You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Ikalimang Baitang

I. LAYUNIN:

A. Natutukoy ang mga katangi-tanging Pilipinong natanyag sa panitikan at musika.


B. Nakikilala ang mga katangi-tanging Pilipinong natanyag sa panitikan at musika.
C. Nakapagpapakita ng pagmamahal at tangkilik sa mga katangi-tanging Pilipinong
natanyag sa panitikan at musika.

II. PAKSANG-ARALIN:

Mga Katangi-tanging Pilipinong Natanyag sa Panitikan at Musika


Sanggunian: BEC-PELCVI. B 3.1 .
Batayang Aklat sa HEKASI 5
Kagamitan: puzzle, mga larawan
Pagpapahalaga: Kakayahan ng mga Pilipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan

Magpabalita ng mga pangyayaring may kaugnayan sa paksa.

2. Pagsasanay

Ipahanap sa puzzle ang pangalan ng mga naging tanyag sa larangan ng sining sa


panahon ng Espanyol. Ipasabi ang kanilang natatanging nagawa.

D A M I A N N M" K I A T
O R A P L I T A G L R C
M C R F R A N C I S C O
I R C P B A L A G T A S
N G E H L I N S T L B A
G E L F G R O U V X W Y
O Y O A D O N A Y L P R
E R L I N D A L O P E Z
P U J U A N V L U N A R
J O S E D E L A C R U Z
3. Balik-aral

Ipasabi ang nabuong paglalahat sa nakaraang aralin. Magtanong ng ilang bagay


tungkol dito.

B. Panlinang na Gawain:

Ipabasa ang salitang SINING. Ipabigay ang kahulugan nito.

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat:

May mga Pilipinong napatanyag sa panitikan at musika na may natatanging


gawain tulad nina Amado V. Hernandez, Genoveva Matute, Antonio Molina, Lucio
San Pedro, Nicanor Abelardo, atbp.

2. Paglalapat:

a. Iparinig sa mga bata ang mga kundimang "Bituing Marikit" at "Nasaan Ka Irog."

b. Itanong kung ano ang naramdaman nila nang mapakinggan ang mga awiting ito.

IV. PAGTATAYA:

Isulat ang pangalan ng tinutukoy sa sumusunod na pangungusap.

1. Isinulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa.


2. Nagkaroon siya ng koleksyon ng mga kwento at sanaysay na pinamagatang "Ako'y Isang
Tinig."
3. Nagkamit siya ng Gantimpalang Pamanang Pangkultura ng Republika sa pagsulat ng tula.
4. Isinulat niya ang kwentong may pamagat na "Mga Piling Katha."
5. Kinatha niya ang kundimang may pamagat na "Bituing Marikit."

V. KASUNDUAN:

Ipasaliksik ang talambuhay ng mga napag-aralang natatanging Pilipino sa panitikan at


musika.

Inihanda ni:
Bb. Maria Rowena Juezan

You might also like