Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
PAPAYA NATIONAL HIGH SCHOOL
NARRATIVE REPORT
Enero 16, 2025 ganap na ika-9:30 ng umaga ay nagkaroon ng pagpupulong ang SGC
Officers at mga miyembro nito sa ICT room ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Papaya. Sa
nasabing pagpupulong ay dumalo ang Designated Co-
Chairperson ng SGC na si G. Marcelo B. Evangelista at
dalawang Non- Voting Members na sina Gng. Rosa S.
Bisa at Gng. Celedonia G. Bumagat. Nagsimula ang
pagpupulong sa pamamagitan ng isang panalangin sa
pangunguna ni Bb. Maricar Llagas at sinundan ito ng
pag-uulat ng mga kaganapan ng nakaraang Quarter 2
na ginampanan ni Gng. Diana Rose A. Sawali ang
Kalihim ng samahan ng SGC.
Ang unang agenda sa pagpupulong ay ang Exit
Assessment SIP na ipinaliwanag ng Faculty President ng
paaralan na miyembro din ng SGC, Gng. Rafaela Lilian E.
Caringal at kaugnay nito ay nagpasagot ng isang checklist sa mga dumalo tungkol sa School-
Based Management (SBM) Self- Assessment.
Sinundan ito ng usapin tungkol sa pagpapagawa ng pathway simula sa room ng
Roentgen pababa sa ating Cultural Hall. Sa puntong ito ay hiningan ng opinyon ang ating
Designated Co- Chairperson at mga kasama nito kung ano ang nararapat gawin at kung
papayag sila sa mungkahi ng paaralan na ang pondo na gagamitin sa pagsasakatuparan ng
nasabing pathway ay manggagaling sa tirang pondo ng SSG. Sa pagkakataong ito ay
nagtanong muna si G. Marcelo B. Evangelista kung ang binabalak ba na pathway ay hindi
magiging sagabal sa pagsasagawa ng iba’t-ibang gawaing pang- sports. Sinagot ito ni Mam
Rafaela Lilian Caringal na hindi naman sapagkat ito ay naisangguni na muna kay G. Bernardo
M. Elarmo na siyang Sports Coordinator ng paaralan bago
pa man ito nagkaroon ng pagpaplano.
Isa pa ding isyu na napag-usapan sa pagpapagawa ng
pathway ay ang buhangin kung saan nabanggit na
dumulog si Gng. Ramona N. Garcia sa ating Punong
Barangay upang humingi ng pahintulot sa pagkuha ng
buhangin ng mga mag-aaral na isa sa materyales na
gagamitin sa paggagawa ng pathway, subalit ayon sa
ating Punong Barangay ay hindi pa maaari sa ngayon ang
kumuha ng buhangin sa tabing-dagat, kaya
napagpasyahan ng paaralan na bumili na lamang ng
buhangin. Sumang-ayon ang SGC officer at members na
nakaharap sa pagpupulong para sa pagpapagawa ng pathway. Ayon kay G. Marcelo B.
Evangelista ay kung sakaling hindi sapat ang pondo para sa pagpapagawa ay muling
magpatawag ng pagpupulong ng SGC upang mapag-usapan kung ano ang dapat gawin.
Address: Brgy. Papaya, Tingloy, Batangas
E-mail: 301134@deped.gov.ph
Cellphone Nos.: 0907-197-2812 1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
PAPAYA NATIONAL HIGH SCHOOL
Napag-usapan din ang tungkol sa pagsasaayos ng Cultural Hall na ayon sa ating
Designated Co- Chairperson ay ipapaubaya na lang sa tulong na mangagaling sa ating mahal
na
Congresswoman Jinky Jerville Luistro Bitrics. Iminungkahi niya na kung maaari ay sama-sama
ang buong puwersa ng paaralan at ng SGC upang muling kumatok sa tanggapan ng ating
Congresswoman, bahala na ang paaralan magbigay ng
schedule at ipabatid na lang sa kanila kung kailan.
Ang huli sa naging agenda ay ang magiging
sunod na proyekto ng samahan para sa taong 2025-
2026. Napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng
extension ng ating covered walk at kung ano ang
maaaring pagkuhanan ng pondo para dito.
Ang lahat ng napag-usapan sa araw na ito ay
buong puso po kaming umaasa na kayo ay aming
maging kaisa at kaagapay sa magandang hangarin
para sa ikatatagumpay at higit sa lahat ay ikauunlad
ng ating paaralan.
Prepared by:
Noted by:
DIANA ROSE A. SAWALI MARK LAURENCE E.
ALVAREZ
SGC- ELECTED CO-CHAIRPERSON
SGC Secretary
MARCELO B. EVANGELISTA
SGC- DESIGNATED CO-CHAIRPERSON
Assested by:
RAMONA N. GARCIA
SGC CHAIRPERSON
Address: Brgy. Papaya, Tingloy, Batangas
E-mail: 301134@deped.gov.ph
Cellphone Nos.: 0907-197-2812 2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
PAPAYA NATIONAL HIGH SCHOOL
Address: Brgy. Papaya, Tingloy, Batangas
E-mail: 301134@deped.gov.ph
Cellphone Nos.: 0907-197-2812 3