You are on page 1of 3

PAGBATI NAMUMUNO:

Mga Minamahal Na Kamag-Anak, Kaibigan Ng Yumao At Lahat Ng Natitipon Dito, Nasa Ating Harapan
Ang Walang Buhay At Katawan Ni _________ Na Atin Ngayong Ipagdarasal Upang Ang Kanyang Kaluluwa Ay
Tanggapin Ng Diyos Sa Kanyang Kaharian. Hilingin Natin Na Nawa’y Ipagkaloob Sa Ating Kapatid Ang Kapahinga-
Hang Walang Hanggan.
“Pambungad Na Awit Buksan Ang Aming Puso”
Buksan Ang Aming Puso, Turuan Mong Mag-Alab;
Sa Bawat Pagkukuro, Lahat Ay Magkayakap.
Buksan Ang Aming Isip,
Sikatan Ng Liwanag Nang Kusang Matangkilik,
Tungkuling Mabanaag.
Buksan Ang Aming Palad, Sarili’y Maialay;
Tulungan Mong Ihanap Kami Ng Bagong Malay.

Namumuno: Sa Ngalan Ng Ama, Ng Anak At Ng Espiritu Santo


Bayan: Amen
Namumuno: Mga Kapatid, Sa Inyong Kalumbayan At Pangungulila Nakikiramay Ang Buong Bayan Ng Diyos, Sa
Binyagang Ating Kapatid Na Si ______________________________ Ay Nabahaginan Ng Pagkamatay
Ni Kristo, Ngayon Naman Sa Kanyang Kamatayan Ay Nagtamo Ng Buhay Na Walang Hanggan.
Tandaan Natin Ang Sinasabi Ng Panginoon: “Ako Ang Mulingpagkabuhay At Ang Buhay. Ang Sumasampalataya
Sa Akin, Kahit Mamatay Ay Muling Magsasama-Sama Sa Piling Ng Ating Amang Nasa Langit.”
PANALANGIN NAMUMUNO:

O Maawaing Ama, Diyos Na Walang Hanggan Dinggin Mo Ang Aming Panalangin Para Sa Anak Mo Na Si
______________ Na Tinawag Mo Sa Kabilang Buhay. Pagkalooban Mo Siya Ng Liwanag, Kaligayahan At
Kapayapaan. Loobin Mo Siyang Makarating Ng Maluwalhati Sa Pinto Ng Kamatayan Upang Magtamasa Ng
Buhay Na Walang Hanggan Sa Piling Ng Iyong Mga Banal At Ng Aming Amang Si Abraham. Ipag-Adya Mo Siya
Sa Lahat Ng Masama At Sa Araw Ng Muling Pagkabuhay, Gantimpalaan Mo Siya Na Kasama Ng Mga Banal.
Patawarin Mo Ang Lahat Ng Kanyang Mga Kasalanan At Pagkukulang. Bigyan Siya Ng Buhay Na Walang
Hanggan.
Bayan: Amen.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Sa Gawi Ng Bundok, Tumingin Ako, Saan Manggagaling Ang Aking Saklolo?

Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.


Namumuno: Ang Hangad Kong Tulong, Sa Diyos Nagmumula, Sa Diyos Na Lumikha Ng Langit At Lupa.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Sa Gitna Ng Paghihirap, Tinawag Ko’y Panginoon, Kaya, Panginoon Ako’y Dinggin Pagkat Ako’y
Tumataghoy, Dinggin Mo Ang Pagtawag Ko’t Paghingi Ng Iyong Tulong.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Sabik Akong Naghihintay Sa Tulong Mo Panginoon, Pagkat Ako’y Tiwala Sa Pangako Mong
Pagtulong. Yaring Aking Pananabik Panginoon Ay Higit Pa, Sa Serenong Naghihintay Ng Pagsapit Ng Umaga.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Ang Tagapagtanggol Ng Bayan Ng Israel, Hindi Natutulog at Palaging Gising! Ang Diyos Na Si
Yahweh, Siyang nagbabantay, Laging Nasa Piling, Upang Mag-sanggalang, ‘Di Kamag-daramdam Sa Init Ng
Araw, Kung Gabi Ay ‘Di Ka Sasaktan ng Buwan.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Magtiwala Ka Israel, Magtiwala Sa Iyong Diyos, Matatagat ‘Di Kukupas Ang Pag-Ibig Niyang Dulot.
Lagi Siyang naghahandang Sa Sinuman Ay Tumubos. Ililigtas Ang Israel, Yaong Kanyang Mga Hirang,
Ililigtas Niya Sila Sa Kanilang kasalanan.
Tugon: Sa Mga Panganib, Ika’y Ililigtas, Nitong Panginoon, Siyang Mag-Iingat.
Namumuno: Papuri Sa Ama, Sa Anak At Sa Espiritu Santo
Bayan: Amen.

PAGBASA
Namumuno: Ayon Sa Bibliya, Kung Ang Isang Tao Ay Magpakamatay Hindi Ito Ang Magtatakda Kung
Makapapasok Ba Siya Sa Langit O Hindi. Kung Ang Isang Hindi Mananampalataya Ay Magpakamatay, Wala
Siyang Ginawa Kundi Ang Padaliin Ang Kanyang Pagpunta Sa Impyerno. Gayon Man, Ang Taong Nagpakamatay
Ay Mapupunta Sa Impiyerno Hindi Dahil Sa Siya Ay Nagpakamatay Kundi Dahil Sa Pagbalewala Niya Sa
Kaligtasang Ipinagkakaloob Ni Kristo.
Namumuno: Ito Ang Salita Ng Diyos.
Bayan: Salamat Sa Diyos.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Namumuno: Huling Pamamaalam
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Namumuno: Ama Naming Mapagmahal, Inihahabilin Naming Sayo Si __________________________ Na
Pumanaw Na Sa Buhay Na Ito. Huwag Mo Siyang Pababayaan At Pamaligiin Mo Siyang Buhay Sa Iyong Piling.
Alang-Alang Sa Iyong Awa At Pag-Ibig, Patawarin Mo Na Sana Ang Kanyang Mga Pagkukulang At Nagawang
Pagkakasala Dala Ng Kanyang Kahinaan.
Manatili Nawa Siyang Maligaya Sa Iyong Piling Kasama Ng Iyong Anak At Espiritu Santo Magpasawalang
Hanggan.
Bayan: Amen.
Namumuno: Pagkalooban Mo Po Siya Panginoon Ng Kapahingahang Walang Hanggan.
Bayan: Bigyan Mo Siya Ng Liwanag At Ilaw Na Walang Katapusan.
Namumuno: Mapanatag Nawa Siya Sa Kapayapaan
Bayan: Siya Nawa.
(Ama Namin…. Aba Ginoong Maria….. Luwalhati…..)
Namumuno: At Pagpalain Nawa Tayo Ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak, At Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

You might also like