0% found this document useful (0 votes)
54 views4 pages

Huling Paalam

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal at iba pang mga makatang Pilipino, na nagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa bayan at pagnanais para sa kalayaan. Ang mga tula ay puno ng damdamin, paghihirap, at pag-asa na naglalarawan ng kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamamahala. Ang mga mensahe ng pagkakaisa at pag-ibig sa bayan ay nangingibabaw sa bawat taludtod.

Uploaded by

Paulyn Pascua
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
54 views4 pages

Huling Paalam

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal at iba pang mga makatang Pilipino, na nagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa bayan at pagnanais para sa kalayaan. Ang mga tula ay puno ng damdamin, paghihirap, at pag-asa na naglalarawan ng kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamamahala. Ang mga mensahe ng pagkakaisa at pag-ibig sa bayan ay nangingibabaw sa bawat taludtod.

Uploaded by

Paulyn Pascua
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

HULING PAALAM

Ni Dr. Jose Rizal Ikaw’y guminhawa laking kagandahang


Isinalin ni Andres Bonifacio akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga’y malagot, mabuhay ka lamang
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, bangkay ko’y maisilong sa iyong
Lupang iniirog ng sikat ng araw, Kalangitan.
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw. Kung sa libingan ko’y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
Masayang sa iyo’y aking idudulot sa mga labi mo’y mangyayaring ilapat,
ang lanta kong buhay na lubhang sa kaluluwa ko halik ay igawad.
malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog At sa aking noo nawa’y iparamdam,
sa kagalingan mo ay akin ding handog. sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
Sa pakikidigma at pamimiyapis at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
ang alay ng iba’y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib, Bayaang ang buwan sa aki’y ititig
matamis sa puso at di ikahahapis. ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki’y ihatid
Saan man mautas ay di kailangan, magalaw na sinag at hanging hagibis.
cipres o laurel, lirio ma’y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan, Kung sakasakaling bumabang humantong
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. sa krus ko’y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
Ako’y mamamatay, ngayong namamalas at dalitin niya payapang panahon.
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
sa likod ng luksang nagtabing na ulap. ula’y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
Ang kulay na pula kung kinakailangan kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko’y isaboy at siyang ikikinang Bayaang sino man sa katotong giliw
ng kislap ng iyong maningning na ilaw. tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
Ang aking adhika sapul magkaisip idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip Idalanging lahat yaong nangamatay,
sa dagat Silangan hiyas na marikit. Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal, na inihihibik ay kapighatian.
taas na ang noo’t walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan. Ang mga balo’t pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
Sa kabuhayan ko ang laging gunita dalanginin namang kanilang makita
maningas na aking ninanasa-nasa ang kalayaan mong ikagiginhawa.
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-
bigla.

PAULYN PASCUA- BSED FILI 2-5


At kung ang madilim na gabing
mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga’t
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;


kaipala’y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara’t salterio’y magsaliw,
ako, Bayan yao’t kita’y aawitan.

Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat


at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa’y asarolin at kahuya’y ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw,


mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo’y makipisan.

Kung magkagayon ma’y, alintanahin


na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka’t himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo’y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,


ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,


Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako’y patutungo sa walang busabos,


walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo’y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid


kapilas ng aking kaluluwa’t dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,


paalam estranherang kasuyo ko’t aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

PAULYN PASCUA- BSED FILI 2-5


ANG PAGTATAPAT Mithi kong sa lantang bulaklak ng
nasa’yHamog ng halik mo ang
Ni Lope K. Santos magpapasariwa.Mithi kong sa minsang
pagsikat ng tala,Ay wala nang ulap na
makagambala;
Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,Sa ulo
Mithi kong ang tibay ng ng minsanangsump
moý ako ang buong masilid.Ibig kong kung
a’yMabaon ko hanggang tabunan ng
iyang mataý tumititig,Sa balintataw mo akoý
lupa.Mithi kong kung ako’y mabalik sa
mapadikit.
wala,Ay sa walang yao’y huwag kang
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,Ang mawala
labi koý siyang lumasap ng tamis.Ibig kong
sa bawat pagtibok ng dibdib,Bulong ng
dibdib ko ang iyong marinig.
Hangad kong kung ikaý siyang nag-
uutos,Akung-ako lamang ang
makakasunod.Hangad kong sa iyong mga
bungang-tulogKaluluwa ko lang ang
makapupulot.
Hangad kong sa harap ng iyong alindog,Ay
diwa ko lamang ang makaaluluod.Hangad
kong sa “altar”ng iyong pag
irog,Kamanyang ko lamang ang naisusuob.
Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,Ang
ngalan ng lumbay ay huwag Mabasa. Nais
kong sa mukha ng ating ligaya,Batik man ng
hapis ay walang makita.
Nais kong ang linis ng ating panataý,Huwag
marungisan ng munting balisa, Nais kong
sa buhay ng ating pag-asa’yWalang
makatagpong anino ng dusa.
Nasa kong kung ikaý may tinik sa puso,Dini
sa puso ko maunang tumimo. Nasa kong
ang iyong tampu’t panibughoy,Maluoy sa
halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawat hiling mong
mabigo,Ay mabayaran ko ng libong
pangako. Nasa kong ang bawat luha mong
tumutulo,Ay mga labi ko ang gamiting
panyo.

PAULYN PASCUA- BSED FILI 2-5


ANG AMAIN NAMIN

Amain naming sumasaconvento ka,


sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa
langit.
Saulan mo cami ngayon nang aming
kaning iyong inaraoarao
at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pag papataua mo kung kami
nacucualtahan;
at huag mo kaming ipahintulot sa iyong
manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.

ABA GINOONG BARYA


Aba ginoong barya,
nakapupuno ka ng alkansiya,
ang prayle ay sumasainyo.
Bukod ka niyang pinagpala’t higit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong
mapasok.
Santa Barya, Ina ng Deretsos,
ipanalangin mo kaming huwag anitan
ngayon at kami ipapatay.
Siya nawa.

PAULYN PASCUA- BSED FILI 2-5

You might also like