You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

I. Layunin:
• Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay:

a) natutukoy ang mga bayani ng Pilipinas, noon at maging sa kasalukuyan.

b) nalalaman ang mga kabayanihang ginawa ng mga bayani ng Pilipinas sa panahon ng pananakop.

II. Paksang Aralin


• Mga dakilang bayani ng lahing pilipino.

Sanggunian:

• Araling panlipunan IV pahina 88-94

Kagamitan:

• Maliit na baul na may lamang katanungan, larawan ng mga bayani,kompyuter o laptop,


overhead projector.

III. Pamamaraang Pagtuturo:

A. Panimulang Gawain

1. Balik Aral:

Ang rebulusyon ng lahing Pilipino.

Pagkilos at pagpupunyagi ng mga Pilipino na mawaksan ang kolonyalismo.

2. Pagganyak:

(Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga bayani. Magtatanong ang mga guro kung kilala ba nila
ang mga bayani na nasa larawan)
-Andres Bonifacio

-Hen. Gregorio H. Del Pilar

- Dr. Jose P. Rizal

- Lapu-Lapu

B. Panlinang na Gawain

1.Paglalahad:

• Ang guro ay magbibigay ng kontribusyon ng mga Bayani ng Pilipinas. Hahatiin ang buong
klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng kalahahting papel na
naglalaman ng mga pangalan ng mga bayani na naka paskil sa pisara. Sa unang pangkat
ay lapu-lapu, gumburza, Jose P. Rizal, Antonio Luna, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio.
Sa pangalawang pangkat ay Emilio Aguinaldo, Heneral Gregorio Del Pilar, Emilio Jacinto,
Diego at Gabriela Silang. Kinakailangan mailagay ng mga mag-aaral ang mga pangalan ng
mga bayani sa ilalim ng kanilang kontribusyon.

2. Pagtatalakay

Graphic Organizer:

Pumili ng dalawang bayani at ilista ang kanilang pagkakaiba at paghambingin ang kanilang pagkakatulad
sa Venn Diagram

3. Paglalahat: (Magtatanong ang guro kung Bakit mahalaga na alalahanin natin ang ginawa ng ating mga
bayani sa ating Bayan?)

C. Pangwakas na Gawain

Paglalapat

Indibidwal na Gawain:
Panuto: ilagay ang tamang sagot sa loob ng kahon tignan at suriin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
mga pangalan ng mga bayaning tinutukoy sa bawat

Pahayag.

Mga katanungan:

1. Ang unang pambansang bayani ng Pilipino. Hari ng Mactan na nakipaglaban sa hukbong


Espanyol ni Ferdinand Magellan.

2. Nagtatag ng kilusang KKK ang bayaning gumamit ng dahas sa pakikipag laban sa mga kastila.

3. Kinikilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas at sumulat ng mga nobelang Noli me tangere at
El filibusterismo.

4. Pinuno ng Maguindanao kilala bilang isang mandirigmang matapang, matalino at magiting.


Idiniklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na si Sultan kudarat ay tunay na bayani hndi
lamang ng Mindanao kundi maging ng buong bansa nong 1975 ipinangalan din sakanya ang
isang tanyag na lugar o lalawigan ng Sultan Kudarat sa Mindanao na bahagi ng SOCCSKSARGEN.

5. Siya ay nagsilbing “Nurse” noong panahon ng himagsikan. Sya ang gumagamot sa mga
sugatang katipunero

Karagdagang Pagsasanay

PANGKATANG GAWAIN:

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod gamit ang apat na larawan na ibibigay itaas lamang ang bandera ng
inyong pangkat o grupo kung alam ninyo ang sagot.
Pangkat 1: Asul

Pangkat 2: Dilaw

Pangkat 3: Pula

Pangkat 4: Puti
III. Pagtataya

Isulat sa patlang ang mga pangalan ng bayaning tinutukoy sa bawat pahayag.

1. Nagtatag ng kilusang KKK?

2.Kinikilala bilang pambansang bayani?

3. Kauna-unahang bayaning Pilipino?

4. Tinaguriang dakilang lumpo.

5. Ang tatlong paring martir?

6. Ipinagtanggol ang pasong tirad sa mga sundalong amerikano?

7. Ipinagtanggol ang isla ng mactan sa mga espanyol?

8. Ang mga bagong bayani ng bansa?

9. Nagsilbing nurse na gumamot sa mga sugatang katipunero.

10. Kilala sa tawag na pepay at nagtatag ng Girl Scout of the Philippines?

Takdang aralin:

• May kilala ka bang mga kontemporaryong bayani na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod
sa iba? O sa lokal na bayan? Pansinin ang kanyang pangalan at ang kabayanihang ginawa niya sa
espasyong iyon

You might also like