You are on page 1of 2

awit 51:1

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,


sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko'y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

2 Linisin mo sana ang aking karumhan,


at patawarin mo'ng aking kasalanan!

3 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,


di ko malilimutan, laging alaala.
4 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;
kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,
marapat na ako'y iyong parusahan.
5 Ako'y masama na buhat nang isilang,
makasalanan na nang ako'y iluwal.

6 Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;


puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasan
at ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8 Sa galak at tuwa ako ay puspusin;
butong nanghihina'y muling palakasin.
9 Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,
lahat kong nagawang masama'y pawiin.

10 Isang pusong tapat sa aki'y likhain,


bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

WALKING IN THE BLESSED LIGHT

Lumakad sa liwanag ng pag-ibig, taglayin ang t’wa sa puso’t dibdib;


Kay Jesus patulong hanggang masapit ang hahantungang langit.

Koro:
Hayo’t lakbayin ang matataas na salungahin,
Tulong ni Jesus ay laging sa sa atin. AMEN.

Bagaman ang kutya ng sanglibutan, nagkalat sa mga dadaanan;


H’wag nang matakot tayo’y sasamahan ni Jesus na marangal.

Lisan ang mga gawang kasalanan, at magpumilit sa kabanalan;


Gawing isapuso ang mag-ibigan, ang kay Jesus na aral.

Lakarin nga natin ng buong galak, ang lakbaying ngayo’y hinaharap;


Dalhin ang bandila ng pagkaligtas, magpahanggang sa wakas.
SAVIOUR, LIKE A SHEPHERD LEAD US

Pastor Kang aming patnugot, pag-iingat Mo’y lubos;


Ikaw nga ang nagdudulot, ng tahanang malugod;
Mapagpala naming Jesus sa tanan ay tumubos. (2x)

Kami ngayo’y alagaan, sapagkat iyong tunay;


Kaya’t sa tunay na daan itungo kung maligaw.
Mapagpala naming Jesus dinggin ang aming luhog. (2x)

Ang pangako Mo ay pala, kahit masalang lubha;


Ikaw sa ami’y maawa, iligtas sa dalita.
Mapagpala naming Jesus, lingapin ang may lunos. (2x)

At nang dagling matutuhan, Banal Mong kalooban;


Ang biyaya ay pakamtan sa nangangailangan.
Mapagpala naming Jesus, lingapin ang may lunos. (2x)

You might also like