You are on page 1of 20

ARALING

PANLIPUNAN IV
a. Ano-ano ang mga
pangunahing likas na yaman
ng bansa?

b. Paano ka makatutulong sa
wastong pangangalaga sa
mga likas na yaman sa iyong
pamayanan?
a. Ano ang napansin ninyo sa
mga larawan?
b.Ano-anong uri ng hanapbuhay
ang nakikita ninyo sa larawan?
c. May kaugnayan kaya ang
kapaligiran sa uri ng hanapbuhay
ng isang rehiyon? Paano mo ito
nasabi?
Alamin mo
Saang lugar ka nakatira?
Anong hanapbuhay
mayroon sa inyong
lugar?
Malapit sa Dagat.
Pangingisda. Sa inyong
lugar naman, anong
hanapbuhay
mayroon kayo?
Bakit ito ang uri ng
hanapbuhay sa inyong lugar?

May kinalaman ba ang


hanapbuhay sa inyong lugar sa
kinaroroonan o lokasyon nito?
Kapaligiran
Ang kapaligiran ay ang lahat ng
panlabas na mga puwersa, kaganapan
at bagay na gumagalaw sa ibabaw ng
mundo.
Ang kapaligiran ng isang tao ay
binubuo ng lahat ng mga bagay na
nakapaligid sa kaniya, tulad ng
bahay, gusali, tao, lupa,
temperatura, tubig, liwanag, at iba
pang buhay at walang buhay na mga
bagay.
Ang kapaligiran ay
may kinalaman sa gawain
ng tao sa isang lugar,
lalo’t higit sa
hanapbuhay o
pinagkakakitaan ng mga
naninirahan dito.
Pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
ang hanapbuhay ng mga taong
malapit sa kapatagan.
Pangingisda
Ang hanapbuhay
ng mga taong
nakatira na malapit
sa dagat o katubigan.
Pagmimina,
pagkakaingin,
pagtatanim, at
pangangaso
Pagmimina Pagtatanim naman ang
hanapbuhay ng
mga taong nakatira
sa kabundukan at
kagubatan.

Pagkakaingin Pangangaso
Ang mga lugar na maraming bato at
luwad ay may hanapbuhay na paglililok.
Mauunawaan sa mga halimbawang ito na
may kaugnayan ang hanapbuhay ng tao sa
kaniyang kapaligiran.
`1. Ano ang kapaligiran?
2. Bakit mahalaga ang kapaligiran
sa uri ng hanapbuhay ngmga tao?
3. May pagkakaugnay ba ang
kapaligiran sa uri ng hanapbuhay
ng isang tao? Ipaliwanag.
Gawain A:
Panuto : Gumawa ng poster na
nagpapakita ng hanapbuhay sa iba ibang
kapaligiran.
Pangkat I - Kapatagan
Pangkat II- Malapit sa katubigan
Pangkat III- Kabundukan
Pangkat IV- Kagubatan
Ipakita sa klase at ipaliwanag ang nasa
larawan.
Gawain B
Punan ang GraphicOrganizer upang ipaliwanag ang
nabuong poster.
May
Oo Kaugnayan ba Hindi
ang kapaligiran _______
_____ sa uri ng
______ _______
hanapbuahay
ng tao sa isang
lugar? Paano?
Bakit dapat iangkop ng isang tao
ang kaniyang hanapbuhay sa lugar
na nais niyang manirahan?
Tandaan:
Ang uri ng kapaligiran ay
may kaugnayan sa uri ng
hanapbuhay ng mga tao sa
isang lugar.
Pangkatang Gawain..
a. Gumuhit ng dalawang uri ng
hanapbuhay dito sa ating barangay.
b. Gumawa ng rap tungkol sa mga uri ng
hanapbuhay sa kapaligiran .
c. Sumulat ng isang maikling talata,
ipaliwanag kung paano maiuugnay
ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay
rito.
d. Gamitin ang datos sa graph sa ibaba
at sagutin ang mga tanong.
d. Gamitin ang datos sa graph sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Iba't ibang uri ng mga Hanapbuhay


10

8
Bilang ng mga Tao

0
Pagmimina
Category 1 Pagsasaka
Category 2 Pangingisda
Category 3 Category 4
Pagtatanim

Mga Hanapbuhay

1. Alin sa mga uri ng hanapbuhay ang may pinakakaunting bilang


ng taong may gusto?
2. Ilan ang naghahanapbuhay ng pangingisada?
3. Ilan naman ang naghahanapbuhay ng pagsasaka?
4.Kung pagsasamahin mo ang bilang ng mga taong may
hanapbuhay na pangingisda at pagtatanim, ilan lahat sila?
5.Ano naman ang difference ng bilang ng taong may hanapbuhay
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang uri ng
hanapbuhay na pinahihiwatig sa bawat sitwasyon
1. Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong
sariwang gulay,prutas, at mga bulaklak, Ang lugar na ito ay angkop
sa anong uri ng hanapbuhay?____________________
2. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay angkop sa anong
uri ng hanapbuhay? _______________________
3. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang Luzon.
Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?____
4. Ang mga lalawigang Bukidnon, Batangas, at Mindoro ay may
malawak na pastulan ng hayop tulad ng baka, at kambing.
Angkop sa anong uri ng hanapbuhay?_____________________
5. Malawak na bahagi ng Pilipinas ay katubigan. Kung
pagyayamanin ito, maraming sariwang isda at mga yamang
dagat ang mapakikinabangan . Anong uri ng hanapbuhay
ang naaangkop dito? ___________________
Magsaliksik ng iba’t ibang
uri ng hanapbuhay na
naaangkop sa iba’t ibang
lokasyon ng bansa. Isulat
ito sa kuwaderno sa
Araling Panlipunan.

You might also like