You are on page 1of 2

4TH QUARTER

IBONG ADARNA

MGA TAUHAN SA IBONG ADARNA

IBONG ADARNA- ang mahiwagang ibon na ang tanging makapagpagaling sa sakit ni Don Fernando
DON FERNANDO- siya ang butihin at makatarungang hari ng Berbanya. Siya ang asawa ni Donya Valeriana at ang
ama ng tatlong prinsipe
DONYA VALERIANA- siya ang butihing asawa ni Don Fernando. Kinilala siya ng mga tao bilang mabait at
maganda
DON PEDRO- siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Sa tatlo, siya ang pinakamakisig ang katawan at
mainam ang postura ngunit namamayani ang kabuktutan sa kanyang puso
DON DIEGO- siya ang pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
-Sa tatlo, siya ang pinakatahimik
- Lagi siyang sumusunod sa utos ni Don Pedro
DON JUAN- siya ang bunso nina Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamamahal ni Don
Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan
LEPROSO- siya ang dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain. Isa siyang tao na may sakit na tinatawag na
leprosyo
ERMITANYO- isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay Don Juan upang hulihin ang Ibong
Adarna
MATANDA- pinahiran niya ng gamot ang sugat ni Don Juan pagkatapos na marinig ng matanda ang dasal ni Don
Juan
DONYA JUANA- siya ang magandang prinsesa ng Armenya. Humahanga si Don Juan sa kanyang kagandahan
DONYA LEONORA- siya ang kapatid ni Donya Juana. Siya ay isa ring magandang prinsesang katulad ng kanyang
kapatid
DONYA MARIA BLANCA- siya ang magandang prinsesa sa kaharian ng Reyno De Los Cristales. Siya ay
gumagamit ng puting mahika. Siya ang sinasabing prinsesa ng Ibong Adarna kay Don Juan
HARING SALERMO- siya ang ama ni Donya Maria. Siya naman ay gumagamit ng itim na mahika. Siya rin ang
nagbigay ng mga pagsubok kay Don Juan upang mapakasalan si Donya Maria

Gawain 1.
Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle box ang mga sampung (10) tauhan sa Ibong Adarna. Bilugan ang mga sagot.

A J B K F D E G H M

R U P O E N M L I A

V A L E R I A N A R

S N D O N J U A N I

A A A D A R N A L A

L T O W N Y Z X K B

E H D C D O P N M L

R L M N O I O P X A

M K E F G R E K Z N

O M M P D D E G S C

N M P Q R X Y T O A

L L E O N O R A S T

You might also like