You are on page 1of 7

ANG VIGILIA SA NAMAYAPA

Tatayo ang lahat


Ang pambungad na Awit
Namumuno: Ang ating tulong ay nasa Pangalan ng Panginoon
Bayan: Na lumikha ng langit at lupa

Namumuno: Mga kapatid: sinabi ng ating Panginoong Hesukristo


ang ganito, “Lumapit kayong mga nangapapagal at
nangabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng
kapahingahan”. Ipanalangin natin ang ating (mga)
kapatid na si (sina) _______ upang siya (sila) ay
magkamit ng kapahingahang walang hanggan sa pilin
ng Panginoon.

Namumuno: Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.

Namumuno: Tayo’y manalangin


O Diyos na walang hanggan ang awa, tanggapin mo
ang aming Panalangin na amin iniaalay para sa iyong
(mga) lingkod na si (sina) ______: upang ipagkaloob
mo sa kanya (kanila) ang pagpasok sa lugar ng liwanag
at kagalakan sa piling ng Iyong mga banal; sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpakailanman.
Bayan: Amen.

Uupo ang lahat

1|Page
Pagbasa mula sa Lumang Tipan
Tagabasa: Isang pagbasa mula sa aklat ng/ni __________
Kabanata______, nagsisimula sa ika-______ talata.
Isaias 61:1-3 | Panaghoy 3:22-26 | Job 19:21-27 | Ecclesiastico 38:16-23 |
Karunungan 3:1-5, 9 | Isaias 25:6-9
;
Roma 8:9-19 | 1 Corinto 15:20-26 | 1 Corinto 15:35-38,42-44,53-54 | 2 Corinto
4:15-5:6 | 1 Juan 3:1-3 | Pahayag 7:9-17 | Pahayag 21:27

Tatayo ang lahat

Ang Ebanghelyo
Namumuno: Ang Panginoon ay sumainyo
Bayan: At sumainyo rin.

Namumuno: Ang Banal na Ebanghelyo ayon kay______ sa ika-____


kabanata, nagsisimula sa ika ____talata.
Juan 5:24-29 | Juan 6:37-40 | Juan 10:11-16 | Juan 11:20-27 | Juan 14:1-6

Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo

Matapos ang Ebanghelyo ay sasabihin ng bumasa:

Namumuno: Ang Ebanghelyo ng Panginoon.


Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo

Uupo ang lahat


Ang Homilya o Mensahe
Ang Sagutan
Ang mga sumusunod ay basahin nang marahan at may pitagan.

Namumuno: Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang


nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling

2|Page
mabubuhay.
Bayan: At sinumang nabubuhay at nanalig sa akin ay hindi
mamatay kailanman.

Namumuno: Kung nasa inyo si Kristo, bagama’t patay na ang iyong


mga katawan dahil sa kasalanan, buhay naman ang
inyong espiritu dahil pinawalang-sala na kayo.
Bayan: Kung nanahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang
bumuhay kay Hesukristo, ang Diyos ding Iyan ang
magbibigay ng buhay sa iyong mga katawang
namamatay sa pamamagitan ng kanyang nananahang
Espiritu.

Namumuno: Alam kong di natutulog ang aking Tagapaglitas na sa


aki’y magtatanggol pagdating noong wakas.
Bayan: Pagkatapos na maluray itong aking buong balat, ang
Diyos ko’y mamamalas kahit lamay ay maagnas.

Namumuno: Kung tayo’y nabubuhay, nabubuhay tayo sa Panginoon,


kung tayo’y namamatay, namamatay tayo sa Panginon.
Bayan: Kaya nga, kung tayo ay nabubuhay o namamatay, tayo
ay sa Panginoon. Sapagkat si Kristo ay namatay at
muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga
patay at mga buhay.

Namumuno: Nasaan o kamatayan ang iyong tagumpay? Nasaan o


kamatayan ang iyong kamandag?
Bayan: Nalupig mo ang kamatayan; ganap na tagumpay!

Namumuno: Ang Panginoon ang nagbibigay, siya rin ang kukuha!

3|Page
Bayan: Purihin ang Panginoon.

Panatilihin ang panandaliang katahimikan


Lahat ay tatayo
Isang Awit
Ang Litanya
Namumuno: Diyos Ama,
Bayan: Maawa ka sa iyong (mga) lingkod.

Namumuno: Diyos Anak,


Bayan: Maawa ka sa iyong (mga) lingkod.

Namumuno: Diyos Espiritu Santo,


Bayan: Maawa ka sa iyong (mga) lingkod.

Namumuno: Santisima Trinidad, iisang Diyos,


Bayan: Maawa ka sa iyong (mga) lingkod.

Namumuno: Sa lahat ng masama, sa lahat ng pagkakasala at sa lahat


ng pagsubok,
Bayan: Iligtas mo siya (sila), butihing Panginoon.

Namumuno: Sa pamamagitan ng Iyong pagkakatawang-tao, sa


pamamagitan ng Iyong pagpapakasakit sa krus, sa
pamamagitan ng Iyong kamatayan at pagkalibing,
Bayan: Iligtas mo siya (sila), butihing Panginoon.

Namumuno: Sa pamamagitan ng iyong maluwalhating muling


pagkabuhay at pagakyat sa langit at sa pamamgitan
ng pakasugo ng Espiritu Santo.
Bayan: Iligtas mo siya (sila), butihing Panginoon.

4|Page
Namumuno: Kaming mga makasalanan ay humiling sa Iyo na
Pakinggan kami Panginoong Hesukristo, na marapatin
Mong iligtas ang kaluluwa ng iyong (mga) lingkod
mula sa kasamaan at sa walang hanggang kamatayan,
Bayan: Hinihiling naming paki-pakinggan mo kami, butihing
Panginoon.

Namumuno: Na buong kaawaan mong marapatin na patawarin ang


lahat ng kanyang (kanilang) kasalanan,
Bayan: Hinihiling naming paki-pakinggan mo kami, butihing
Panginoon.

Namumuno: Na marapatin mong ipagkaloob sa kaniya (kanila) ang


kaginhawahan at walang hanggang pagpapala,
Bayan: Hinihiling naming paki-pakinggan mo kami, butihing
Panginoon.

Namumuno: Na marapatin mong ipagkaloob sa kaniya (kanila) ang


kagalakan sa iyong kaharian, kapiling ng iyong mga
banal sa liwanag.
Bayan: Hinihiling naming paki-pakinggan mo kami, butihing
Panginoon.

Namumuno: Hesus, Kordero ng Diyos,


Bayan: Maawa ka sa kanya (kanila).

Namumuno: Hesus, nagpasan ng aming mga kasalanan,


Bayan: Maawa ka sa kanya (kanila).

Namumuno: Hesus, Tapagligtas ng daigdig


Bayan: Ipagkaloob mo sa kanya (kanila) ang iyong walang

5|Page
hanggang kapahingahan.

Namumuno: Panginoon, maawa ka sa kanya (kanila).


Bayan: Kristo, maawa ka sa kanya (kanila).
Namumuno: Panginoon, maawa ka sa kanya (kanila).

Lahat: Ama namin sa langit, sambahin ang Ngalan Mo


sumapit nawa ang kaharian Mo, sundin ang loob
Mo,
dito sa lupa gaya rin sa langit. Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw. Patawarin Mo kami sa
aming mga kasalanan gaya rin ng pagpapatawad namin
sa mga nagkasala sa amin. Huwag Mo kaming itulot sa
mga pagsubok, kundi iadya Mo kami sa masama.
Sapagkat sa Iyo ang kaharian, ang kapangyarihan at ang
kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen.

Namumuno: Tayo’y manalangin.


O Panginoon, likas sa iyo at iyong katangian ang
mahabag at magpatawad: dahil po dito, iyong
tanggapin ang aming mga panalangin na ukol sa
kaluluwa ng iyong (mga) lingkod na si (sina) _______
na iyong tinawag na sa kanilang buhay: iligtas mo siya
(sila) sa kamay ng kaaway at siya (sila) ay dalhin sa
iyong kaluwalhatian. At dahil sa iyong pagkamatay at
muling pagkabuhay, huwag nawa siya (silang) magtiis
sa hirap ng kaparusahan bagkus ay mapasakanya
(kanila) ang kagalakan ng buhay na walang hanggan;
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Bayan: Amen
Isang Awit

Namumuno: Kapahingahang walang hanggan igawad sa kaniya


(kanila), O Panginoon

6|Page
Bayan: At hayaang ang walang hanggang liwanag ang
Tumanglaw sa kanya (kanila).

Namumuno: Mahimlay nawa siya (sila) sa kapayapaan.


Bayan: AMEN.

Namumuno: Ang kanya (kanila) nawang kaluluwa at ang kaluluwa


ng lahat ng sumasampalatayang namayapa, sa awa
ng Diyos ay mahimlay sa kapayapaan.
Bayan: AMEN.

7|Page

You might also like