You are on page 1of 15

Mga Hudyat ng

Pagsang-ayon at
Pagsalungat
HUDYAT
PAGSANG–AYON
Pagpayag

Pakikibagay

Pakikiisa
1. Bilib ako sa iyong sinabi.
2. Ganoon nga ang nangyari sa
kanya.
3. Iyan din ang palagay ko, Jose
Rizal ang sagot.
4. Kaisa mo ako sa bahaging iyan,
lahat tayo ay may karapatan.
5. Lubos akong nananalig na
may plano ang Diyos sa
ating lahat.
6. Totoong matulungin ang mga
bata sa bahay-ampunan.
7. Maasahan mo ako riyan,
tutulungan kitang mag-aral!
8. Oo, iyan na ang sagot.
9. Sang-ayon akong palitan ang
pwesto sa silid na ito.
10. Sige, kumuha ka riyan.
11. Talagang kailangan natin
magpasa ng proyekto.
12. Iyan ay nararapat ilagay sa
basurahan dahil punit-punit na
ang papel mo at ang dumi-dumi
pa!
13. Tama ang sinabi mo, dapat
tayong magtiwala sa Kanya.
14. Tunay na kalunos-lunos
ang sinapit ng mga
biktima ng bagyong
Yolanda.
PAGSALUNGAT
Pagtaliwas

Pagkontra

Pagtutol
1. Ayaw ko ang pahayag na sinabi
mo.
2. Hindi ako naniniwala riyan, may
plano ang Diyos kung bakit
naganap ito sa akin.
3. Hindi ako sang-ayon dito dahil
ang Pilipinas ay isang bansang
sagana sa likas na yaman.
4. Hindi ko matatanggap ang
iyong sinabi, alam kong
mahal niya ako!
5. Hindi tayo magkakasundo dahil
magkaiba ang ating pananaw sa
buhay.
6. Hindi totoong tamad ako, lagi
akong nag-aaral tuwing uuwi ako
mula paaralan.
7. Huwag kang makulit, akin iyan.
8. Ikinalulungkot kong
sabihin na hindi ka
makakukuha ng
pagsusulit mamaya.
9. Maling-mali talaga ang iyong
pananaw sa buhay!
10. Sumasalungat ako sa plano mo,
baka madehado tayo pagdating
ng panahon.
PAGSASANAY
Bumuo ng tig-isang
pangungusap na may
hudyat ng pagsang-
ayon at pagsalungat
ayon sa bawat paksa.
PAKSA:
Markang
nakuha sa
Report Card
PAKSA:
Pagpapatupad
ng One to One
Program sa
Ikapitong
Baitang
PAKSA:
Pagkakaroon ng
gawain o
pagsusulit sa
bawat
pagkikita

You might also like