You are on page 1of 12

YUNIT 4

MGA ISYU SA PAKIKIPAGKAPWA


Modyul 13: Ang Sekswalidad ng Tao
• Ang behikulo upang maging ganap na tao-
lalaki o babae- na ninanais mo maging. Hindi
ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan.
2 daan patungo sa natatanging
bokasyon ng tao bilang tao
• Pag-aasawa
• Buhay na walang asawa o celibacy
Ayon sa banal na si Papa Juan Paulo II sa
kanyang akdang “Love and Responsibility”
• Upang gawing higit na katangi-tangi ang
pagmamahal at at upang ito ay maging buo at
ganap kailangang ito ay magkaroon ng
integrasyon. Ibig sabihin, kailangang mailakip
dito ang lahat ng elemento ng tunay na
pagmamahal ayon sa kung alin ang dapat na
mangingibabaw o mauna.
Elemento ng Tunay na Pagmamahal
1. Sex drive o sekswal na pagnanasa (libido)- ang
sekswal na pagnanasa ng tao ay maaari niyang
supilin o hayaang mangibabaw sa kanyang
pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw, maaari
itong magbunga ng kakulangan sa kanyang
pagkatao o maging sanhi ng abnormalidad sa
sekswal na oryentasyon. Sa kabilang banda,
kung mapapamahalaan at mabibigyan ng tuon,
ay maaaring makatulong sa paglago niya bilang
tao at magbigay ng kaganapan sa kanya bilang
lalaki o babae.
Ang Puppy Love
• Kadalasang pinagkakamalan nating tunay na
pagmamahal. Ang totoo maaarin naman ito
maging simula o pundasyon ng tunay na
pagmamahal sa pagdating ng tamang panahon.
Kailangan lamang ng tamang integrasyon ang
nararamdamang senswalidad at damdamin.
• Maaaring bunga ng senswailidad, na pinupukaw
ng mga pandama (senses) at damdamin na
tinatawag na sentiment na bunsod naman ng
emosyon.
Ang tunay na pagmamahal ay malaya
at nagpapahalaga sa kalayaan ng
minamahal
• Ang mahalaga ay huwag mo kalimutan na ikaw
ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda
para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang
at ang iyong nararamdaman ay paghanga
lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.
2. Ang Paggamit sa kapwa at
Pagmamahal
• Ang tunay napagmamahal ay malaya at
nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal. At
dahil nga may malayang kilos-loob ka, walang
sino mang makakapagdikta sa iyo kung sino
ang mamahalin mo. Gayundin nman, hindi mo
madidiktahan ang sinuman na mahalin ka.
3. Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal
• Ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ay
pag-oo at hindi pag-hindi. Ito ay pag-oo sa
pagkatao ng tao. Kung tinitingnan natin ang
tao bilang tao. Ang birtud ay tumitiyak na
kailanman hindi tinitingnan ang minamahal
bilang isang bagay.
• Ang isang taong may kalinisang puri lamang ay
may kakayahang magmahal ng tunay.
4. Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod
• Ang pagmamahal, dahil malaya ay dapat nasa
mga taong kapwa nagmamahalan. Hindi
maaaring iisa lamang sa kanila ang
nagmamahal. Hindi magkaiba o hiwalay ang
pagmamahal sa bawat isa sa isa’t isa. Ang
pagmamahal ay nagbubuklod sa sa dalawang
taong nagmamahalan.
5. Ang Pagmamahal ay isang Birtud
• Ang pagmamahal ay nangangailangan ng
paglinang at pagkilos upang mapa-unlad ito.
Laging tuon dito ay ang ikabubuti ng
minamahal at ng dalawang taong ngayon ay
pinag-isa.
QUIZ
1. Ang behikulo upang maging ganap na tao- lalaki o babae-
na ninanais mo maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na
kakanyahan.
2-3. 2 daan patungo sa natatanging bokasyon ng tao bilang tao
4. Ayon sa banal na si ________ sa kanyang akdang “Love and
Responsibility”
5. ang sekswal na pagnanasa ng tao ay maaari niyang supilin o
hayaang mangibabaw sa kanyang pagkatao.
6. Kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal.
7. Isang pagkilos, ito ay pag-oo at hindi pag-hindi.
8. Ang isang taong may kalinisang ____ lamang ay may
kakayahang magmahal ng tunay.
9. Ang ________ ay nagbubuklod sa sa dalawang taong
nagmamahalan.
10. Ang Pagmamahal ay isang _________

You might also like