You are on page 1of 4

PANALANGIN SA TAKIPSILIM Sa mga panganib, ikaw'y ililigtas

(LAHAT NG MGA KALULUWA) Nitong PANGINOON, siyang mag-iingat.


(Tumayo at gawin ang tanda ng krus) Saanman naroon, ikaw'y iingatan,
Di ka maaano kahit na kailan.
Pinuno: O Diyos, halina at ako'y tulungan.
Lahat: O Panginoon, magmadali ka sa iyong Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu
pagdamay. Santo,
Pinuno: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Kapara noong una, ngayon at magpasawalang
Espiritu Santo. hanggan. Amen.
Lahat: Kapara noong una, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen. Antipona 1
lingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama.
AWIT Babantayan niya ang iyong kaluluwa.
Ako ang Tinapay ng buhay,
Sinumang lumapit sa akin ay di magugutom Antipona 2
magpakailanman. Kung nagtatago ka ng alaala ng aming mga
Bubuhayin ko siya kasalanan, Panginoon, sino ang makatatakas
sa paghatol?
At bubuhayin ko siya
At bubuhayin ko siya sa huling araw. Salmo 130
(Panaghoy mula sa paghihirap)
Ako ang muling pagkabuhay
Sinumang lumapit sa akin ay di mamamatay Lahat: Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko'y
magpakailanman. PANGINOON.
Kaya, PANGINOON, ako'y dinggin
Bubuhayin ko siya pagkat ako'y tumataghoy,
At bubuhayin ko siya Dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng
At bubuhayin ko siya sa huling araw. iyong tulong.

Umupo Kung ikaw ay may talaan nitong aming


kasalanan, Lahat kami ay tatanggap ng hatol
MGA ANTIPONA AT SALMO mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad,
Antipona 1 kasalanan ay nilimot, Pinatawad mo nga kami
lingatan ka ng Panginoon sa lahat ng masama. upang sa 'yo ay matakot. Sabik akong
Babantayan niya ang iyong kaluluwa. naghihintay sa tulong mo, PANGINOON,
Pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong
Salmo 121 pagtulong. Yaring aking pananabik,
(Tagapagtanggal ng kanyang bayan) PANGINOON, ay higit pa
Sa serenong naghihintay ng pagsapit ng
Lahat: Sa gawi ng bundok, tumitingin ako, umaga.
Saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos
magmumula, Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong
Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. Diyos,
Matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang
Huwag sana akong bayaang mabuwal, dulot,
Handang lagi siya sa pagsasanggalang. Lagi siyang nahahandang sa sinuman ay
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, tumubos.
Hindi natutulog at palaging gising! Ililigtas ang Israel, yaong kanyang mga
hirang,
Ang Diyos na PANGINOON, siyang Ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.
magbabantay,
Laging nasa piling, upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
Kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Santo,
Kapara noong una, ngayon at magpasawalang 1 Corinto 15:55-57
hanggan. Amen.
Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
Antipona 2 Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?
Kung nagtatago ka ng alaala ng aming mga Ang kamandag ng kamatayan ay ang
kasalanan, Panginoon, sino ang makatatakas kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay
sa paghatol? nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat tayo
sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay
Antipona 3 sa pamamagitan ng ating PANGINOONG
Tulad ng pagbabangon ng Ama sa mga Hesukristo!
namatay at pagkakaloob sa kanila ng buhay,
gayon din ang Anak ay magkakaloob ng TUGUNAN
buhay sa sinumang kanyang maibigan.
Pinuno: Nasa iyo, Panginoon, ang aming
Awit: Filipos 2:6-11 pag-asa. Hindi kami mabibigo.
(Si Kristo, ang Banal na Lingkod ng Diyos) Lahat: Nasa iyo, Panginoon, ang aming pag-
asa. Hindi kami mabibigo.
Lahat: Bagama't siya'y Diyos, hindi nagpilit
si Hesus Pinuno: Magsasayaw kami, at magagalak sa
Na manatiling kapantay ng Diyos, iyong habag.
Lahat: Hindi kami mabibigo.
Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian
ng pagka-Diyos. Nagkatawang-tao at Pinuno: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa
namuhay na isang alipin. Espiritu Santo.
Lahat: Nasa iyo, Panginoon, ang aming pag-
Nang maging tao siya'y nagpakababa asa. Hindi kami mabibigo.
At naging masunurin hanggang kamatayan,
Oo, hanggang kamatayan sa krus. PAPURING AWIT NI MARIA
Tumayo
Kaya naman, siya'y itinampok ng Diyos,
At binigyan ng pangalang higit sa lahat ng Antipona
pangalan. Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay
lalapit sa akin, at ang sinumang lumapit sa
Anupa't ang lahat ng nilalang na nasa langit, akin ay hindi ko itataboy.
Nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa,
Ay maninikluhod at sasamba sa kanya. (Gumawa tanda ng krus)
At ipahahayag ng lahat na si HESUKRISTO
ANG PANGINOON, Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
Sa ikararangal ng Diyos Ama. At nagagalak ang aking espiritu dahil sa
Diyos na aking
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu tagapagligtas.
Santo, Kapara noong una, ngayon at Sapagka't nilingap niya ang kanyang abang
magpasawalang hanggan. Amen. lingkod!

Antipona 3 At mala ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng


Tulad ng pagbabangon ng Ama sa mga lahat ng salinlahi,
namatay at pagkakaloob sa kanila ng buhay, Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa
gayon din ang Anak ay magkakaloob ng akin ng Makapangyarihan
buhay sa sinumang kanyang maibigan. Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa Pinuno: O Kristong tagapag-aliw sa mga
kanya, nagdadalamhati, pinahiran mo ang mga luha
Sa lahat ng sali't saling lahi. ng angkan ni Lazaro, ng anak ng biyuda at ng
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga anak na babae ni Jairo, aliwin ang mga
bisig, nagdadalamhati dahil sa mga yumao.
Pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang
trono, Pinuno: O Kristong Tagapagligtas, wasakin
At itinaas ang mga nasa abang kalagayan. ang paghahari ng kasalanan sa aming
katawang makasanlibutan, upang gaya ng
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga inaasahang parusa dahil sa kasalanan, matamo
nagugutom, At pinalayas niyang wala ni namin sa pamamagitan mo ang walang
anuman ang mayayaman. hanggang buhay.

Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, Lahat: Panginoon, ikaw ang aming buhay at
Bilang pagtupad sa pangako niya saating mga muling pagkabuhay.
magulang,
Kay Abraham at sa kanyang lahi, Pinuno: O Kristong Manunubos, tunghayan
magpakailanman! ang mga walang pag-asa dahil
hindi ka nakikilala, makatanggap nawa sila ng
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu pananampalataya sa muling pagkabuhay at sa
Santo, Kapara noong una, ngayon at buhay na darating.
magpasawalang hanggan. Amen.
Lahat: Panginoon, ikaw ang aming buhay at
Antipona muling pagkabuhay.
Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay
lalapit sa akin, at ang Pinuno: Ipinahayag mo ang iyong sarili sa
sinumang lumapit sa akin ay hindi ko isang taong bulag na humingi sa iyo ng
itataboy. liwanag para sa kanyang mga mata, ipakita
ang iyong mukha sa mga namatay na
PANGKALAHATANG PANALANGIN pinagkaitan ng iyong liwanag.

Pinuno: Kinikilala natin si Kristong Lahat: Panginoon, ikaw ang aming buhay at
Panginoon na siyang ating inaasahan muling pagkabuhay.
upang ang ating marupok na katawa'y
matulad sa kanya sa Pinuno: Kapag dumating na ang panahong
kaluwalhatian. Ating wikain: Panginoon, maglaho na ang aming pansamantalang
ikaw ang aming buhay at muling pagkabuhay tirahan sa sanlibutan, bigyan kami ng isang
tahanang di tulad ng gawa sa lupa, kundi
tirahang walang hanggan doon sa kalangitan.
Lahat: Panginoon, ikaw ang aming buhay at
muling pagkabuhay Lahat Panginoon, ikaw ang aming buhay at
muling pagkabuhay
Pinuno: O Kristong Anak ng Diyos, na buhay
na bumuhay kay Lazaro na (PAGSUSUNOG)
iyong kaibigan, mula sa mga patay, buhayin
at luwalhatiin ang mga yumao na iyong
tinubos sa pamamagitan ng iyong dugong
banal.

Lahat: Panginoon, ikaw ang aming buhay at


muling pagkabuhay.
Ama Namin

Lahat Ama namin, sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang
sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa
araw araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Pangwakas na Panalangin

Pinuno: Panginoon, pakinggan ang aming


mga panalangin.
Sa pagkabuhay ng iyong Anak mula sa
kamatayan,
pinagkalooban mo kami ng pananampalataya.
Palakasin ang aming pag-asa na ang aming
mga kapatid na yumao ay makibahagi sa
muling pagkabuhay ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Lahat Amen.

Pagbayo

Pagpalain nawa tayo ng panginoon, iligtas


tayo mula sa lahat ng kasamaan at akayin tayo
sa buhay na walang hanggan.

(Magtanda ng Krus)

Lahat Amen.

You might also like