0% found this document useful (0 votes)
30 views4 pages

Ang Guryon

Ang tula 'Ang Guryon' ni Ildefonso Santos ay sumasalamin sa buhay ng tao at ang mga pagsubok na kinakaharap nito, gamit ang simbolismo ng guryon na may kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang tula ay nagtuturo ng kahalagahan ng balanse sa buhay at ang pagpayag na lumipad sa kabila ng mga hamon. Sa kabuuan, ang buhay ay inilarawan bilang marupok at puno ng laban, kaya't dapat tayong magpahalaga sa ating buhay at sa Diyos bago tayo tuluyang mawala.

Uploaded by

ann
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
30 views4 pages

Ang Guryon

Ang tula 'Ang Guryon' ni Ildefonso Santos ay sumasalamin sa buhay ng tao at ang mga pagsubok na kinakaharap nito, gamit ang simbolismo ng guryon na may kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang tula ay nagtuturo ng kahalagahan ng balanse sa buhay at ang pagpayag na lumipad sa kabila ng mga hamon. Sa kabuuan, ang buhay ay inilarawan bilang marupok at puno ng laban, kaya't dapat tayong magpahalaga sa ating buhay at sa Diyos bago tayo tuluyang mawala.

Uploaded by

ann
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

ANG GURYON

ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
ANG PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Kung tatanawin mo sa malayong pook, kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ako'y tila isang nakadipang krus; Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
Organong sa loob ng isang simbahan ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
Ay nananalangin sa kapighatian, dahon ko'y ginawang korona sa hukay
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo't magdamag na
nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng
dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
 Sa unang saknong, mapapansin natin ang mga salitang “kung tatanawin mo sa malayong pook” ay
nagpapahiwatig na tayo ay nagmumuni muni minsan upang makapag-isip o makipag-usap sa Diyos.
 Sa ikalawang saknong, maririnig natin ang musika ng simbahan dahil sa nabanggit na organo
habang ang tinutukoy namang “kandila sa sariling buhay” ay ang naglalamay sa patay. Dito
ipinapakita ang karaniwang eksena tuwing may taong sumasakabilang buhay.
 Ang Ikatlong saknong ay nagpapakita naman ng mga taong nagluluksa o nagdadalamhati. Ang
linyang “sa aking paanan ay may isang batis” ay ang tumutukoy sa mga taong ito. Sa kabilang banda,
isinasaad din ng may akda na ang mga sanga ay sumisimbolo sa kabaong at ang mga ibon ang mga
mahal nito sa buhay.
 Katulad sa ikatlong saknong, ipinapakita sa ikaapat na saknong na ang mga nakikiramay sa libing ay
labis ang pag-iyak na nagpapakita ng tunay na pagmamahal at pagsama sa mga huling oras na ang
taong namayapa dito sa ating mundo.
 Sa ikalimang saknong, “ang kampana sa tuwing orasyon” ay nagpapakita ng pagtunog ng kampana
sa simbahan sa tuwing ihahatid na ang namayapa sa kanyang huling hantungan. Habang ang mga
ibon na sumisimbolo sa mga nagmamahal sa namayapa ay nagbabato ng mga bulaklak sa patay ay
makikita pa rin sa mga mata nila ang mga luhang dumadaloy.
 Ang ikaanim saknong naman ay nagpapakita ng kaganapan sa tao kapag namatay na. Sa linyang
“ngunit tingnan niyo ang aking narating, natuyo namatay sa sariling aliw”, masasaksihan natin na sa
buhay ng tao laging may katapusan.
 Ikapitong saknong, dito makikita natin na parang nagising sa katotohanan ang isang tao at ang
kanyang mga guni guni or tumatakbo sa isipan ay wala ng naidudulot na maganda at di nakakatuwa.

 Sa pang wakas o ikawalong saknong, makikita natin na ang mga panahon na tayo ay parang isang
kahoy na malago’t malabay kapag tayo at bata pa ngunit dadating ang ating katapusan pero sa
kabila nito ay may maiiwan tayong mga memorya na magiging inspirasyon sa iba.

 Base sa aking pagkakaintindi, nais iparating ni Jose Corazon de Jesus sa kaniyang tula na ang
buhay ay parang isang puno, may simula at meron din namang katapusan. Nagsisimula ito sa
pagkabata at patuloy itong nagiging matayog hanggang sa pagtanda. Ngunit lahat ng bagay ay may
katapusan. Dumadating tayo sa punto ng ating buhay na kailangan na nating mamaalam sa mga
mahal natin sa buhay. Kayat habang nabubuhay, matuto tayong magpahalaga sa buhay na binigay
sa atin ng Diyos. Mas maganda kung tatanawin natin ang mga araw na tayo’y nabubuhay kaysa sa
araw ng ating kamatayan. Hindi naman tayo ginawa nang mag-isa. Mayroon tayong makakasama na
dadamayan tayo sa mga problema na kakaharapin natin sa buhay kagaya ng ating mga pamilya,
mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

 Mga Oras na Nalalabi - ipinakita sa ibang bahagi ng tula ang mga nangyayarinsa buhay ng isang tao.
Pumapaloob na rin dito ang mga bagay may kinalaman sa Diyos. Sa buhay ng tao, di natin maaalis
na sa kahit dumating ang mga araw na parang wala ng bukas dahil ss kasiyahan ay darating parin
tayo sa punto na ikakalungkot natin. Ang mga kaganapan ganto ay nagsasanhi ng di magagandang
bagay sa atin.
 Patungo sa Paraiso - Pinapakita din sa sa bahagi ng tula ang pagpapahalaga natin sa buhay ng tao.
Siguro lahat naman sa atin ay nakaranas na ng mawalan ng minamahal sa buhay. Sa tula ipinakita
kung paano binibigyang importasya ang sino mang sumakabilamg buhay na at sinasabi na ito ay
patungo na sa lugar na paraiso.
 Mahimbing na Pagkakahimlay - Sa bahaging ito, makikita natin ang pag pagdadalamhati o luluksa ng
bawat sino man nawalan ng minamahal sa buhay. Ang mahimbing na pagkakahimlay ay nagpapakita
ng pag alis ng mga namatay sa mundong ibabaw.
 Base sa naunawaan sa nabasang tula, masasabi nating ang obra ni Jose Corazon De Jesus na
“Isang Punong Kahoy” ay mayroon malaking maidudulot sa buhay ng mga mambabasa nito. Isa na
dito ang pagtuturo sa mga tao na pahalagahan ang buhay na meron ka ngayon. Kahit nakakaranas
ka man ng hirap ay dadating parin ang na tayo naman makakaranas ng kaginhawaan o kung minsan
naman ay kabaliktaran. Sa kabilang banda, naipapakita din dito ang pag respeto sa mga taong
sumakabilamg buhay na na ngayon nakaalis nasa hirap ng buhay at ngayon masaya na.

Ang Guryon
Ang tulang ito ay isang simbolo ng ating pagkatao, pagkamakabansa,
at sumasalamin sa ating buhay. Sa unang bahagi ng tula, nalaman
natin na ang guryon ay may pula, puti, at asol na kulay, tulad lamang
ng ating watawat. Sumisimbolo ito sa atin bilang mamamayan ng
Pilipinas.
Sa Ikalawang saknong, makikita natin na dapat balansehin natin ang
solo’t paulo’y. Ito’y maaaring sumisimbolo na dapat mayroong balanse
ang ating buhay upang hindi tayo magkiling.

Pagkatapos, isa sa mga aral na makukuha natin ay dapat nating


pabayaang lumipad ang guryon kung ito ay sumimoy ng hangin. Ito ay
sumasalamin sa ating mga kabataan at bansa na naglalayong maging
malaya.

Ngunit, sa buhay natin, mayroong mga malalakas na hangin. Ito ang


mga problema at mga pagsubok na naghihintay sa atin. Kaya dapat
tayo’y makipaglaban at hindi susuko.

Ang buhay nga natin ay totoong parang guryon, marupok, malikot,


dagiti’t dumagit, saan man sumuot. Kaya dapat tayo’y magbigay puri
sa Diyos bago pa tayo tuluyang sa lupa’y sumubsob.

You might also like