You are on page 1of 14

Convention on the Elimination of all forms of Di

scrimination Against Women


LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga
sumusunod mong kaalaman:

Naipapaliwanag ang layunin ng Convention on the Elimination of All Forms


of Discrimination Against Women ukol sa diskriminasyon sa kababaihan;

Natutukoy ang epekto pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa


CEDAW bilang tugon sa isyu ng karahasan at diskriminasyon at

Napapahalagahan ang iba pang karapatan ng kababaihan sa


pamamagitan ng pagbuo ng mind map.
Convention on the Elimination of all Forms of
Discrimination Against Women

Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women

Kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang


United Nations Treaty for the Rights of Women

kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan


na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng
Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansa ang
nagratipika. Umaabot sa 180 na bansa mula sa 191 na
lumagda o State parties noong Marso 2005.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang
diskriminasyon sa mga kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.


Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong sa buhay ng kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. May mga responsibilidad ang
estado sa kababaihan na kailanmay hindi nito maaaring bawiin.

3. Ipagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang umaagrabyado sa Kababaihan.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
Karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayon din ng mga pribadong indibidwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultural at tradisyon sa pagpigil ng


karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang
mga stereotype kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa mga babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika
ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang State Parties ay inaasahang:

ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;


ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay
ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya
ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang,
kondisyon at karampatang aksiyon; at
gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan
Kar a p at a n n g K a b a b a ih a n
sa Lipunang Pilipino
Karapatang
Makaboto
Karapatang manatiling mamamayan ng Pilipinas kahit
na nakapag-asawa ng dayuhan maliban lamang kung
kanyang itatakwil ang kanyang pagkamamamayan.
Karapatang
makapagtrabaho
Karapatang
makapag-aral
Karapatang magplano
ng pamilya
Karapatang pangalagaan
ang mga anak
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like