You are on page 1of 4

IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan:_________________________________________________ Marka:_______/50______
Grade 3 – St. Uriel Setyembre______, 2017

A. MATALINONG PANGANGASIWA NG MGA LIKAS NA YAMAN

 Tukuyin ang gawaing pangkalikasan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Titik lamang sa patlang.

A. Yamang-Lupa C. Yamang-Gubat
B. Yamang-Tubig D. Yamang Mineral

_____1. Muling pagtatanim sa mga nakakalbong kagubatan

_____2. Pag-iwas sa paggamit ng pamamaraang muro-ami

_____3. Pakikiisa laban sa quarrying

_____4. Pagtitipid sa paggamit ng papel

_____5. Paggawa ng mga hagdan-hagdang taniman sa mga gilid ng mga bundok

_____6. Paggamit ng likas na pataba

_____7. Paggamit ng lambat na may katamtaman laki ng butas

_____8. Pangangalaga sa mga korales

_____9. Pagsunod sa batas ng selective logging

_____10. Pagtatakda ng mga lugar at panahon ng pagmimina

 Basahin ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____11. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa mga anyong lupa


MALIBAN sa –
a. Pagsunod sa batas ng selective logging
b. Hindi paggamit ng pamamaraang muro-ami
c. Paggamit ng likas na pataba
d. Pakikiisa laban sa quarrying
_____12. Ano ang selective logging?
a. Pagsunog sa mga puno c. Pagpili ng puputuling puno
b. Pagtanim muli sa kagubatan d. Paggamit ng likas na pataba
_____13. Ano ang reporestasyon?
a. Pagsunog sa mga puno c. Pagpili ng puputuling puno
b. Pagtanim muli sa kagubatan d. Paggamit ng likas na pataba
_____14. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng likas na pataba MALIBAN sa –
a. Dumi ng mga hayop c. Nabubulok na halaman
b. Balat ng gulay at prutas d. Basurang di-karbon
_____15. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa mga anyong tubig
MALIBAN sa –
a. Pagtatanim at pangangalaga ng mga bakawan
b. Pangangalaga sa mga korales
c. Paggamit ng lambat na may katamtamang butas
d. Muling pagtatanim sa mga nakakalbong kagubatan
_____16. Ito ay pagtatanim ng iba’t ibang pananim sa loob ng isang taon sa parehong
lupain.
a. Crop rotation c. Strip cropping
b. Terracing d. Mulching
_____17. Ito ay ang pagsisingit o pagtatanim ng iba pang halaman sa pagitan ng iba pang
pananim upang mapigil ang pagguho ng lupa.
a. Crop rotation c. Strip cropping
b. Terracing d. Mulching
_____18. Ito ang tawag sa paggawa ng dalisdis o hugis-hagdan sa gilid ng mga bundok
upang mapigilan ang mabilis na pagdaloy ng tubig.
a. Crop rotation c. Strip cropping
b. Terracing d. Mulching
_____19. Ito ang paglalagay ng mga dayami o dahon sa ibabaw ng lupa at hayaan itong
mabulok upang maging mataba ang mga tananim.
a. Crop rotation c. Strip cropping
b. Terracing d. Mulching
_____20. Ano ang dapat iwasang ipatayo upang hindi matuyo nang tuluyan ang mga
lupang sakahan.
a. Deep well c. Strip cropping
b. Terracing d. Mulching

B. ANG KAPALIGIRAN NG SARILING LALAWIGAN AT KARATIG NA MGA LALAWIGAN SA


REHIYON

 Bilugan ang titik T kung tama ang diwa ng pangungusap. Bilugan ang titik M kung mali.
T M 21. Bawat rehiyon at lalawigang bumubuo sa Pilipinas ay may sariling
kapaligiran o mga pook, anyong lupa, at anyong tubig na nakapaligid.
T M 22. Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran ng isang pook sa mga likas na
yaman nito.
T M 23. Karatig ng Camarines Sur ang Camarines Norte, Quezon, at Albay.
T M 24. Ang Albay ay mabundok na may kalat-kalat na mga kapatagan at
lambak.
T M 25. Ang Bulkang Pinatubo ang pinakatanyag na anyong lupa sa Albay at sa
buong Rehiyon ng Bicol.
T M 26. Ang Visayas ay binubuo ng anim na malalaking rehiyon.
T M 27. Isa sa karatig na lalawigan ng Bohol ang Bulacan.
T M 28. Isang mahabang makitid na bulubundukin ang Cebu.
T M 29. Ang mga lalawigan ng Camiguin, Bukidnon, Lanao del Norte, at Misamis
Oriental ay matatagpuan sa Gitnang Visayas.
T M 30. Nakapaligid sa lalawigan ng Bulacan ang mga lalawigan ng Pampanga,
Bataan, at Rizal.

 Basahin ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____31. Saang direksyon ng Camarines Sur naroroon ang Camarines Norte at Quezon?
a. Hilaga c. Silangan
b. Timog d. Kanluran
_____32. Anong lugar ang nasa timog ng Camarines Sur?
a. Camarines Norte c. Albay
b. Quezon d. Cantanduanes
_____33. Saang direksyon ng Camarines Sur naroroon ang Catanduanes?
a. Hilaga c. Silangan
b. Timog d. Kanluran
_____34. Anong lugar ang nasa timog ng Albay?
a. Sorsogon c. Quezon
b. Camarines Norte d. Golpo ng Lagonoy
_____35. Ano ang pinakatanyag na bulkan sa buong Rehiyon ng Bicol?
a. Taal c. Apo
b. Pinatubo d. Mayon
_____36. Ilang lalawigan ang bumubuo sa Gitnang Visayas?
a. isa c. tatlo
b. dalawa d. apat
_____37. Anong lalawigan sa Gitnang Visayas ang binubuo ng mahigit sa 70 maliliit na isla na
kinabibilangan ng tanyag na Panglao Island?
a. Bohol c. Cebu
b. Negros Oriental d. Siquijor
_____38. Saang rehiyon kabilang ang Bukidnon?
a. Gitnang Visayas c. Hilagang Mindanao
b. Silangang Visayas d. Zamboanga Peninsula
_____39. Ilang lalawigan ang bumubuo sa Hilagang Mindanao?
a. isa c. lima
b. tatlo d. pito
_____40. Anong lalawigan sa Gitnang Visayas ang binubuo ng may 160 maliliit na isla na
kinabibilangan ng tanyag na Mactan Island?
a. Bohol c. Cebu
b. Negros Oriental d. Siquijor

 Gamitin ang nakalarawang mapa ng lalawigan ng Abra. Isulat sa patlang ang mga karatig na
lalawigan na nakapaligid dito.

_________________________41. Timog-silangan

_________________________42. Timog-kanluran

_________________________43. Silangan

_________________________44. Hilagang-silangan

_________________________45. Hilagang-
Kanluran

 Gamitin ang nakalarawang mapa ng lalawigan ng Nueva Viscaya. Isulat sa patlang ang mga
karatig na lalawigan na nakapaligid dito.

_________________________46. Timog

_________________________47. Hilagang-
silangan
_________________________48. Silangan

_________________________49. Hilaga

_________________________50. Timog-
silangan

God Bless You, Little Icons!


T. Salie 

You might also like