You are on page 1of 1

Ang Alegorya ng Yungib

Makakakita siya ng totoong hayop, bulaklak, puno, at bituin sa unang pagkakataon, at mauunawaan niyang mas totoo ang mga may kulay at 3D na bagay kaysa
sa mga anino na nakikita ng kanyang mga mata sa loob ng yungib. At maliliwanagan siya sa kaawa-awang kalagayan ng mga kasamahan niya sa loob ng yungib
na limitado lamang ang kaalaman sa mga ipinapakitang anino.
Sa kwento ni Plato, may kaugalian ang mga tao sa yungib na magbigay ng mga premyo at mga parangal sa mga taong magaling kumilala sa mga imahe ng mga
partikular na anino. Gayunpaman, walang kwenta ang mga premyo at mga parangal na ito sa isang taong nakakita na ng talagang totoo. At kung babalik sa
yungib ang taong ito, magiging katawa-tawa lamang siya sa mata ng mga tao doon.
PANG-UNAWA
Malikhaing iniulat ni Plato ang kanyang epistemolohiya at metapisika sa kanyang Alegorya ng Yungib (book vii ng Politeia), masasabing isa sa pinaka-astig na
istorya sa kasaysayan ng Kanluraning literatura. Sa istorya, mayroong isang grupo ng mga bilanggo na buong buhay nila ay nasa loob ng isang yungib kung saan
nakagapos ang kanilang leeg at mga kamay upang ang makikita lamang nila ay ang isang parte ng yungib.
Ngayon, isipin na lamang na mayroon daw isang bilanggo ang nakatakas/nakalaya. Sa una, ang liwanag ng apoy ay hindi maintindihan at nakakasilaw. Masakit sa
mata. Maiisip niyang iyong pamilyar sa kanya na anino ang talagang totoo at ang nakikita niya ngayon ay isang nakakatakot na ilusyon.
Ngayon, kung siya ay mapapadpad sa labas ng yungib at makikita niya ang sinag ng araw, lalo pa siyang mamamangha (o di kaya ay lalong matatakot). Ang sikat
at liwanag ng araw ay lalo pang makakapagpa-lito sa kanya. Pero, darating ang oras na masasanay na rin siya sa panibagong nibel ng katotohanan na nakikita
niya.
Sa likod nila, ilang hindi pinangalanang tao ang nagpapakita ng mga istatwa ng ilang mga hayop at iba pang mga bagay bagay gamit ang liwanag ng apoy. Kaya
nga lamang, hindi nakikita ng mga bilanggo ang apoy at mga artipisyal na bagay. Ang nakikita lamang nila ay ang mga anino, at para sa kanila ito na ang talagang
kabuuan ng realidad.
ni Plato
Inilalarawan dito ni Plato ang tunay na kalagayan ng isang tao. Paniwalang paniwala tayo na totoong totoo ang mga nakikita natin. Akala natin ay talagang
nabubuhay tayo sa katotohanan. Ginigising tayo ni Plato sa ating mahimbing na pagkatulog, at binabalaan na delikado ang mabuhay sa paniniwala galing sa mga
walang laman na anino. Itinuturo niya ang direksyon ng talagang totoo. May bahid ng totoo ang ating mga nakikita. Pero, hindi pa ito ang talagang totoo.
Parang sa turo ni Kristo. Nabubuhay nga tayo sa mundo. Subalit, kailangan nating lumampas pa dito sapagkat hindi ito ang tunay nating destinasyon. Ang isang
taong nabubuhay sa katotohanan ay kailangang mulat at naliliwanagan ng talagang totoo. At hindi ito madali, sang-ayon kay Plato. Isa itong mahirap at
mahabang pagsasanay; kasama dito ang pagtitiis sa mga panlalait at katatawanan. Subalit sa hulihan, matatanaw ang totoo at mabuti.
Iisipin ng mga dati niyang kaibigan na nawala na ang kanyang katinuan kung ikukwento niya ang totoong kulay berdeng halaman, ang dumadaloy na tubig, at
ang liwanag ng araw. At sang-ayon kay Plato, kung magkakaroon sila ng pagkakataon, papatayin nila ang taong ito, kahit ang talagang gusto lamang niyang
gawin ay sabihin ang totoo at palayain sila sa kanilang kalagayan (kamangmangan).

You might also like