You are on page 1of 2

Mahirap ang pinagdaanan ng mga kababaihan at LGBT sa Africa at Kanlurang Asya.

Sa mga rehiyong ito ng mundo, naging mahigpit ang lipunan para sa mga babae at miyembro ng LGBT.
Noong kalagitnaan ng ika-dalawampung siglo o ika-20 siglo lamang pinahintulutan ang mga babae na
makilahok sa pagboto sa ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Subalit sa Saudi Arabia ay noong 2015
lamang sila pinayagang bumoto dahil sa pangako ni Haring Saud. Bukod sa pagboto, hindi rin
pinahihintulutang magmaneho ang mga babae ng sasakyan ng walang pahintulot sa kamag-anak na
lalaki tulad ng asawa, kapatid at magulang. Hindi rin pinapayagan ang mga kababaihan na maglakbay
mag-isa dulot ng banta ng pang-aabuso.

Batay sa World Health Organization o (WHO), mayroong 125 milyong kababaihan ang
Biktima ng FEMALE GENITAL MUTILATION o (FGM), maging bata man o matanda sa dalawampu’t siyam
(29) na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Patuloy parin ang ganitong uri ng gawain bilang bahagi ng
kanilang tradisyon.

Ang Female Genital Mutilation o FGM ay ang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan, bata
man o matanda walang benipisyong medikal sa bansang Africa. Isa itong paniniwala na mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang pagkababae hanggangsa ito ay ikasal. Malaki ang epekto nito sa
kalusugan tulad ng pagdurugo, impeksyon, hirap umihi at paghantong sa kamatayan.

Nariyan din ang kaso ng gang-rape sa South Africa, kung saan ginagahasa ang mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang sila ay magbabago ng kanilang oryentasyon bilang babae pagkatapos gahasain.

Ang Breast Ironing o Breast Flattening ay isa rin sa kaugalian sa Cameroon sa Kontinente ng Africa.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabayo o pagmamasahe sa dibdib ng babae gamit ang martilyo o
spatula na pinaiinit sa apoy. Mayroong 24 porsyento ng mga batang babae edad syam na taon ang
nakaranas nito dahil sa paliwanag ng magulang na ito ay paraan upang sila ay hindi maagang mabuntis,
pagtigil sa pag-aaral at upang sila ay makaiwas na gahasain.

Nababanggit din ang kaugalian sa China na tinatawag na Foot Binding na naging sanhi ng pagkaparalisa
ng mga kababaihan sa China. Ang Foot Binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung
saan ang paa ng babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang tela at isang pirasong bakal o
bubog sa talampakan.

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay Lotus Feet o Lily Feet na halos isang milenyong umiral sa
tradisyon ng China. Sinasabing ang ganitong sukat ng paa ay simbolo ng yaman, ganda at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil ang mga kababaihang ito ay may bound feet, naging
limitado ang pagkilos, pakikilahok sa politika at pakikisalamuha. Sa panahon ng panunungkulan ni Sun
Yat Sen tinaggal ang sistemang ito dahil sa hindi mabuting dulot nito sa mga kababaihan.
Quiz:
Panuto: Pakinggang mabuti ang aking mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1.) Batay sa WHO mayroong 125 milyong kababaihan ang biktima ng FGM. Ano ang ibig sabihin ng
WHO?

A. World Health Organization


B. World Healing Organization
C. World Hazardous Organization

2.) Sa anong taon o ilang taon nakararanas ng Breast Ironing o Breast Flattening ang mga babae sa
Cameroon?

A. 9
B. 19
C. 11

3.) Batay sa aking binasang teksto, ano ang ibig sabihin ng FGM?

A. Female Glans Mutilation


B. Female Genes Mutilation
C. Female Genital Mutilation

4.) Sa anong taon at sa taon lamang na iyon pinayagan ang Saudi Arabia bumoto dahil sa pangako ni
Haring Saud?

A. 2014
B. 2015
C. 2016

5.) Ano ang nangyari sa tradisyon ng China na FOOT BINDING sa panahon ng panunungkulan ni Sun
Yat Sen?

A. Pinalago nya ang sistemang ito?


B. Pinatanggal ang sistemang ito?
C. Wala siyang ginawa.

You might also like