You are on page 1of 7

“RADYO BALITA”

15 MINUTE NEWS BROADCAST


STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 1

RADIO BROADCASTING SCRIPT

STATION ID: STES TAGAPAGHATID NG MGA NAGBABAGANG BALITA, WALANG


KINIKILINGAN TANGING SA KATOTOHANAN LAMANG, ITO ANG STES RADYO NG KAMPEON.
STES, 361 SA PALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO.

VOICE: MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN, HIMPILAN AT SANDIGAN NG BAYAN, ITO


ANG STES 361!

ANCHOR: MGA NAGBABAGANG BALITA MULA SA LOOB LABAS NG BANSA.

*STINGER*

ANCHOR: MGA ISYUNG TINUTUTUKAN AT SINUSUBAYBAYAN. LAHAT NG ITO KASABAY MGA


TANONG NG SAMBAYANAN AY LULUTASIN NAMIN SA LOOB NG LABING LIMANG MINUTONG
PAGLALAHAD.

VOICE: STES 361 RADYO NG KAMPEON.

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: MAGANDANG ARAW PILIPINAS! MAGANDANG ARAW LUNGSOD NG


CARRASCAL! ARAW NG LUNES, IKA-4 NG MARSO, DALAWANG LIBO’T DAWALANG PUT APAT.
MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN NG STES 361 ITO PO SI TRISHA APORADOR PARA SA
RADYO NG KAMPEON.

*MUSIC FADE UP*

ANCHOR: SA ULO NG MGA NAGBABAGANG BALITA.

*STINGER*

ANCHOR: MAHIGIT APAT NA PU NA PATAY SA SUMIKLAB NA SUNOG SA ISANG


RESTAURANT SA BANGLADESH.

*STINGER*

ANCHOR 2: NFA RICE IBINENTA NG PALUGI, SISILIPIN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE.

*STINGER*

ANCHOR: CARRASCAL SUMALI SA BANSA SA PAGDIRIWANG NG IKA-DALAWANG PUNG


NATIONAL DENTAL HEALTH MONTH.
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 4
*STINGER*

ANCHOR 2: JESSY MENDIOLA DYOSA SA KANYANG WEDDING GOWN.

*STINGER*

ANCHOR: AT NGAYON PARA SA MGA DETALYE.

*STINGER*

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: MAHIGIT APAT NA PU NA PATAY SA SUMIKLAB NA SUNOG SA ISANG RESTAURANT


SA BANGLADESH.
Aabot sa apat na put apat na mga indibidwal ang napaulat na nasawi habang dose-dosena
naman ang sugatan sa sumiklab na sunog sa isang pitong palapag na gusali sa Bangladeshi
capital na Dhaka.
Ayon sa Health Minister ng Bangladesh na si Samanta Lal Sen, nasa apat na put tatlo indibidwal
ang dead on the spot mula sa nasabing sunog, habang mayroon pang isang biktima ang na
pagamutan na binawian ng buhay.
Bukod dito ay iniulat din ng naturang opisyal na aabot din sa apat na pu katao ang sugatan
nang dahil pa rin sa naturang insident at kasalukuyan na ngayong nagpapagaling sa ospital,
habang nasa pitong put lima katao naman ang nasagip ng mga otoridad.
Samantala, batay sa inisyal na imbestibasyon ng mga otoridad, nagsimula ang sunog sa
sumiklab na biriyani restaurant Dhaka’s Bailey Road na kalauna’y kumalat pa sa mga palapag
ng gusali dahilan naman kung bakit hindi agad na nakalabas ang biktima.
Ayon sa mga otoridad posibleng pagsabog ng gas cylinders na ginagamit sa naturang
restaurant ang pinagmulan ng nangyaring sunog, ngunit gayunpaman ay nagpapatuloy pa rin
ang kanilang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente.

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: SAMANTALA, NFA RICE IBINENTA NG PALUGI, SISILIPIN NG DEPARTMENT OF


AGRICULTURE.

ANCHOR 2: Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang malawakang
imbestigasyon sa umano’y pagbebenta ng National Food Authority (NFA) ng libong toneladang
NFA rice sa isang negosyante na sobrang baba ng presyo at lugi ang gobyerno.
Bumuo na si Laurel ng panel of investigators para imbestigahan ang alegasyon na ilang opisyal
ng NHA ang nagbigay permiso sa bentahan ng milled rice na nakaimbak sa NFA warehouse sa
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 3
halagang P25 kada kilo nang walang bidding at makaraang mabili ang palay sa halagang P23
per kilo.
“We do not brush aside reports of impropriety against officials of the Department of
Agriculture, regardless of the source. We also welcome any government agency who may wish
to conduct their own probe to ferret out the truth,” sabi ni Laurel.
“We are custodians of government funds—monies to be spent for the benefit of Filipinos,
especially farmers and fisherfolk. Taxpayers’ money shouldn’t be squandered to line
anybody’s pockets,” dagdag ng Kalihim.
Ani Laurel, ilang dekada rin na napabayaan ang mga magsasaka at mangingisda dahil sa
kapabayaan ng ilang opisyal na matingnan ang kanilang kapakanan sa halip ay nagpapayaman
gamit ang kanilang puwesto.
“Those who profit at the expense of farmers and fisherfolk as well as Filipino consumers
should be meted the harshest pe-nalty under the law,” dagdag niya.

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: MAGBABALIK ANG RADYO NG KAMPEON PAGKATAPOS NG PAALALANG ITO.

VOICE: STES PHILIPPINES, RADYO NG KAMPEON!

*INFOMERCIAL MUSIC*
Maria: Clara, kamusta ka? Mayroon akong exciting na balita! Nag-discover ako ng isang
magandang beach resort sa Carrascal. Tara na at samahan mo ako sa isang nakakamanghang
paglalakbay sa Candido White Beach Resort!
Clara: Talaga? Ano ba ang espesyal sa Candido White Beach Resort?
Maria: Sa Candido White Beach Resort, makakaranas tayo ng isang kahanga-hangang
karanasan sa isang malinis at magandang beach. Ang puting buhangin, malinaw na tubig, at
mapayapang paligid ay tiyak na magbibigay sa atin ng kasiyahan at katahimikan.
Clara: Wow, parang ang sarap mag-relax at mag-enjoy ng mga tanawin doon. Pero may iba pa
bang pwedeng gawin?
Maria: Oo, meron! Hindi lang pagpapahinga ang inaalok ng Candido White Beach Resort.
Maraming aktibidad na pwede nating subukan doon! Pwede tayong mag-swimming, mag-
snorkeling, o maglaro ng beach volleyball. Para sa mga adventurous naman, pwede tayong
mag-kayaking o mag-jet ski!
Clara: Grabe, ang daming pagpipilian! Siguradong hindi tayo mauubusan ng mga bagay na
pwedeng gawin.
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 4
Maria: Huwag kang mag-alala, Clara. May mga magagandang cottage sa Candido White Beach
Resort na naghihintay sa atin. Siguradong magiging kumportable ang ating stay doon.
Clara: Tara na, Maria! Hindi ko na mapigilan ang excitement ko. Tara na sa Candido White
Beach Resort sa Carrascal!
Maria: Oo nga, Clara! Tara na, samahan mo ako at gawin nating memorable ang ating bakasyon
sa Candido White Beach Resort!

VOICE OVER:
Anchor 2: Sa Candido White Beach Resort, makakaranas tayo ng kahanga-hangang
karanasan sa isang malinis at magandang beach. Mula sa puting buhangin, malinaw na
tubig, at mapayapang paligid, ito ang perpektong lugar para sa relaxation at pagsasama-
sama ng pamilya at mga kaibigan. Hindi lang iyon, marami rin tayong pwedeng gawin tulad
ng swimming, snorkeling, beach volleyball, at iba pa! Hindi mo dapat palampasin ang
pagkakataon na ma-experience ang Candido White Beach Resort sa Carrascal. Tara na at
magsimula ng mga alaala na hindi malilimutan!

VOICE: STES PHILIPPINES, RADYO NG KAMPEON!

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: AT MULING NAGBABALIK ANG STES 361, RADYO NG KAMPEON!

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: CARRASCAL SUMALI SA BANSA SA PAGDIRIWANG NG IKA-DALAWANG PUNG


NATIONAL DENTAL HEALTH MONTH. IYAN AY TINUTUTUKAN NI HUMPHREY PAAS.

*STINGER*

NP: Ang Munisipalidad ng Carrascal sa pamumuno ni Hon. Inatasan ni Mayor Vicente H.


Pimentel, III sa pamamagitan ng Municipal Health Office, ang bansa sa pagdiriwang ng
National Dental Health Month 2024 na may temang "DOH-8 Natin! Vision 7020 Oplan Iwas
Bungal". Alinsunod sa Proclamation No. 599 ng 2004, ang pambansang pagdiriwang ay
naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng mabuting kalusugan sa
bibig at pagyamanin ang kultura ng malusog na ngiti sa mga Pilipino. Sa pagdiriwang,
ipinamahagi ang mga dental kits sa mga mag-aaral mula sa Carrascal National High School at
sa mga kinikilalang Olly Fit Children mula sa Child Development Centers ng Brgy. Gamuton at
Brgy. Adlay na nakatanggap din ng food packs at vitamins. Sabay-sabay na isinagawa ang
libreng dental health services tulad ng tooth extraction, pit at fissure sealants at symposium
on oral hygiene sa pamamagitan ng partisipasyon ng mga dentista mula sa iba pang
munisipalidad ng lalawigan.

*STINGER*
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 3
ANCHOR: MAGBABALIK ANG RADYO NG KAMPEON PAGKATAPOS NG BAHAGING ITO.

Segue to drama
Drama music
PAMAGAT: "Pagkakaibigan na Nagtatraydoran."
(Scene: Isang kapihan. Nagkakasama sina Alex, Bianca, at Carlos habang nagkukwentuhan.)
Alex: (Nag-aabang ng kape) Ang tagal naman ng order ko. Sana masarap ang kape dito.
Bianca: (Ngumiti) Alex, mayroon akong isang sikreto na kailangan kong ibahagi sa iyo.
Alex: (Nagulat) Talaga? Ano 'yun, Bianca?
Bianca: Alam mo ba 'yung promotion na inaasam-asam ni Carlos sa trabaho? Sa totoo lang,
may isa pang kandidato na mas malapit sa boss natin.
Alex: (Nagdududa) Bakit hindi mo sinabi sa kanya? Hindi ba't dapat malaman nya yon?
Bianca: (Ngumiti ng kahina-hinala) Gusto ko lang protektahan siya. Alam mo naman kung
gaano siya kahusay sa trabaho, baka hindi niya tanggapin ang katotohanan.
Alex: (Nagkunwaring nag-aalinlangan) Pero hindi ba't mas maganda na sabihin mo sa kanya
ang totoo? Kailangan niya ng desisyon na galing sa kanya mismo.
Bianca: (Napapikit) Alam mo, Alex, hindi mo talaga maiintindihan ang sitwasyon ko. Hindi mo
alam kung gaano ko siya kamahal.
Alex: (Nagpatigil) Bianca, hindi ito tungkol sa pagmamahal. Ito ay tungkol sa pagiging tapat
sa ating mga kaibigan. Kailangan mong sabihin sa kanya ang totoo.
Bianca: (Nag-aalinlangan) Pero...
Carlos: (Biglang dumating ang kape) Ano'ng pinag-uusapan ninyo?
Alex: (Tumingin kay Bianca) Bianca, sabihin mo sa kanya ang totoo.
Bianca: (Napapailing) Carlos, mayroon akong isang sikreto na kailangan kong sabihin sa iyo.
Alam mo 'yung promotion na inaasam-asam mo sa trabaho? May isa pang kandidato na mas
malapit sa boss natin.
Carlos: (Nagulat) Talaga? Bakit hindi mo sinabi sa akin, Bianca?
Bianca: (Ngumiti ng kahina-hinala) Gusto ko lang protektahan ka. Alam mo naman kung
gaano ka kahusay sa trabaho, baka hindi mo tanggapin ang katotohanan.
Alex: (Nag-isip ng sandali) Pero hindi ba't mas mahalaga na maging tapat sa ating mga
kaibigan? Hindi natin dapat silang itagoan ng katotohanan.
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 4
Carlos: (Nag-isip ng sandali) Bianca, mas mahalaga sa akin na sabihin mo sa akin ang totoo.
Kailangan ko ng desisyon na galing sa akin mismo.
Bianca: (Napapaluha) Carlos, pinili ko na protektahan ka. Pero tama ang sinabi ni Alex, hindi
ito tamang gawin. Dapat sinabi ko sa'yo ang totoo.
Alex: (Ngumiti rin) Tama ka, Carlos. Ang pagkakaibigan natin ay higit pa sa anumang sikreto o
pag-aambisyon. Ito ay tungkol sa pagtanggap, pagmamahal, at pagiging tapat sa isa't isa.
ABANGAN:
Sa mga susunod na kabanata, anong mangyayari sa kanilang tatlo? Aamin naba si alex sa
kanyang sikreto? Matutupad ba nila ang kanilang mga pangarap? Abangan sa susunod na
kabanata ng "Pagkakaibigan na Nagtatraydoran."

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: Muling nagbabalik ang Radyo ng Kampeon!

TIME CHECK BEEP*

ANG ORAS NATIN NGAYON AY ALAS ___ NG UMAGA.

VOICE: STES PHILIPPINES, RADYO NG KAMPEON!

*CHIKA MINUTE MUSIC*

ANCHOR: BALIK SA MGA BALITA, Jessy Mendiola diosa sa kanyang wedding gown??
KATHRYN JULIA JAMERO FOR SHOWBIZ HAPPENINGS.

ANCHOR 2: Maladyosa ang kagandahang ipinakita ni Jessy Mendiola nang mag-photo


shoot gamit ang kanyang mga wedding gowns na nilikha ni Patricia Santos para sa kanyang
church and beach ceremonies sa Club Paradise sa Coron, Palawan. Hindi naman kagulat-
gulat dahil ang kagandahang ito ang umakit sa pihikang puso ng kanyang hubby na si Luis
Manzano. Ang church wedding na isinagawa noong February 15, 2024 ay dinaluhan ng
buong pamilya ng mga Santos-Recto, Manzano, at Mendiola. Bakit naman hindi, e tanggap
na tanggap naman nila si Jessy, lalo pa ay mayroon na silang napakagandang baby – si Baby
Peanut – na kamukhang kamukha ng “Star for all seasons” na si Vilma Santos-Recto, Nanay
ni Luis. At kung naroon si Vilma, natural lang na naroon din si Ryan Recto at Ralph Recto.
Syempre, naroon din si Edu Manzano. Pinili nina Jessie at Luis ang Palawan para sa kanilang
church wedding halos dalawang taon matapos ang kanilang civil wedding na ginanap naman
noong April 2021. Ginanap ang seremonya sa Our Lady of Guadalupe Chapel sa nasabing
exclusive island resort. Bago ang araw ng kasal, nag- prenup shoot muna ang mag-asawa sa
beach, kung saan nagmukha talagang diyosa ng karagatan si Jessy, minus the fishtail.
Congratulations sa newly wed couple. Muli, ako po si Kathryn Jamero for showbiz
happening. Balik sa inyo.
“RADYO BALITA”
15 MINUTE NEWS BROADCAST
STES 36.1
MARCH 4, 2024

Page | 3
*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*
Segment: Kantahan ng bayan
MUSIC
DJ: Magandang hapon sa ating mga tagapakinig! Narito na naman tayo sa ating segment na
pinamagatang "Kantahan ng Bayan." Ito ang oras kung saan ating pinapakinggan ang inyong
mga hiling at kahilingan sa pamamagitan ng mga kantang inyong ini-request. Kaya tawag na
at ipahayag ang inyong mga paboritong kanta!
Caller: (excitedly) Hello DJ! Puwede po bang mag-request ng isang kantang magpapaalala sa
aking first love?
DJ: Oo naman! Anong kanta ang nais mong marinig ngayon?
Caller: Gusto ko sana i-dedicate ang kantang "Harana" ng Parokya ni Edgar sa kanya. Ito ang
kantang lagi naming pinakikinggan noon.

DJ: Napakagandang pagpili mo! Isang kantang puno ng pagmamahal at alaala. Narito ang
"Harana" ng Parokya ni Edgar, dedicated sa iyong first love. Enjoy!
[DJ plays the song]
Caller: (nostalgic) Maraming salamat po, DJ! Sa pamamagitan ng kantang ito, sana
maiparating ko sa kanya ang mga salitang hindi ko nasabi noon. Mabuhay po kayo!
DJ: Walang anuman! Ito ang tunay na layunin ng "Kantahan ng Bayan" - ang maghatid ng
mga alaala at emosyon sa ating mga tagapakinig. Maraming salamat sa pagtawag at
pagbahagi ng iyong kwento. Hanggang sa susunod na kantahan!
[DJ fades out with background music]

*THEME MUSIC FADE UP ESTAB...FADE UP UNDER FOR*

ANCHOR: MULA SA BUONG PWERSA NG STES, IYAN PO ANG MGA BALITA SA ORAS NA
ITO, AKO SI TRISHA APORADOR MARAMING SALAMAT SA IYONG PAGSUBAYBAY.
MAGANDANG ARAW PILIPINAS.

*THEME MUSIC FADE OUT*

You might also like