You are on page 1of 32

KABANATA I

Isang Pagtitipon
(Isang Salu-Salo)
TALASALITAAN
1. Itinuturing ng lahat ang pagiging bukas-
palad ni Kapitan Tiyago.
matulungin
2. Ang Pransiskano ay may kagaspangan ang
tinig at walang habas sa pagsasalita.
walang galang
3. Ayon sa kanya, ang mga Indiyo’y walang
turing.
walang utang na loob
TALASALITAAN
4. Maraming napapanganyaya dahil sa
pagtatalo ng pari at tinyente.
napapasama
5. Nanumbalik ang katiwasayan sa
pagtitipon nang umalis ang tinyente.
katahimikan
TALASALITAAN
 piging: pagtitipon
 bantog:kilala
 maluho: magastos
 mapangahas: malakas ang loob
 kalansing: tunog
 makihalubilo: makitungo
TALASALITAAN
Pulutong - karamihan o pangkat ng mga tao
Garil - utal magsalita
Hindi magkamayaw - hindi mapatahimik
Walang pakundangan - padalus-dalos
TAGPO
Isang marangyang handaan ang
nagaganap sa tahanan nina Kapitan
Tiyago sa daang Anluwage.
Dagsa ang maraming panauhin tulad
nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Dr.
de Espadana at ang asawang si Donya
Victorina, Tinyente ng guardia civil at
dalawang paisano.
TAUHAN
Don Santiago de los
Santos
Siya ay mas kilala bilang
kapitan Tiago.
Isang mayamang lalake na
kinikilalang ama ni Maria
Clara.
Siya ang nagpahayag ng
isang pagtitipon na
inihayag sa kanilang lugar
sa Binondo.
TAUHAN
Tiya Isabel
isang matandang babae
na pinsan ni Kapitan Tiago
na siyang umaasikaso sa
mga babae sa pagtitipon
upang mapalagay ang
kanilang mga loob.
Mukha siyang mabait at
hindi gaanong marunong
mangastila ngunit siya ay
madaling mabagot..
TAUHAN
• Padre Sibyla –
Isang Dominiko na
matanda ang hitsura
ngunit makisig at malinis
tingnan.
Siya ay isang kura ng
Binondo, propesor sa San
Juan de Letran at kilala sa
pakikipagtalastasan sa
mga sekular na bagay.
Siya ay pasensyoso,
mabait at matalino.
TAUHAN
• Padre Damaso –
Isang pransiskanong pare na
makumpas at masalita.
Parang si Herkules ang kanyang
katawan.
Ang kanyang pagiging masayahin
ay natatakpan dahil sa kanyang
magaspang na boses.
Siya ay masungit, madaling magalit
at may kayabangan, hindi
tumatanggap ng pagkatalo.

TAUHAN
• G. Laruja –
Maliit at maitim ang kanyang balbas, isa siyang
sibilyang doon na may napakalaki na ilong at tila
mais ang buhok.
Siya’y bagong dating sa Pilipinas
Dalawang Paisano –
mga alalay ng pari
Mga panauhing kabilang sa mataas na antas ng
lipunan –
kabilang dito ang malalapit na kaibigan ni Kapitan
Tyago at may mga kabuhayan din na katulad niya
TAUHAN
• Tinyente Guevarra
Isang matandang
tinyente ng gwardya
sibil, matangkad at
parang mabagsik,
mabagal, matigas at
maikling magsalita.
TAUHAN
• Don Tiburcio de Espadaña –
Isang pilay na Español na tahimik at
may maamong mukha.
• Donya Victorina –
Asawa ni Don Tiburcio na may kulot
na buhok, at makapal ang kolerete sa
mukha.
Tulong sa Pag-unawa
Kapitan (gobernadorcillo)
-pinunong-bayan
Dominiko
-prayleng kasanib ng kapatirang itinatag ni Sto.
Domingo de Guzman
Pransiskano
- prayleng kasanib ng kapatirang itinatag ni San
Francisco de Asis.
guardia civil
-pulis/alagad ng batas
Unawain at Sagutin
1. Ano ang sanhi ng paghahanda ni
Kapitan tiyago?
2. Sinu-sino ang mga dumalong
tauhan? Kilalanin ang bawat isa.
3. Ayon kay Padre Damaso, anu-ano
raw ang katangian ng mga Indiyo?
Sino ang tinatawag na mga
Indiyo?
Unawain at Sagutin
4. Bakit ganoon na lamang ang
pagkagalit ni Padre Damaso sa
Kapitan Heneral?
5. Ano ang sanhi ng mainitang
pagsasagutan ni Padre Damaso at
ng tinyente? Paano nanumbalik
ang katiwasayan.
PAGSUSURI
 Anu- anong mga kaugaliang Pilipino sa
mga pagtitipon ang mga masasabing
hindi kasiya-siya? Pag-isipang
mabigyang lunas ang mga ito.
 pagdalo sa pagtitipon na walang
paanyaya>>> paanyaya de tarheta
 ang nagpapapiging ay di binilang na
pusa
 Paano inihambing ni Rizal ang
Pilipinas sa bahay ni Kapitan Tiyago?
 Una, sa pangangalakal
 Ikalawa, pagpasok ng bagong kaisipan
 kimi sa una
 Bakit karaniwan sa mga Kastila na
naparito sa Pilipinas noon ay
sumasama kahit na sa simula ay may
mabubuting kaisipan at kalooban?
 Ito ba ay totoo hanggang ngayon?
 Ano ang pintas ni Rizal sa di
kasiya-siyang gawi ng mga Intsik
noon?
 Ikaapat na talata tungkol sa Intsik
na nag-iigib ng tubig
 Ano ang sinasagisag ng pagtatalo ni
Padre Damaso at Tenyente Guevarra?
 Mahirap pag-sahin ang simbahan at
pamahalaang sibil sa pamamahala sa
ibang bansa tulad ng umiiral sa atin
noon panahong iyon.
 hal. Heneral Bustamante
 Ano ang kabuluhan ng sinabi ni Padre
Damaso na: “Ano bang hari ni hari-
harian? Sa ganang akin ay walng hari
kundi yaong tunay lamang…”?
 pag-aagawan sa trono sa Espanya ng
mga Carlista laban sa mga liberal at
imperyalista o kapanalig ng Reyna
Cristina. ang mga prayle ay Carlista.
 Ano ang naging bisa nito sa
pamahalaan at lipunang Pilipino noon?
 Dahil sa pagpapalitan ng ga hari,
maaring liberal o makareaksyon
(conservative), ang mga Kapitan-
Heneral ay papalit-palit din.
 Anu-ano ang mga ikinagagalit ni Padre
Damaso na pilit niyang inihanap ng
pagkakataong masingit sa kanyang
pakikipag-usap sa mga kapulong?
 pagkakapaalis sa kanya sa San Diego
dahil sa pagpapahukay ng bangkay.
 ang pagkaalis sa San Diego ay
pagkawala ng mga kasulatan
PAGPAPAHALAGA/KANSER
Sa unang tagpong ito, namamalas na ang mga
sumusunod:
• Unang Pilipino
- pagdalo sa pagtitipon kahit hindi imbitado.
• Pagtatangi ng Kasarian (Gender Discrimination)
- hiwalay sa mga kalalakihan ang mga
kababaihan. Di tulad ng mga lalaki na masasaya,
ang mga babae ay tahimik o pabulong pagnag-
uusap.
PAGPAPAHALAGA
• Pang-aalipusta
- Tinawag ng mga dayuhan, partikular si Padre
Damaso, ang mga Pilipino na "indiyo" o mangmang.
• Pagkamapagpatuloy (hospitality)
- ginamit ni Rizal ang bahay ni Kapitan Tiyago upang
ilarawan ang pagiging mapagpatuloy ng mga Pilipino
lalo na sa mga dayuhan.
• Kapangyarihan
- ipinakita sa eksenang ito na higit na
makapangyarihan ang simbahan kaysa pamahalaan.

You might also like