You are on page 1of 3

IKATLONG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan:_________________________________________________ Marka: _________/50_____


Grade 3 – St. Uriel Nobyembre _______, 2017

PANUTO: Basahin ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Pagtutulungan ng mga Lalawigan Noon at Ngayon

_____1. Ano ang kahulugan ng bayanihan?


a. Pagkakaisa c. Pagdadamayan
b. Pagtutulungan d. Lahat ng nabanggit
_____2. Ano ang pinagtutulung-tulungang buhatin noong araw upang maipakita ang
bayanihan?
a. Sako ng palay c. Puno ng niyog
b. Balde ng tubig d. Bahay-kubo
_____3. Sino-sino ang tumatawag sa bayanihan bilang Tiklos?
a. Ilokano c. Bisaya
b. Bikolano d. Waray
_____4. Ano ang tawag ng mga Hiligaynon sa bayanihan?
a. Suguan c. Hungos
b. Patabang d. Tiklos
_____5. Ang mga sumusunod at mga gawaing pambukid MALIBAN sa –
a. Patabang c. Palusong
b. Batarisan d. Turnuhan
_____6. Sa anong gawaing pambukid nagtutulong-tulong ang mga kalalakihan at
kababaihan sa taniman o bukid?
a. Patabang c. Pasaknong
b. Batarisan d. Turnuhan
_____7. Ano ang kooperatiba?
a. Isang uri ng pinatutubuang pangangalakal
b. Isang uri ng pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan
c. Isang uri ng hindi pinatutubuang negosyo
d. Isang uri ng paghahanap ng trabaho
_____8. Ano ang itinuturo sa kooepratiba?
a. Paggasta c. Pagtitipid
b. Pagbili d. Pagsasama-sama
_____9. Ang mga sumusunod ay makabagong pagtutulungan sa komunidad MALIBAN sa –
a. Trade Fair c. Job Fair
b. Cooperative d. Batarisan
_____10. Ano ang tumutukoy sa pagtatanghal ng mga produkto o kalakal?
a. Trade Fair c. Job Fair
b. Cooperative d. Batarisan
_____11. Anong gawain ang tumutukoy sa pagbibigay ng pagkakataon na makapasok sa
isang trabaho ang isang mamamayan?
a. Trade Fair c. Job Fair
b. Cooperative d. Batarisan
_____12. Sa kasalukuyan , ang mga Pilipino ay nagpapakita ng pagtutulungan sa panahon
ng –
a. bagyo c. lindol
b. pagputok ng bulkan d. lahat ng nabanggit
_____13. Alin ang halimbawa ng pagtutulungan noon?
a. Pagkakaroon ng kooperatiba c. Pagbubuhat ng bahay
b. Pagsasagawa ng trade fair d. Pagkakaroon ng job fair
_____14. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa itinuturo ng kooperatiba?
a. Pagtitipid sa paggastos c. Pag-iimpok ng pera
b. Pagkakaroon ng malaking kita d. Pagbili ng bahay at kotse

_____15. Saan nagmumula ang pag-unlad ng bansa?


a. Pag-unlad ng mga rehiyon c. Pag-unlad ng mga mamamayan
b. Pag-unlad ng mga lalawigan d. Lahat ng nabanggit ay tama
 Buuin ang tsart sa ibaba. (Bilang 16-25)

Mga Salitang Kasingkahulugan Mga Katawagang Nauukol sa Uri ng Pagtutulungan sa


ng Bayanihan Bayanihan sa mga Gawaing Pamayanan
Pambukid

B. Mga Makasaysayang Pook sa mga Lalawigan ng Rehiyon

_____26. Ano ang sinisimbolo ng Krus ni Magellan?


a. Simula ng Kristiyanismo sa bansa c. Alaala sa mga bayaning Pilipino
b. Pagpunit ng sedula ng mga d. Pagwagayway ng watawat ng
Katipunero Pilipinas
_____27. Saan ikinulong si Dr. Jose Rizal bago barilin sa Bagumbayan?
a. Jose Rizal Shrine c. Dapitan Shrine
b. Corregidor d. Fort Santiago
_____28. Ano ang mahalagang naganap sa Aguinaldo Shrine?
a. Simula ng Kristiyanismo sa bansa c. Alaala sa mga bayaning Pilipino
b. Pagpunit ng sedula ng mga d. Pagwagayway ng watawat ng
Katipunero Pilipinas
_____29. Anong simbahan ang kilala sa Ilocos Norte na may matibay na estruktura?
a. Simbahan ng Barasoain c. Simbahan ng Lourdes
b. Simabahan ng San Agustin d. Simbahan ng Paoay
_____30. Anong estruktura ang matatagpuan sa lungsod ng Cebu na sumisimbolo sa
relihiyong Kristiyanismo?
a. Krus ni Magellan c. Simbahan ng Paoay
b. Fort Pilar d. Dambana ng Sandugo
_____31. Ano ang ipinatayo ng mga Espanyol sa Zamboanga bilang tanggulan laban sa
mga kaaway?
a. Fort Santiago c. Fort Pilar
b. Sheik Makhdum Mosque d. Dambana ng Sandugo
_____32. Ano ang itinayo bilang parangal sa pambansang bayani?
a. Bantayog ni Lapu-Lapu c. Bantayog ni Andres Bonifacio
b. Bantayog ni Miguel Malvar d. Bantayog ni Dr. Jose Rizal
_____33. Kaninong bantayog ang makikita sa komunidad ng Bulakan, Bulacan?
a. Bantayog ni Lapu-Lapu c. Bantayog ni Dr. Jose Rizal
b. Bantayog ni Hen. Gregorio del Pilar d. Bantayog ni Miguel Malvar
_____34. Saan matatagpuan ang Simbahan ng Barasoain na isang makasaysayang pook?
a. Kawit, Cavite c. Intramuros, Maynila
b. Sto. Tomas, Batangas d. Malolos, Bulacan
_____35. Sino ang itinuturing na kauna-unahang bayaning nagtanggol sa mga Pilipino laban
sa mga Espnayol?
a. Dr. Jose Pizal c. Andres Bonifacio
b. Hen. Emilio Aguinaldo d. Lapu-Lapu
_____36. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa Fort Santiago MALIBAN sa –
a. Nagsilbing palasyo ni Rajah Sulayman
b. Naging tanggulan ng mga Espanyol
c. Nagsilbing base military ng mga Hapones
d. Naging saksi ng pagpilas ng sedula ng mga katipunero
_____37. Ano ang dating pangalan ng Rizal Park?
a. Bagumbayan c. Bika-na-Bato
b. Maragondon d. Pugad Lawin
_____38. Saan binaril ng mga tauhan ni Hen. Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio at ang
kanyang kapatid na si Procopio?
a. Kabundukan ng Maragondon c. Pugad Lawin
b. Bagumbayan, Maynila d. San Miguel, Bulacan
_____39. Ano ang mahalagang pangyayaring naganap sa Pugad Lawin?
a. Pagpatay kay Andres Bonifacio at kapatid nito
b. Pagdakip kay Andres Bonifacio at mga katipunero
c. Pagpilas ng mga sedula ng mga katipunero
d. Pagbitay sa mga katipunero at Andres Bonifacio
_____40. Saan matatagpuan ang makasaysayang pook ng Biak-na-Bato?
a. Kabundukan ng Marogondon c. Pugad Lawin
b. Bagumbayan, Maynila d. San Miguel, Bulacan
_____41. Ano ang mahalagang pangyayaring naganap sa Pasong Tirad, Ilocos Sur?
a. Pagpatay kay Heneral Emilio Aguinaldo
b. Pagpatay kay Heneral Gregorio del Pilar
c. Pagpatay kay Andres Bonifacio
b. Pagpatay kay Dr. Jose Rizal
_____42. Saan naganap ang maraming labanan noong panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
a. Pulo ng Corregidor c. Fort Pilar
b. Biak-na-Bato d. Dambana ng Kagitingan
_____43. Saan dumaong si Heneral Douglas MacArthur kasama ang mga sundalong
Amerikano noong Oktubre 20, 1944?
a. Mactan, Cebu c. Palo, Leyte
b. Dapitan, Zamboanga del Norte d. Samat, Bataan
_____44. Ano ang mahalagang naganap sa Kabundukan ng Maragondon, Cavite?
a. Pagpatay kay Andres Bonifacio at kapatid nito
b. Pagdakip kay Andres Bonifacio at mga katipunero
c. Pagpilas ng mga sedula ng mga katipunero
d. Pagbitay sa mga katipunero at Andres Bonifacio
_____45. Saan matatagpuan ang Dambana ng Kagitingan?
a. Kawit, Cavite c. Intramuros, Maynila
b. Samat, Bataan d. Malolos, Bulacan
_____46. Saan matatagpuan ang mga kuwebang naging tanggulan ng mga Pilipinong
manghihimagsik noong panahon ng mga Espanyol?
a. Pulo ng Corregidor c. Fort Pilar
b. Biak-na-Bato d. Dambana ng Kagitingan
_____47. Sino ang itinuturing na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas?
a. Dr. Jose Pizal c. Andres Bonifacio
b. Hen. Emilio Aguinaldo d. Lapu-Lapu
_____48. Ano ang sinisimbolo ng Krus ni Magellan?
a. Pagpapalaganap ng Katolisismo c. Pagtanggap sa relihiyong Islam
b. Pakikipagkaibigan kay Magellan d. Pagpatay kay Lapu-Lapu
_____49. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng MALING pangangalaga sa mga
makasaysayang pook?
a. Panatilihing malinis ang mga lugar na ito.
b. Tahimik lamang habang nasa loob ng mga makasaysayang pook.
c. Hawakan at galawin ang mga mahahalagang bagay sa mga pook na ito.
d. Paalalahan ang mga kasama na ingatan ang mga gamit dito.
_____50. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI?
a. Maraming makasaysayang pook ang Pilipinas.
b. Ang mga ito ay naging bahagi ng kasaysayan nito.
c. Nagpapaalaala ang mga ito ng pagbagsak ng Pilipinas.
d. Dapat na alagaan at pangalagaan ang mga makasaysayang pook.

You might also like