahat ng empleyado ay may karapatan sa premium pay maliban


sa:

● managerial employees o opisyales o myembro ng managerial staff


● workers who are paid by result gaya ng piece rate, pakyaw, or task basis at
iba pang non-time work
● at iba pang itinakda ng batas.

Ang supervisor ba ay may karapatan sa premium pay?

Hindi kasali ang supervisor sa managerial staff o myembro ng managerial staff’.

Magkano ang halaga ng premium pay?

Ito ay 30% ng daily basic wage ng empleyado.

Subalit, ito ay tataas ng 50% kung ang araw ng special (non-working) day ay
pumatak sa araw ng rest day at ng empleyado.

Sa taong 2023, anu-ano ang special non-working days?

Para sa taong 2023, mayroon tayong walong special non-working days at ito ay ang

Additional special non-working day na iginunita noong January 2,

EDSA People Power Revolution Anniversary na iginunita nakaraang February 25,

Black Saturday naman na igugunita itong April 8,

Ninoy Aquino Day itong August 21,

All Saints’ Day itong November 1,

at isa pang additional special non-working day na igugunita naman sa November 2,

Feast of the Immaculate Conception of Mary itong December 8, at

3 | PPDD_GLS
Last Day of the Year itong December 31, at

Paano malalaman kung ang araw ay idineklarang special (non-working) day?

Upang malaman ito, mainam na tayo ay makinig sa anunsiyo o di kaya ay bumisita


sa website www.officialgazette.gov.ph dahil dito nanggagaling ang opisyal na
anunsiyo o proclamation mula sa Office of the President kung may idineklarang
special (non-working) holiday.

4 | PPDD_GLS
OVERTIME PAY

Sa videong ito, ating alamin kung ano nga ba ang overtime pay.

Ang overtime pay ay ang karagdagang na bayad sa pagtatrabaho na lampas sa


walong (8) oras sa isang araw.

Sino-sino nga ba ang maaaring magkaroon ng overtime pay?

Karapatan ng lahat ng empleyado na magkaroon ng overtime pay maliban na


lamang sa mga sumusunod:

1. Kawani ng gobyerno

2. Mga kasambahay o mga taong naninirahan at nagbibigay serbisyong


personal sa ibang tao;

3. Mga managerial employees

4. Opisyal o miyembro ng managerial staff

5. Mga manggagawang binabayaran depende sa natapos na trabaho; at

6. Mga tauhan na regular na gumaganap ng kanilang tungkulin na malayo sa


kinaroroonan ng negosyo o sangay ng tanggapan, at hindi matiyak nang
lubusan ang aktwal na oras ng pagtatrabaho sa labas.

Magkano ang overtime pay na matatanggap para sa mga ordinaryong araw?

Dagdag na 25% sa kada oras ng trabaho na lampas sa walong oras para sa


ordinaryong araw.

Paano naman kung ang empleyado ay nagtrabaho ng lampas sa walong (8)


oras sa araw ng scheduled rest day at holiday?

Para sa overtime na ginawa sa araw ng scheduled rest day o special (Non-working)


day, at regular holiday, dagdag na 30% overtime pay base sa kanyang hourly rate
na kinita sa araw na yan.

Bilang pagtatapos ng ating video, nais naming liwanagin ang mga sumusunod:

1. Dahil ang retail and service establishments na karaniwang nag-e-empleo


ng mas mababa sa sampung empleyado ay hindi sakop sa pagbabayad
ng holiday pay tuwing sasapit ang regular holiday, sila pa rin ay
mandatory na magbayad ng dagdag na 25% overtime rate dahil ito ay
ituturing na ordinaryong araw lang para sa kanila.

5 | PPDD_GLS
2. Ang mga empleyado at kanilang employer ay maaaring magtakda ng
kanilang collective agreement para sa pagbabayad ng overtime pay na
mas mataas pa kaysa sa itinakda ng batas.

6 | PPDD_GLS
NIGHT SHIFT DIFFERENTIAL

Sa videong ito, ating alamin kung tuwing kailan nagkakaroon ng night shift
differential. Ngunit bago tayo magsimula, alamin muna natin kung anong oras
nagkakaroon ng dagdag na bayad para sa pagtatrabaho sa oras ng gabi.

Ano ba ang night shift pay? At kailan o anong oras nagkakaroon ng dagdag sa
sweldo kung nagtrabaho sa gabi?

Ang night shift pay ay ang dagdag na bayad para sa mga empleyadong
nagtatrabaho sa pagitan ng 10:00 pm at 6:00 am.

Sinu-sino nga ba ang maaaring magkaroon ng night shift differential?

Karapatan ng lahat ng empleyado na magkaroon ng night shift differential maliban


na lamang sa mga sumusunod:

1. Mga kawani sa gobyerno

2. Mga retail and service establishment na kadalasan na nag-e-empleo ng mas


mababa sa limang manggagawa

3. Mga kasambahay o mga taong naninirahan at nagbibigay serbisyong


personal sa ibang tao;

4. Mga managerial employees

5. Opisyal o miyembro ng managerial staff

6. At pang huli, mga tauhan na regular na gumaganap ng kanilang tungkulin na


malayo sa kinaroroonan ng negosyo o sangay ng tanggapan, at hindi matiyak
nang lubusan ang aktwal na oras ng pagtatrabaho sa labas.

Magkano ang night shift differential na dapat matanggap ng isang empleyado?

Dagdag na 10% na base sa kita ng empleyado sa kung nagtrabaho sa pagitan ng


10:00 p.m. at 6:00 a.m.

Paalala, ang Cost of Living Allowance o COLA ay hindi kasama sa pag-compute ng


night shift differential.

7 | PPDD_GLS
SERVICE CHARGES

Alam mo ba kung ano ang Service Charge?

Ang service charge ay halagang idinadagdag sa bill at ipinamamahagi sa mga


empleyado o service crew para sa serbisyong ginawa o ipinagtrabaho.

Alam ninyo ba kung paano makakakuha o mae-entitle ang isang empleyado sa


service charge?

Upang ma-entitle sa service charge, dapat siya ay nagtatrabaho sa isang


establisimyento na kumukulekta ng service charge, gaya ng hotel, restaurants,
resorts at mga kauri nito.

Lahat ba ay maaaring makakuha ng service charge?

Oo. Lahat ng empleyado maliban lamang sa mga managerial employees/staff na


naka-define sa batas.

Paano ipapamahagi ang Service Charges?

Lahat ng nakolektang service charges ay dapat ipamahagi ng pantay-pantay at


naaayon sa bilang ng oras o araw na naipagtrabaho ng empleyado o service crew.

Tuwing kailan ito ibinibigay?

Ang mga nakolektang service charges ay dapat na ibibigay kada ikalawang linggo o
dalawang beses sa isang buwan, na hindi maaaring lumagpas ng dalawang linggo
ang pagbibigay nito. Samakatuwid, hindi maaaring ibigay ang service charge
minsanan sa isang buwan.

Munting Paalala:

Una, ang Service Charge ay magkaiba sa tip na ibinibigay ng customer; at

Ikalawa, kung sakaling magkakaroon ng pagtaas sa sahod na itinakda ng bagong


wage order sa iba’t-ibang rehiyon, ang service charge na tinatanggap ng mga
empleyado ay hindi masasabing compliance rito.

8 | PPDD_GLS
SERVICE INCENTIVE LEAVE

Ano ang Service Incentive Leave o SIL?

Ang Service Incentive Leave ay ang limang araw na leave na may bayad na
ipinagkakaloob sa mga empleyadong nakapanilbihan sa kumpanya ng kahit isang
taon o “at least one-year of service”. ito ay maaaring gamitin bilang Sick Leave o
Vacation Leave.

Ano ang ibig sabihin ng “at least one year of service”?

Ang ibig sabihin ng “at least one year of service” ng isang empleyado ay ang
serbisyo niya sa loob ng isang taon, simula kung kailan siya na empleyo, ito man ay
tuloy-tuloy o may patlang. Kasam dito ang authorized absences,unworked paid at
regular holidays. Sa madaling salita, kahit na may patlang ang attendance sa loob
ng isang taon kung ito ay mga awtorisado, maaaring ituring pa din na kasama sa
isang taong serbisyo.

Sinu-sino ang maaaring makatanggap o ma-entitle dito?

Lahat ng empleyado maliban lamang sa mga sumusunod:

o Mga empleyadong nagtatrabaho sa gobyerno

o Mga taong nasa personal na naglilingkod sa ibang tao

o Managerial staff/employee

o Mga empleyadong hindi nasusubaybayan ng employer o Field


Personnel

o Mga empleyadong dati nang nakakatanggap ng Vacation Leave ng


kahit limang araw; at

o Mga empleyadong nagtatrabaho sa establisyemento na may hindi


lalampas sa sampu ang empleyado

Kung ito ay hindi mo nagamit, ano ang mangyayari sa SIL mo?

Kung hindi ito nagamit, maaari mong makuha ang katumbas na halaga nito batay sa
arawang sahod at bilang ng leave benefits na hindi nagamit sa loob ng 1 taon.

9 | PPDD_GLS
MATERNITY LEAVE

Ano ang maternity leave?

Ito ay benepisyo na nagpapahintulot sa buntis na empleyado na lumiban sa trabaho.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11210 o ang 105-Day Expanded Maternity


Leave Law, mas pinalawak at pinaigting ang maternity leave benefits ng mga
manggagawang Pilipino upang mabigyan ng karampatang panahon ang
babaeng manggagawa na makapagpagaling at bumalik ang kanyang dating
sigla at magampanan ang kanyang tungkulin bilang ina bago bumalik sa
trabaho.
Ilan araw ang puwedeng iliban sa trabaho?

In cases of live childbirth, 105 days ang maternity leave. Maaari itong madagdagan
ng 15 days kung ang empleyado ay isang qualified solo parent.

Subalit, kung hindi natuloy ang pagbubuntis dahil ang empleyado ay nakunan, ang
maternity leave benefit ay 60 days lamang.

Ang pagliban ay maaaring mag-umpisa ilang linggo bago ang araw ng


kapanganakan hanggang maubos ang natitirang maternity leave sa kundisyon na
ang post-natal leave ay hindi bababa sa 60 days.

Kung may load extend, ang maternity leave ay maaaring ring i-extend for additional
30 days ngunit ito ay wala nang bayad o without pay.

At kung may pasa load, ang empleyado ay may option to allocate o ipasa ang pitong
araw ng maternity leave sa kanyang asawa o partner o kaya ay sa alternate
caregiver.

Panghuli, kung may unli call and text, may unli maternity leave din dahil ang
availment ng expanded maternity leave ay maaari nang i-avail kahit ilang beses sa
bawat instance ng pagbubuntis.

10 | PPDD_GLS
PATERNITY LEAVE

STATUS:

Kung may mga benepisyo na para sa mga kababaihan, syempre meron din
para sa mga kalalakihan… ito ay ang paternity leave.

Sa ilalim ng Paternity Leave Act of 1996, ang pitong araw ng paternity leave ay
ipinagkakaloob sa lahat ng kasal na empleyadong lalake sa pribadong sector, ano
pa man ang kanilang estado bilang manggagawa mapa probationary, regular,
contractual o project basis.

Ang paternity leave ay maaari gamitin kung ang misis ng empleyadong lalake ay
nanganak o nakunan. Paalala, ang empleyadong lalake ay kasal dapat sa kanyang
misis.

Ang layunin ng paternity leave ay pahintulutan ang mister na makapagbigay suporta


sa kanyang misis habang ito ay nagpapagaling mula sa kanyang panganganak at sa
pag-aalaga ng kanilang bagong silang na sanggol.

Hanggang ilang beses pwedeng ma-avail ang paternity leave?

Ito ay maaaring i-avail ng lalakeng empleyado para lamang sa unang apat na


deliveries o panganganak ng ligal na asawa na kanyang kapisan (cohabiting).

Kailangan bang may bilang ng taon na nakapanilbihan ang empleyadong


lalake upang maka-avail ng paternity leave?

Hindi kailangan na nakapanilbihan si mister ng ilang buwan o taon. Bastat nanganak


ang kanyang misis, maaari siyang makapag-avail ng paternity leave.

Ano ba ang ibig sabihin pakikipagpisan o “cohabiting”?

Ang pakikipagpisan o “cohabiting” ay tumutukoy sa obligasyon ni mister at ni misis


na magsama sa iisang bubong.

Samakatuwid, kung hindi nagsasama sa iisang bubuong, hindi kwalipikado si


mister na makapag-avail ng paternity leave?

Hindi. Kung ang mag-asawa ay hindi pisikal na magkasama sa bahay dahil sa


trabaho o lugar na pinagtatrabahuhan, may karapatan pa rin ang lalaking empleyado
sa paternity leave.

Anu-ano ang mga kondisyon upang maging kwalipikado ang lalakeng


empleyado sa paternity leave?

Ang mga sumusunod ay dapat matugunan

11 | PPDD_GLS
Una, siya ay manggagawa sa panahon ng pagsilang ng kanyang anak;

Pangalawa, siya ay nakapisan sa kanyang asawang babae sa panahon ng


panganganak o pagkakakunan nito;

Pangatlo, siya ay nagsumite ng kanyang aplikasyon para sa paternity leave sa


employer, sa loob ng risonableng panahon mula sa inaasahang petsa ng
panganganak ng kanyang asawa, o sa loob ng panahong itinakda ng mga alituntunin
at mga regulasyon ng kumpanya, o sa pamamagitan ng collective bargaining
agreement; at

At panghuli, ang kanyang asawa ay nanganak o nakunan.

12 | PPDD_GLS
PARENTAL LEAVE

Ano ang Parental Leave for Solo Parents?

Ayon sa Republic Act No. 8972, na na-amyendan ng Republic Act No. 11861 o ang
“Expanded Solo Parents’ Welfare Act,” ang parental leave ay tumutukoy sa leave
benefits na ipinagkakaloob sa isang solo parent upang magampanan ang kaniyang
mga tungkulin bilang isang magulang.

Kung sinu-sino ang saklaw ng batas na ito ay matutunghayan sa pages 30-31 ng


2022 Handbook on Workers’ Statutory Monetary Benefits na nasa BWC Website:
bwc.gov.ph.

Ano ang benepisyong maaaring matanggap ng mga solo parents ayon sa RA


No. 11861?

Ayon sa batas na ito, ang mga solo parent ay makakatanggap ng karagdagang 7


working days na parental leave benefits, with full pay na halaga ay hindi bababa sa
kasalukuyang minimum wage. Ito ay bukod pa sa mga tinatamasa nilang leave na
nakasaad sa ating batas at mga leave benefit na binibigay ng kumpanya sa ilalim ng
company policy o CBA..

Ano ang mga kundisyon upang makapag-avail ng Solo Parent Leave?

Ang solo parent ay dapat:

1. Nakapanilbihan ng at least anim na buwang serbisyo sa establishment;


ano man ang estado sa trabaho;

2. Nagbigay abiso sa employer sa tamang panahon

3. Nag-present sa employer ng Solo Parent Identification Card

Saan makukuha ang Solo Parent Identification Card?

Ang Solo Parent Identification Card ay maaaring makuha mula sa DSWD office
mapa lungsod man o minisipyo kung saan nakatira ang empleyadong solo parent.

Maaarin bang makuha ang katumbas na halaga nito o maipon kung hindi
nagamit?

Itong parental leave ay hindi maaaring maipon o makuha ang katumbas na halaga
sakaling hindi magamit, maliban kung sa simula ay partikular na napagkasunduan.

Kailan naman hindi maibibigay ang parental leave benefits?

13 | PPDD_GLS
Ang isang pagbabago sa katayuan o kalagayan ng mga magulang na nagke-claim
nang parental leave benefits, halimbawa na dito ang pag-aasawang muli ng solo
parent, ay hindi na maaaring makapag-avail ng ganitong benepisyo.

May proteksiyon ba laban sa diskriminasyon sa trabaho ang mga solo


parents?

Oo. Walang kahit sinumang employer ang maaaring makitaan nang kaibahan sa
pagtrato laban sa sinumang solo parents na empleyado.

14 | PPDD_GLS
LEAVE FOR VAWC

Ano ang VAWC?

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children, o ang VAWC, ayon sa RA
No. 9262 , ay tumutukoy sa karahasan na maaaring gawin ng isang tao sa kaniyang
asawa, o kinakasamang babae, o dating karelasyon o maging sa kanyang anak na
maaaring magresulta sa pisikal, sekswal, o phychological na pananakit o pagdurusa.

Ano ang benefits na maaaring makuha mula sa RA NO. 9262 ng mga


kababaihan?

Maaaring makatanggap ang mga mag-aavail ng leave na ito ng hanggang 10 araw


na VAWC leave benefit

Ang VAWC leave ba ay limitado lamang sa 10 araw?

Hindi. Ito ay maaaring lumagpas pa sa 10 araw depende sa nakapaloob sa


sertipikasyon ng Barangay o ng Korte..

Para sa anong paraan ito maaaring gamitin?

Ito ay maaaring gamitin upang matugunan ang kanilang mga legal o medical
concerns.

Sino ang maaaring mag-avail ng VAWC Leave?

Ito ay para sa mga babaeng empleyado na biktima ng karahasan mula sa kanilang


asawa, kinakasama o dating karelasyon, maging sa kanyang anak..

Ano ang mga kinakailangan upang magamit ang VAWC Leave?

Kinakailangan lamang i-presenta ng victim-employee sa kaniyang employer ang


sertipikasyon na mula sa Punong Barangay o Kagawad o maging sa Korte bilang
patunay na may kasong naisampa at kasalukuyan itong nililitis.

Maaari ba itong i-convert sa cash kung hindi magagamit ng empleyado?

Hindi. Ito ay hindi maaaring i-convert sa cash kung sakaling hindi ito magamit ng
empleyado at hindi rin ito maaaring maipon.

15 | PPDD_GLS
SPECIAL LEAVE FOR WOMEN (SLB)

Ano ang special leave benefits for women?

Ito ay dalawang buwang special leave benefits na maaaring gamitin ng


empleyadong babae, anuman ang kanyang edad or civil status at naoperahan dahil
sa gynecological disorder.

Ano naman ang ibig sabihin ng gynecological disorder?

Ang gynecological disorder ay isang disorder na nangangailangan ng surgical


procedures gaya ng raspa, at mga bagay na may kinalaman sa reproductive organs
ng mga kababaihan at sinertipikahan ng isang competent physician. Kasama rin dito
ang hysterectomy, ovariectomy at mastectomy.

Ano ang batas na sumasakop dito?

Ang Republic Act No. 9710 o kilala din sa tawag na Magna carta of Women ay isang
batas para sa proteksyon ng karapatang pantao ng mga kababaihang Pilipino at
naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasyon, lalo na sa mga
kababaihan na marginalized o mga babae na bahagi ng mga sektor na hindi
nabibigyan ng wastong representasyon sa lipunan.

Anu-ano ang mga requirements upang makapag-avail ng special leave


benefits?

1. Mga babaeng empleyado na nakapanilbihan sa kumpanya ng kahit 6 na


buwan sa loob ng 12 buwan, tuloy-tuloy man o hindi, bago maganap ang
operasyon

2. Siya ay nakapagbigay ng notice sa employer nang may sapat na panahon


bago siya operahan o naaayon sa patakaran ng kumpanya o CBA; at

3. Siya ay na-operahan dahil sa gynecological disorder na may sertipikasyon


mula sa competent physician.

Paano kung mag extend ang empleyadong babae ng mahigit 2 buwang leave?

Kung sakaling lalampas sa 2 buwan ang recuperation period, maaari niyang gamitin
ang leave benefits na binibigay ng kumpanya sa ilalim ng company policy o CBA,
kung meron man. Ngunit kung wala, maaaring “No work, no pay” ito para sa
extended leave.

16 | PPDD_GLS
13TH MONTH PAY

Sa pagsapit ng mga ber months ang bukang bibig ng mga empleyado ang
inaasahang taunang 13th month pay.

Ano nga ba ang 13th month pay?

Ang 13th month pay ay isang uri ng benepisyo na ibinibigay sa mga rank-and-file
employees kahit ano pa man ang stado niya sa trabaho o ano mang paraan ang
pagpapasahod sa kanya basta’t nakapagtrabaho siya ng kahit isang buwan lamang
sa loob ng isang taon sa isang establishment.

Anong batas ang nagsasabing dapat magbigay ng 13th month pay ang
employer?

Ito ay base sa Presidential Decree No. 851 o ang Thirteenth-Month Pay Law. Bukod
dito, ang Department of Labor and Employment o DOLE ay nagpalabas din ng
Guidelines ukol dito na may pamagat na “Revised Guidelines on the Implementation
of 13th Month Pay Law”. Dagdag pa rito, taun-taon ay nagpapalabas din ng Labor
Advisory ang DOLE para sa kaalaman at maipaalala sa mga employer na dapat na
silang magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Kailan ibinibigay ang 13th month pay?

Ito ay ibinibigay sa mga empleyado bago o pagsapit ng ika-dalawamput apat ng


Disyembre bawa’t taon.

Magkano ang dapat kong matanggap na 13th month pay?

Ang kaukulang halaga na dapat matanggap ng mga empleyado para sa kanilang


13th month pay ay base sa kanilang basic pay na kinita sa buong isang taon divided
by 12 months. Samakatuwid, ang 13th month pay ng isang empleyado ay hindi
maaaring katumbas ng kanyang buwanang sahod dahil kung may absences siya sa
loob ng isang taon hindi magiging buo ang halaga ng 13th month pay. Ito ang
tinatawag na pro-rated 13th month pay.

Makakatanggap ba ng 13th month pay ang mga resigned or separated


employee?

Oo. Ang isang empleyado na nag resign o natanggal sa trabaho, anuman ang
naging dahilan ng pagkakatanggal, ay maaaring makakuha ng pro-rated 13th month
pay.

Tandaan: Ang bawat establishment ay dapat mag-submit ng 13th month pay report
sa DOLE. Ang ating submission process ay ginawang online at accessible para sa
lahat. Pumunta lamang sa website ns reports.dole.gov.ph.

17 | PPDD_GLS
SEPARATION PAY

Ano ang separation pay?


Ang separation pay ay ang karagdagang bayad na maaaring matanggap ng
empleyado sa huling araw ng kanyang pagtatrabaho sa establishemento.

Kung ang empleyado ay boluntaryong nagresign sa trabaho hindi siya


makatatanggap ng separation pay.

Tanging ang mga natanggal dahil sa awtorisadong kadahilanan lamang ang


makatatanggap ng benepisyong ito.

Ayon sa batas ang halaga ng separation pay na matatanggap ng empleyado ay


maaaring katumbas ng kalahating-buwan o isang buwang sahod kada taon sa
serbisyo o year of service.

Ang six (6) months employment period ay kinokonsidera ng batas/ na equivalent sa


one (1) year of employment.

Ang empleyado ay maaaring makatanggap ng separation pay na katumbas ng


kabuuang halaga ng kanyang isang buwang sahod o kalahating buwang sahod for
every year of service kung ang terminasyon ay dahil sa sumusunod
1. pagbabawas ng mangagawa para makaiwas sa pagkalugi
2. kusang pagsasara ng negosyo at
3. kung ang manggagawa ay napag-alamang may sakit na hindi mapagagaling
sa loob ng anim (6) na buwanat ang patuloy na pagtatrabaho ay makasasama
sa kanyang kalusugan at mga kapwa manggagawa

Sa kabilang-banda, ang empleyado naman ay maaaring makatanggap ng separation


pay na katumbas ng kabuuang halaga ng kanyang isang buwang sahod for every
year of service kung ang terminasyon naman ay dahil sa sumusunod

4. paglalagay ng labor-saving devices at


5. labis na posisyon o redundancy

Paalala, ang separation pay ay dapat bayaran ng employer sa loob ng tatlumpung


araw from the date of termination.

18 | PPDD_GLS
HOLIDAY PAY

Sa videong ito, ating alamin kung ano nga ba ang holiday pay.

Ang holiday pay ay tumutukoy sa pagbabayad ng arawang sahod para sa sinumang


hindi nagtrabaho sa araw ng regular holiday. Sa madaling salita, kahit hindi
nagtrabaho sa araw ng regular holiday, ito ay may bayad.

May mga katanungan na automatic daw ba na kapag hindi pumasok sa araw


ng regular holiday, ito ay mababayaran?

Hindi. Ang kondisyon dito ay dapat ang empleyado ay pumasok o di kaya ay nag
leave of absence with pay bago sumapit ang regular holiday upang mabayaran ng
holiday pay..

Kung umabsent naman ang empleyado ng walang bayad sa araw bago


sumapit ang regular holiday ngunit nagtrabaho naman ng araw mismo ng
regular holiday, mababayaran ba ng double pay sa araw na ito?

Oo. Ang sinasabi ng batas ay kapag nagtrabaho ng regular holiday, ang empleyado
ay ma-e-entitle sa double pay.

Sinu-sino ang makakatanggap ng holiday pay?

Lahat ng empleyado maliban sa mga sumusunod:

1. Kawani ng gobyerno

2. Mga establishment na may mas mababa sa sampung manggagawa

3. Mga kasambahay o mga taong naninirahan at nagbibigay ng serbisyong


personal sa ibang tao

4. Mga managerial employees

5. Opisyal o miyembro ng managerial staff

6. Mga tauhan na regular na gumaganap ng kanilang tungkulin na malayo sa


kinaroroonan ng negosyo o sangay ng tanggapan, at hindi matiyak nang
lubusan ang aktwal na oras ng pagtatrabaho sa labas

Nilagyan ko ng highlight ang #2 sa itaas, dahil kung ang establishments ay nag-e-


empleo ng mas mababa sa 10 ang bilang ng empleyado, ang naturang
establishment ay hindi na saklaw ng batas na ito.

19 | PPDD_GLS
Kung pumasok sa araw ng regular holiday, magkano naman ang holiday pay?

Kung hindi pumasok sa araw ng regular holiday, ang empleyado ay entitled sa 100%
ng kanyang isang arawang sahod. At double pay naman o 200% kung siya ay
nagtrabaho sa mismong araw ng regular holiday.

20 | PPDD_GLS
SERVICE INCENTIVE LEAVE

Mayroon ka bang ideya kung ano ang Service Incentive Leave o SIL?

Ang Service Incentive Leave ay ang limang araw na leave na may bayad na
ipinagkakaloob sa mga empleyadong nakapanilbihan sa kumpanya ng kahit isang
taon o “at least one-year of service”.

Ano ang ibig sabihin ng “at least one year of service”? Kailangan bang
deretsong 1 taon attendance mo sa establisment?

Ang ibig sabihin ng “at least one year of service” ng isang empleyado ay ang
serbisyo niya sa loob ng 12 buwan, ito man ay tuloy-tuloy o may patlang na
magsisimula kung kailan siya na empleyo sa establishment, kasama dito ang
authorized absences, unworked paid regular holidays at authorized absences. .Sa
madaling salita, kahit na may patlang ang attendance mo sa loob ng 1 taon kung ito
ay mga awtorisado, maaaring ituring pa din na kasama sa 1 taong serbisyo mo.

Sinu-sino ang maaaring makatanggap o ma-entitle dito?

Lahat ng empleyado maliban lamang sa mga sumusunod:

o Mga empleyadong nagtatrabaho sa gobyerno

o Mga taong nasa personal na naglilingkod sa ibang tao

o Managerial staff/employee

o Field personnel na ang kanilang ginagampanang trabaho ay hindi


nasusubaybayan ng employer;

o mga establishment na dati nang nagbibigay ng vacation leave na kahit


man lang 5 araw; at

o Mga establishment na kadalasan ay may hindi lalampas sa sampu ang


bilang ng empleyado

Tuwing kailan mo ito pwedeng magamit?

Kung ang establishment na pinapasukan mo ay saklaw ng batas na ito, ang


employer ay dapat magbigay ng ganitong benefits upang magamit mo kung ikaw ay
magkakasakit o di kaya naman ay magbabakasyon.

Kung ito ay hindi mo nagamit, ano ang mangyayari sa SIL mo?

21 | PPDD_GLS
Kung hindi ito nagamit, maaari mong makuha ang katumbas na halaga nito batay sa
bilang ng leave benefits na hindi nagamit sa loob ng 1 taon.

22 | PPDD_GLS
RETIREMENT PAY

Ano ang retirement pay?

Ito ang tawag sa benepisyo na matatanggap mula sa employer ng empleyado sa


sandaling umabot ito sa edad na animnapung (60) taon hanggang animnapu’t-
limang (65) taong gulang at nakapagserbisyo na sa establisimyento nang hindi
bababa sa limang (5) taon.

Para sa pagkuwenta ng retirement pay, narito ang formula:

Retirement pay = 22.5 days i-multiply ito sa arawang sahod at i-multiply muli sa
bilang ng taon sa serbisyo

Marahil ay nagtataka kayo kung paano nakuha ang 22.5 days na nasa formula.

Upang mas ipaliwanag ang pagkuwenta nito, ang tinutukoy na 22.5 days ay binubuo
ng mga sumusunod:

1. Kabuuang sahod sa loob ng labinlimang araw base sa latest salary rate ng


empleyado

2. Cash equivalent o katumbas na halaga ng limang araw na service incentive


leave at

3. One-twelfth (1/12) o katumbas ng 2.5 days na thirteenth-month pay.

Sa madaling salita, 15+5+2.5 = 22.5 days.

Ang hindi kabilang sa nasasaklaw ng benepisyong ito ay ang sumusunod:

1. Una, mga manggagawa ng pamahalaan; at

2. Pangalawa, mga manggagawa na nagtatrabaho sa retail, service, at


agricultural na establisimyento na may hindi lalampas sa sampung (10)
manggagawa ang nagtatrabaho o kilala rin sa tawag na micro establishments.

23 | PPDD_GLS
CLOSING

Para sa karagdagang impormasyon, maaari ninyong i-download ang Handbook on


Workers’ Statutory Monetary Benefits sa www.bwc.dole.gov.ph

At kung kayo ay may iba pang katanungan, maaari kayong tumawag sa aming
Hotline sa numerong 1349 o dumulog sa pinakamalapit na DOLE Office sa inyong
lugar.

24 | PPDD_GLS

You might also like