You are on page 1of 4

ROWING MINDS TUTORIAL CENTER

BSU- IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 1

Pangalan: __________________________________________ Iskor: __________


Panuto: Basahin ang mga tanong at Bilugan ang TITIK ng tamang sagot.

1. Ito ay ang lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay.


A. mapa B. distansya C. gitna
2. Ang lokasyon ng isang lugar ay matutukoy sa tulong ng mga ________________.
A. direksiyon B. distansya C. paaralan
3. Ang _______________ ang nagsasabi kung ano ang kinakatawang bagay o lugar ng bawat hugis o kulay na
ginamit sa mapa.
A. distansya B. direksiyon C. pananda
4. Larawan ito ng lokasyon ng lugar
A. mapa B. direksiyon C. cellphone
5. Ito ay nasa kabila ng kanan
A. Itaas B. kaliwa C. ibaba
6. Ang distansiya ay tumutukoy sa lapit o layo ng dalawang bagay. Tingnan ang larawan na nasa ibaba. Ano
ang iyong masasabi dito?

Dino

Ana
Carla

A. Mula kay Dino mas malapit ang distansiya ni Carla kaysa kay Ana
B. Mula kay Dino pareho lamang ang distansiya nina Ana at Carla
C. Mula kay Dino mas malapit si Ana kaysa kay Carla

7. Tingnan muli ang larawan na nasa sa itaas. Sino sa dalawang bata ang mas malayo mula kay Dino?
A. Carla B. Ana C. Dino
8. Tingnan ang larawang nasa ibaba. Alin sa mga bagay ang mas malapit ang distansiya mula sa pisara?

A. mesa B. upuan C. pisara

9. Mula sa bola, aling bagay ang mas malapit?

A. lapis B. bag C. bola


10. Tingnan ang larawang nakabigay sa ibaba, pag-aralan ito. Sa iyong palagay ilang hakbang ang distansiya
mula sa pisara hanggang sa upuan?

14 Hakbang B. 16 hakbang C. 12 hakbang

11. Tingnan ang mga bagay. Alin sa mga ito ang nasa kaliwa ng lapis?
A. pambura
B. aklat
C. bag
12. Tingnan muli ang larawan na nasa itaas. Alin sa mga ito ang nasa kanan
ng lapis?
A. pambura
B. aklat
C. bag

13. Tingnan ang larawan ng mga hayop. Ilan sa mga ito ang naka harap sa kanan?

A. tatlo
B. apat
C. lima

14. Ilan naman sa mga hayop na ito ang nakaharap sa kaliwa?


A. lima B. anim C. apat

15. Tingnan ang larawan. Anu-ano ang mga bagay na makikita sa harapan ni
Carla?

A. bahay, ilaw, kotse


B. aso, halaman, upuan
C. upuan, ilaw, halaman

16. Muling tingnan ang larawang ibinigay sa itaas. Ano naman ang mga bagay na
Na makikita sa likuran ni Carla?
A. aso, halaman, upuan
B. ilaw, bahay, kotse
C. ilaw, aso, kotse
17. Pagmasdan ang iyong silid-paaralan. Anu-ano ang mga bagay na malapit
sa iyong silid-paaralan?
A. halaman, mga bahay, simbahan
B. mga sasakyan, simbahan, palengke
C. mga upuan, pisara, mesa
18. Anu-ano naman ang mga bagay na malayo sa iyong silid-paaralan?
A. mga upuan, kabinet, mesa
B. simbahan, palengke, ospital
C. pisara, desk, mesa
19. Nakatira si Elay sa kabilang ibayo na nasa pagitan ng ilog. Ano ang
maaaring
gamiting sasakyan ni Elay upang makarating sa paaralan?
A. dyip B. traysikel C. Bangka
20. Ang uri ng transportasyong ginagamit ay naaayon sa distansiya o layo ng
lugar na ating pupuntahan. Kung ako ay pupunta ng Maynila alin sa mga sumusunod na transportasyon ang
aking sasakyan?
A. pedicab B. bisikleta C. bus
21. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na malaman ang distansiya sa pagitan
ng dalawang bagay sa aking paligid?
A. Upang malaman ko ang laki at liit ng dalawang bagay
B. Upang malaman ko layo at lapit ng dalawang bagay
C. Upang malaman ko ang kapal at nipis ng dalawang bagay
22. Bakit mahalaga na malaman ang mga direksiyon?
A. Nakakatulong na malaman kung nasaan ang hinahanap
B. Nakakatulong na malaman kung malinis ang lugar
C. Nakakatulong na malaman kung masarap ang pagkain
23. Bakit mahalaga ang paggamit ng mapa?
A. Nakakatulong sa paghahanap ng nawawalang tao
B. Nakakatulong sa paghahanap ng trabaho
C. Nakakatulong sa paghahanap ng lugar o lokasyon

24. Si Don Martin ay isang turista. Nais niyang pumunta ng Ilocos at Baguio upang
mamasyal at makita ang mga magagandang tanawin. Bumili siya ng mapa upang Makita
ang mga lugar na nais niyang puntahan. Sa iyong palagay, makakatulong bas a kanya ang
mapa?
A. Opo, makakatulong sa kanya
B. Hindi poi to makakatulong sa kanya
C. Hindi po ako sigurado kung ito ay makakatulong sa kanya
25. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan
saiyong paligid sa paaralan?
A. Upang matuwa ang aking guro
B. Upang maging maayos at malinis an gaming paligid
C. Upang dadami ang tutulong sa aming paaralan
26. Ito ay estrakturang nadadaanan kung saan namimili ang mga taong pagkaing niluluto?
A. Bangko B. Remittance Center C.Palengke
27. Ito ay estrakturang nadadaanan kung saan nakakapag-impok ang mga tao ng kanilang pera.
A. Botika B. bangko C. palengke
28.Ito ay estrakturang nadadaanan kung saan ang maraming tao ay nagpapacheck-up at mayroong libreng
bakuna.
a. Botika b. Health center C. palengke
29. Ito ay estrakturang nadadaanan kung saan ay nakabibili ng mga gamot at bitamina.
a. botika b. palengke c. health center
30. Ito ay estrakturang nadadaanab jkung saan ang mga mag-aaral ay natututong bumasa at sumulat.
a. parke b. paaralan c. bangko
31. Masaya si Ana na naglalakad sa at naglalaro sa parke, naakit siya sa mga magagandang bulaklak na
nakatanim rito, ngunit may karatulang “ Bawal pumitas ng bulaklak”. Ano ang dapat gawin ni Ana?
A. Pipitas pa rin ng bulaklak
B. Hindi papansinin ang karatula
C. Sumunod sa sinasabi ng karatula
32. Nakita mo ang kaklase mo na mayroong dala na mga basura, ano ang dapat mong gawin/
a. Kukunin ko at itatapon ko sa ilog
B. Tutulungan ko sila at itatapon ito sa tamang tapunan
C. Balewalain na lamang sila
33. Bilang isang mamamayan ng iyong barangay, ano dapat sa mga sumusunod ang ginagawa mou pang
makatulong?
A. Tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisian ng paaralan.
B. Magkakalat na lamang ako
C. Hindi ako maglilinis
34. May mga lumang gamit ikaw na nakatambak lamang sa inyong bahay at ng tingnan mo ito ay halos ayos pa
ang iba, ano ang maaari mong gawin?
A. Itapon na lamang dahil pang pasikip lamang ito
B. Magsagawa ng reduce,reuse, recycle
C. sunugin na lamang ito.
35. Nakita mo na sumakay ang iyong kaklase sa traysikel papuntang eskwelahan. Ang papuntang eskwelahan
ng iyong kaklse ay _________.
A. malapit lamang B. kayang lakarin C. malayo
36. Naglalakad lamang ako papunta sa bahay ng aking kaklase. Ang bahay nila ay _________ sa aming bahay.
A. malapit lamang B. sobrang layo C. katamtaman
37.Sa halip na plastic bag mula sa supermarket ay nagdadala kami ng eco bag upang ilagay ang aming mga
pinamili. Saiyong palagay tama ba ito?
A. Oo, upang hindi na makadagdag ng basura sa mundo
B. OO, dahil mas mura
c. Hindi, dahil dagdag rin ito bsa kalat
38. Kapag nagsi-sipilyo si Tonyo ay hinahayaan niyang nakabukas ang gripo at tuloy ang tulo nito. Ano ang
gagawin mo?
A. Pababayaan ko si tonyo
B. pagsasabihan ko sya na patayin ito kapag hindi ginagamit
C. Wag na lamang pansinin
39. Lagi nakabukas ang mga ilaw nyo, at nakasaksak rin lahat ng mga appliances sainyong bahay tuwing kayo
ay naalis, ano kaya ang posibleng mangyari kung ito ay magtutuloy?
A. Maaaring pagsimulan ng sunog at iba pang disgrasya
B. walang mangyayari
C. Manatili lamang na kalmado
40. Nakita mo si Bernice na nagtatapon ng basura ngunit hindi ito nakabukod-bukod, ano ang maari mong ipayo
sakanya?
A. Dapat ipagbukod-bukod mo ito
B. Pabayaan siya
C. Kunin ang basura sakanya at ikaw na ang magtatapon.

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at isulat naman ang MALI kung
hindi ito wasto.
________41. Maipakikita ang pagpapahalaga sa paaralan a pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
________42.. Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral.
________43. Mahalaga ang mga paaralan sapagkat dito natututo ng maraming bagay ang mga bata.
________44.. Wala ng pag-asang makapag-aral ang mga batang hindi nag-aaral.
________45. Ang mga batang nag-aaral na ay dapat na lalo pang pag-butihin ang kanialng pag-aaral.
_________46.Dapat sisihin ang mga magulang kapag hindi nakapag-aaral ng mga aralin ang mga bata sa
paaralan.
________47.. Hindi kinakailangan sundin ng mga bataang nag-aaral ang mga alituntunin sa kanilang paaralan.
________48. Nararapat lamang na unahin muna ang paglalaro bago gumawa ng mga takdang aralin.
________49. Hindi kailangang tulungan ang mga batang hindi nakapag-aral
________50.. Dapat pahalagahan ng mga batang nag aaral ang mga kanilang paaralan at mga natutuhan dito.

You might also like