You are on page 1of 10

CORE GATEWAY COLLEGE

Maharlika Highway Corner Cardenas St.


San Jose City, Nueva Ecija 3121
Tel No: 044 511 – 1609; Tel/Fax No: 044 940 – 3154

TEACHER EDUCATION PROGRAM

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan VI

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 50-minutong talakayan sa paksa, 80% na mga mag-aaral sa ikaanim na
baitang ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod na may 80% antas ng tagumpay.
a) Nakikilala ang kababaihan na nakikisa sa mga gawain sa rebolusyon
b) Nalalaman ang mga ginawa ng kababaihan sa ating kasaysayan; at
c) Naiisa-isa ang mga ambag ng mga kababaihang bayani noong rebolusyon
d) Napahahalagahan ang mga ambag ng kababaihan sa pag siklab ng rebolusyon.

Pagpapahalaga

Pagtulong sa Kapwa

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.


Sanggunian: Araling Panlipunan Quarter-1 Week-4 Bigkis ng Lahi 6 Partisipasyon ng
mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino pp. 57-61.

Kagamitan: Cut out pictures, Powerpoint, Laptop, Activity sheets, Puzzles.

Estratehiya: Collaborative Learning

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin

Mga bata, magsitayo ang lahat para sa (Ang mga bata ay sabay-sabay at taimtim na
panalangin na pangungunahan ni magdadasal.)
Lebron.

2. Pagbati

Magandang Umaga!

Magandang Umaga din po, Titser Gianne!


3. Pagsusuri ng Pagdalo

Reanna, may hindi ba dumalo sa klase


natin ngayon?
Titser, malugod ko pong ibinabalita sa inyo na ang lahat
po ay nakdalo sa klase natin ngayon.
4. Pampasiglang gawain

Tumayo ang lahat para sa isang awitin


na pinamagatang “Kay Saya sa A.P”.

5. Patakaran sa klase

Bago tayo magsimula sa ating mga


gawain, muli nating alalahanin ang ating
mga patakaran at alituntunin sa klase. 1. Makinig na mabuti sa guro.

3. Sumunod sa mga panuto.

3.Sumagot ng may buong pangungusap.

4. Maging tahimik sa laro at gawain.


6. Balik-Aral

Kahapon una na nating tinalakay ang 4


na babaeng bayani na mayroong
naiambag sa rebolusyong Pilipino.

Sino-sino ang mga babaeng


rebolusyonaryong ating tinalakay
kahapon?

Magbigay ka nga ng isa, Lebron?


Si Gregoria de Jesus po.

Tama!

Bigyan nga natin ng May Tama Ka Clap


si Lebron. 1 2 3 Clap

1 2 3 Clap

May Tama Ka!


Magbigay nga ng mga naiambag ni
Gregoria de Jesus, Danielle?
Isa po sa mga naiambag ni Gregoria de Jesus ay ang
pagtatago niya ng mga dokumento, rebolber at selyo ng
katipunan.

Tama! Bigyan nga natin ng Andres


Bonifacio Clap si Danielle

1 2 3 Clap

1 2 3 Clap

Mabuhay ang Katipunan


Sino pa ang babaeng rebolusyonaryong
ating tinalakay kahapon?

Diel?
Si Trinidad Tecson po.
Tama! Bigyan nga natin ng Correct Clap
si Diel.

1 2 3 clap

1 2 3 clap

Correct!

Ano-ano ang mga naiambag ni Trinidad


Tecson sa rebolusyong Pilipino.
Magbigay nga ng isa, JM.
Si Trinidad Tecson po ay ang kasama ng mga katipunero
upang makipag laban sa mga espanyol.
Tama. Bigyan nga natin siya ng Very
Good Clap
123

123

Sino pa ang babaeng ating tinalakay Very Good! Very Good!


kahapon?

Angel?

Tama! Si Teresa Magbanua po.


Ano-ano ang mga naiambag ni Teresa
Magbanua?

John Dray?
Siya po ay kinilala bilang Joan of Arc ng Visayas.
Tama!

At ang huling babaeng


rebolusyonaryong ating tinalakay ay si
Melchora Aquino. Siya ang nanggamot
sa mga sugatang katipunero.

B. Panlinang na Gawain

Pagganyak

Mayroon akong larawan. Kilala niyo ba


ang mga nasa larawan?

Arzel, Kilala mo ba sila?


Opo.
Sino sa inyo ang may ideya kung sino-
sino tatlong babae na nasa larawan.

Riejalyn? Ang mga babaeng nasa larawan po ay mga babaeng


bayani.
Tama!

Sino pa ang mayroong ideya?

Aldrin?
Tama! Mga kasmahan din po nila Melchora Aquino.

Mga Layunin

Ngunit bago tayo magtalakayan atin


munang basahin ang mga layunin natin
sa ating gagawing pag-aaral;

Makikilala ang kababaihan na nakikisa sa mga gawain


sa rebolusyon.

Malalaman ang mga ginawa ng kababaihan sa ating


kasaysayan; at

Paglalahad Napahahalagahan ang mga ambag ng kababaihan sa pag


siklab ng rebolusyon.
Pangkatang Gawain

Gawain: Sine mo to

1. Ipapaliwanag ng Guro ang magiging


takbo ng gawain.

2. Hahatiin ng Guro ang klase sa apat na


grupo na may miyembro na walo
hanggang sampung miyembro.

3. Ang kanilang gagawin na panonood


at obserbasyon ay dapat patungkol sa
babaeng bayani batay sa kanilang
nakitang mga larawan.

Narito ang pamantayan sa gagawin


ninyong panonood.
Pamantayan sa Panonood:

1. Umupo ng maayos, upang maging komportable sa


panonood.

2. Tumahimik at makinig sa pinapanood.

3. Isulat sa papel ang mga mahahalagang impormasyon.

Mayroon akong inihanda na inyong 4. Unawain ang mensaheng nais ipabatid ng pinapanood.
papanoodin patungkol sa ating
tatalakayin, na inyong magagamit upang
masagutan ang mga gabay na tanong.
Narito ang mga gabay na tanong.
Gabay na Tanong:

1.Ano ang kaniyang naging ambag sa rebolusyong


Pilipino?

2. Paano siya nakatulong sa himagsikan?

3. Paano niya ipinamalas ang kaniyang kagitingan upang


makamit ang Kalayaan?
Bago tayo dumako sa ating gawain,
narito ang pamantayan para sa ating
gagawing pangkatang gawain/talakayan.

Pamantayan Nailalah Natapo May sapat


ad ng s sa na
may takdan impormasy
kahusaya g oras on
n

Napakahusay
(4)

Mahusay (3)

Katamtaman
(2)

Nangangailang
an ng
pagsusuri (1)

Pagtatalakay

Kahapon, una na nating tinalakay ang


apat na babaeng rebolusyonaryong
Pilipino. Ngayon ating tatalakayin ang 3
pang babaeng rebolusyonaryo na
nagkaroon ng malaking impluwesya o
ambag upang mapalaya sa kamay ng
mga espanyol at amerikano ang ating
inang bayan.

Ngayon ating suriin ang mga sagot ng


unang grupo batay sa mga gabay na
tanong.

(inilahad ng unang grupo ang kanilang nakalap na


impormasyon patungkol kay Gregoria de Jesus batay sa
pinanood na video clip)
Bilang karagdagan, Si Josefa Rizal na
kapatid ng ating pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal ay nagging kasapi din
ng katipunan. Isa din siya sa mga
nagtago ng mahahalagang dokumento ng
katipunan.

Ngayon naman ating pakinggan ang


ikalawang grupo.

(inilahad ng ikalawang grupo ang kanilang kaalaman


patungkol kay Trinidad Tecson batay sa kanilang
napanood na video clip).
Bilang karagdagan, Isinilang sa Tondo,
Manila. Maagang naulila si Marina
kaya’t inalagaan siya ng kaniyang
tiyahin at ina ni Emilio Jacinto na si
Josefa Dizon Jacinto. Nakilala siya sa
kaniyang husay sa pagbigkas, pag awit,
at pagtugtog ng gitara at biyulin. Dahil
ditto, napabilang siya sa Bandang Trozo
Comparsa. Siya ang kauna-unahang
babae na nagging kaanib ng katipunan.

Siya ang nagging tagapangasiwa ng


proyektong pinansyal na tumustos sa
lihim na gawain ng katipunan. Siya rin
ang nagsilbing taga-pagturo sa mga
bagong kasapi ng samahan. Lagi niyang
itinuturo sa mga katipunera na kailangan
ang lakas ng loob, husay sa pag-awit,
pag sayaw, at pagiging totoo sa
paghalakhak upang maging kapani-
paniwala ang ginagawang nilang
paglilinlang sa kalaban.

Ating alamin ang ilan sa mga


impormasyon patungkol kay Marcela
Agoncillo na ilalahad ng ikatlong grupo.

(inilahad ng ikatlong grupo ang ilan sa mga kaalaman na


Si Marcela Agoncillo ay isa sa mga kanilang natuklasan patungkol kay Teresa Magbanua
nagtahi ng Watawat ng Pilipinas kasama batay sa kanilang napanood na video clip).
ang kaniyang anak na si Lorenza at ang
kaibigan nito na si Delfina Hermosa-
Natividad na pamangkin ni Dr. Jose
Rizal. Mano-Mano nila itong itinahi
alinsunod sa desenyo ni Heneral Emilio
Aguinaldo.

C. Pang Wakas na Gawain

Paglalahat
Base sa paksang ating tinalakay kanina.
Sino ang kinilala bilang Ina ng
Watawat?

Danielle?

Tama! Ang tinagurian pong Ina ng Watawat ay si Marcela


Agoncillo (sagot ng bata)
Sino naman ang kapatid ni Dr. Jose
Rizal na naging kasapi din ng
katipunan?

Samantha?

Tama!

Sino naman ang napabilang sa Bandang Si Josefa Rizal po. (sagot ng bata)
Trozo Comparsa?

Diel?

Tama!

Magaling!
Si Marina Dizon Santiago po (sagot ng bata)
Mukhang naunawaan niyo ang ating
pasang tinalakay.

Paglalapat

Gawain: Pinoy Henyo

Upang mas lalo natin maunawaan kung


ano ang mga naging ambag ng mga
kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.
Tayo ay magkakaroon ng isang gawain
na tinatawag na Pinoy Henyo.

1.Ipapaliwanag ng Guro ang Pinoy


Henyo at kung paaano ang daloy nito.

2. Hahatiin ng Guro ang klase sa apat na


grupo na may miyembro na walo
hanggang sampung miyembro.

3. Ang bawat grupo ay mamimili ng


dalawang kalahok na siyang
representatib sa nasabing Pinoy henyo.

4. Pabubunutin ang unang kalahok sa


bawat grupo at ang nabunot ng unang
kalahok ay siya naming huhulaan ng
ikalawang kalahok.

5. Oorasan ng Guro kung sino ang


pinaka-mabilis, at bawat hula ay may
kaakibat na sampung puntos.

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Siya ang nagtahi ng Watawat ng Pilipinas?

a) Gregoria de Jesus
b) Josefa Rizal
c) Marcela Agoncillo
d) Melchora Aquino

2. Sino ang kapatid ng ating Pambansang Bayani na naging kasapi din sa katipunan?

a) Josefa Rizal
b) Marcela Agoncillo
c) Trinidad Tecson
d) Marina Dizon-Santiago

3. Isa sa nagawa ni Marcela Agoncillo sa panahon ng Rebolusyon


ay__________________________________

a) Lumaban sa Espanyol gamit ang espada.


b) Maging espiya sa bawat galaw ng mga Espanyol.
c) Nangalaga sa mga sugatang Katipunero.
d) Tinahi ang Watawat ng Pilipinas.

4. Siya ang Tumustos sa mga Lihim na Gawain ng Katipunan.


a) Melchora Aquino
b) Marina Dizon-Santiago
c) Trinidad Tecson
d) Josefa Rizal

5. Sa anong banda napabilang si Marina-Dizon Santiago?

a) Bandang Ilustrado
b) Bandang de Boca
c) Bandang Yaoy Lalong
d) Bandang Trozo Comparsa

V . Takdang Aralin

Panuto: Isulat ang inyong sagot sa loob ng kahon.


Tanong: Bilang isang mag-aaral, kaya mo din ba na tumulong sa iyong kapwa gaya
ng ginawang pagtulong ng mga rebolusyonaryong Pilipino? Sa papaanong paraan?

Gianne Kate R. Gaspar Mrs. Jo Ann G. Casambre

BEED 4 COORDINATOR TEACHER

JOSEFA RIZAL
MARINA DIZON-SANTIAGO

MARCELA AGONCILLO

You might also like