You are on page 1of 2

IKALAWANG-MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN III

TEST I: Isulat ang T kung tama ang pangungusap. Kung mali, itama ang may salungguhit na
salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. May tatlong grupo ng pulo ang kapuluan ng Pilipinas.
2. Pinakamalaki ang Mindanao sa tatlong grupo ng pulo sa Pilipinas.
3. Bahagi ng Visayas ang Palawan.
4. Samar ang pangatlong pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
5. Ang kapuluan ng Pilipinas ay binubuo ng 8,000 na pulo.
TEST I-A: Pagsunod-sunurin ang laki ng sukat ng bawat pulo mula sa pinakamalaki hanggang
sa pinakamaliit. Ang 1 ang pinakamalaki habang ang 10 ang pinakamaliit. Gawin ito sa
kuwaderno.
6. Bohol 11. Mindoro
7. Cebu 12. Negros
8. Leyte 13. Palawan
9. Luzon 14. Panay
10. Mindanao 15. Samar
TEST II: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, palitan
ang salitang may salungguhit upang maging tama ang pangungusap.
16. Ang kapuluan ay binubuo ng mga pulo na iba’t iba ang lawak at hugis.
17. Binubuo ng labing-isang bansa ang Timog Silangang Asya.
18. Ang Pilipinas ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig.
19. Magkakahiwalay ang mga katubigan sa daigdig.
20. Nakukuha sa dagat ang mga perlas.
21. Dahil sa pagiging kapuluan ng ating bansa, ang pangingisda ay isa sa mga pangunahing
industriya nito.
22. Ang mga korales ay ipinagbabawal na kunin sa dagat dahil pangitlugan ito ng mga isda.
TEST II-B: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
A B
23. ilog

24. talampas

25. bundok

26. burol

27. kapatagan

TEST III: Ihambing ang nasa hanay A sa hanay B kung ano ang angkop na hanapbuhay sa mga
sumusunod. Isulat ang titik lamang ng tamang sagot.
A. B.
____ 28. Pangingisda a . kabundukan
____ 29. Pagmimina b . kagubatan
____ 30. Pagtotroso c . dagat / ilog
____ 31. Pagsasaka d . kapatagan
TEST III-A : Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutan sa sagutang papel
32. Kusinera si Aling Azon. Saang lugar siya mainam na magtayo ng karenderya?
_____________________________________________________________________________
33. Maghapong nagtatrabaho sa minahan ang tatay ni Dindo, pagod na pagod na siya. Ano
ang maitrutulong mo? __________________________________________________________
34. May restawran ang iyong pamilya. Paano ka makakatulong sa inyong hanap-buhay?
______________________________________________________________________________
TEST IV : Unawain ang mga katanungan at malayang sagutan sa sagutang papel ang mga
sumusunod.
35. Nabalitaan mong maraming namumutol ng punong-kahoy sa kagubatan at ginagawang
ulingin, ano ang gagawin mo?
36. Isinama ka ng tatay mo sa pangingisda at nakita mong may dala-dala siyang pangpasabog
upang madami syang mahuling isda, paano mo sasabihin sa iyong tatay na nakakasira ito ng
kalikasan?
37. Bakit kailangan na panatilihing malinis an gating mga dagat , ilog , at lawa ?
38. Nakita mong may tagas ang inyong gripo at dito nagmumula ang tubig na nasasayang
lamang , paano mo ipapakita ang iyong pagiging isang huwaran?
39. Ano ang kahalagahan ng pinagkukunan ng ating kabuhayan?
40. Paano mo iingatan ang ating kalikasan?

You might also like