0% found this document useful (0 votes)
55 views6 pages

Panulaan

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang anyo ng tula mula sa mga kilalang makatang Pilipino. Kabilang dito ang Tanka, Awit, Oda, Dalit, Soneto, at iba pang anyo na nagpapahayag ng damdamin, pagmamahal, at karanasan ng mga tao. Ang mga tula ay sumasalamin sa mga tema ng pag-ibig, kalikasan, at ang pakikibaka ng bayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
55 views6 pages

Panulaan

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang anyo ng tula mula sa mga kilalang makatang Pilipino. Kabilang dito ang Tanka, Awit, Oda, Dalit, Soneto, at iba pang anyo na nagpapahayag ng damdamin, pagmamahal, at karanasan ng mga tao. Ang mga tula ay sumasalamin sa mga tema ng pag-ibig, kalikasan, at ang pakikibaka ng bayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

1.

Tanka

Isinulat ni M.O Jocson

Napakalayo pa nga

Wakas ng paglalakbay

Sa ilalim ng puno Tag-init noon

Gulo ang isip

Awit (Dalitsuyo)

Para kay Selya by Fransisco Baltazar

(Unang bahagi ng Florante at Laura, bago magsimula ang kuwento)

Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig.


may mahahagilap kayang natititik liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan, ang


ikinalubog niring kapalaran sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang 'di basahin, nagdaang panahon ng suyuan namin?


kaniyang pagsintang ginugol sa akin at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang natira kundi ang pag-ibig.
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay ko'y
maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang ginagawa kong pang-aliw sa


dusa. nagdaang panaho'y inaalaala, sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Sa larawang guhit ng sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso't panimdim


nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at 'di mananakaw magpahanggang libing.
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw sa lansanga't ngayong iyong
niyapakan: sa llog Beata't Hilom na mababaw, yaring aking puso'y laging
lumiligaw.

Di mamakailang mupo ng panimdim sa puno ng manggang naraanan natin


sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang ulilang sinita'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik sa buntung-hininga nang ika'y may


sakit, himutok ko noo'y inaaring-Langit, Paraiso naman ang may tulong-silid.

Liniligawan ko ang iyong larawan sa Makating ilog na kinalagian binabakas


ko rin sa masayang do'ngan, yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandit parang hinahanap, dito ang panahong masayang lumipas


na kung maliligo'y sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Parang naririnig ang lagi mong wika tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama, at
sinasagot ko ng sabing may tuwa. sa isa katao'y marami ang handa.

Ano pa nga't walang 'di nasisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas, sa


kagugunita, luha'y lalagaslas, sabay ang taghoy kong O, nasawing palad!

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't Langit?

Bakit baga ngayong kami maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay?


kung gunitain ka'y aking kamatayan, sa puso ko Selya'y, 'di ka mapaparam.
Itong 'di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa, ang
siyang umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba.

Selya'y talastas ko't malalim na umid, mangmang ang musa ko't malumbay
ang tinig: 'di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ng tainga't
isip.

Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na
tapat

Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop, tubo ko'y dakila sa pahunang


pagod; kung binabasa mo'y isa mang himutok ay alalahanin yaring
naghahandog.

Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo


ngayo'y siyang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.

Ahon sa dalata't pampang na nagligid tonohan ng lira yaring abang awit na


nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Ikaw na bulaklak niring dili-dili, Selyang sagisag mo'y ang M.A.R sa Birheng
mag-ina'y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si FB.

Pastoral

Estudyante (Tulang Pastoral) ni Jamie Izza Bactong

Sistemang paulit ulit ay nakakapanghal, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes,


Biyernes, Sabado at Lingo Tila ba gustong pigilan ang oras sa pagtakbo,
Pare, tinatamad ako pagkat bukas lunes nanaman
Sa oras ng klase wari'y wala pa sa sarili, At nang ika'y tawagin lagot, walang
masagot! Mga magulang minsa'y masuspensya, Akala nila'y nagbubulakbol,
Yun pala'y sa deadline ika'y naghahabol

Oda

Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulakiak

Pa-ibig ang sa kanyang palad,

Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nangahalina

Bayan ko binihag ka

Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag,

Ang di magnasang makaalpas,

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya.

Dalit o Himno

Ang Posporo ng Diyos by Jose Corazon De Jesus

Sa dilim ng gabiy may gintong nalaglag. may apoy, may ilaw, galing sa itaas,
at dito sa lupa noong pumalapag. nahulog sa bibig ng isang bulaklak
Ang sabi ng iba'y kalulwa ng patay. luha ng bituin, anang iba naman. Lalo
na't sa gabi ay iyong matanaw tila nga bituing sa langit natanggal.

Bituin sa langit at rosas sa hardin, parang nagtipanan at naghalikan din:


nang di na mangyaring sa umaga gawin. ginanap sa gabi'y lalo pang
napansin.

Katiting na ilaw ng lihim na liyag. sinupo sa lupa't tanglaw sa magdamag:


ito'y bulalakaw ang dating pamagat, pospora ng Diyos sa nangaglalakad

Kung para sa aking taong nakaluhod at napaligaw na sa malayong pook.


noong kausapin ang dakilang Diyos ay sa bulalakaw lamang nagkalugod.

Sampalitong munti ng posporong mahal kiniskis ng Diyos upang ipananglaw.


nang ito'y mahulog sa gitna ng daan, nakita ang landas ng pusong naligaw!

Ito'y bulalakaw, ang apoy ng lugod, na nagkanlalaglag sa lupang malungkot.


May nakikisindi't naligaw sa pook: Aba, tinanglawan ng posporo ng Diyos.

6.Soneto

Elihiya

Elehiya para kay Ram ni Pat V Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay

Di mo na kailangang humakbang pa

Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na Ng matitigas na batong


nararaanan mo Habang nakamasid ka lamang

Ang mga batang lansangang nakasama mo


Nang maraming taon.

Silang nangakalahad ang mga kamay Silang may tangang kahon ng kendi't
sigarilyo Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo

Bunga ng maraming huwag at bawal dito Sa mga oras na nais mong itanong
sa Diyos Ang maraming bakit at paano

Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ika'y tao At tanggapin ang uri


ng buhay na kinagisnan mo.

Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.

Buhay na di mo matatanggihan dahil nasa mga palad mo Ang pagsang-ayon,


ang pagtango, at pagtanggap Bilang bagong ama ng lima mong
nakababatang kapatid.

8.Epiko

9.Tulasinta

You might also like