You are on page 1of 28

PAGPAPASUSO

(BREASTFEEDING)
KAHALAGAHAN NG PAGPAPASUSO

Nagbibigay ng food security


Sagradong pagkain ang gatas ni Mommy kaya perfect 
Maaaring maging impok ng mga Nanay para sa
pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain, edukasyon,
bahay at iba paang P42 bilyong kita ng mga Milk
Companies bawat taon sa Pilipinas
Sa ekslusibong pagpapasuso sa unang anim na buwan,
hindi kailangan ang:
a. Tubig d. AM
b. Tsaa e. Bitamina
c. Juice f. Ibang pagkain
MGA DAHLAN NI MOMMY KUNG BAKIT
NAGPAPASUSO NG DALAWANG TAON O HIGIT PA

Malusog dahil sa antibodies


Bihira magkasakit
Emotionally secure (panatag ang loob at matatag, hindi matatakutin)
40% ang sustansyang maibibigay ng gatas ni Mommy sa malaking Baby
Matatas magsalita
Mapayapa hindi bugnutin at hapunghapo
Ganado kumainsi Baby (2, 3, 4 years old) na sumususo kay Mommy
Ang batang sumususo sa bte hindi developed ang good eating habits
Ang breastmilk ay buhay
Ang breastmilk ay sagradong pagkaing likha at espesyal na regalo ng
Diyos, walang kulang
Ang breastmilk ay bagbibigay ng buhay at gamot
Ang breastmilk ay walang kapantay
SOLUSYON SA WALANG GATAS, KONTING GATAS, KULANG ANG GATAS NI MOMMY

SA LOOB NG SUSO
Kung makikita mo ang laman ng iyong suso, isang kamangha-
manghang makinarya ito
Maliit man o malaki, anumang sukat o hugis, sadyang nilikha ang
mga suso ng isang babae upang makapagpasuso ng isang sanggol 
Ang pagpapasuso ay 90% gawa ng utak (psychological) at 10%
lamang ang pisikal (physical) 
GAWAIN NG MGA HORMONES NA PROLACTIN AT
OXYTOCIN SA PAGPAPASUSO NI MOMMY
Prolactin – gumagawang gatas bago at habang nagpapasuso para sa
maayos na pagdaloy ng gatas
Oxytocin – lumalabas ang gatas pagkatapos sumuso at gagawa uli ng
gata para sa susunod na pagsuso ng bata
SOLUSYON SA WALANG GATAS, KONTING GATAS, KULANG ANG GATAS NI MOMMY

LOVE HORMONES:
Pang-alis at pag-aalala
Sa tuwing si Mommy ay nagpapasuso, dumadaloy sa katawan ang oxytocin,
isang sangkap nanakakatulong upang si Mommy ay makapag-relax.
Mararamdaman niyang unti-unting gumagawa ng gatas sa dibdib at
napapanatag ang kaniyang kalooban.
Kailangan ang love hormones na oxytocin para gumana ang pagdaloy ng gatas
Kapag sumuso si baby, may lumalabas na patak-patak na gatas sa kabilang
suso.
Ang pinakamaasahang palatandaan na gumagana na ang pagdaloy ng gatas ay
ang pagbagal ng pagsuso ni Baby: malalim at regular na lunok.
Sa unang linggo ng pagpapasuso, ilang minuto muna ang kailangan bago
gumana ang pagdaloy ng gatas kung ihahambing sa isang Mommy na bihasa
na sa pagpapasuso
MGA HADLANG SA PAGDALOY NG GATAS NI MOMMY
(MILK EJECTION REFLEX)

MAAARING MAKATULONG
 Panatag ang loob ng may kakayahan magpasuso
 May gumagabay sa pag-unawa sa bagong panganak at
paghikayat sa tamang pagpapasuso
 Nakahiga habang nagpapasuso para makapagpahinga si Mommy

HINDI MAKAKATULONG
X Emosyonal o pisikal na krisis
X Alcohol
X Droga
X Paninigarilyo
X Sobrabgb kape o softdrinks
MGA HADLANG SA PAGDALOY NG GATAS NI MOMMY
(MILK EJECTION REFLEX)

PAGKHAKAB (LATCHING) NI BABY


MALING PAGHAKAB
X Sumususo ang Baby sa utong lamang
X Malayo at hindi gaanong nakabuka ang bibig ni Baby
X Malayo ang baba sa suso
X Ang pagsuso sa gabitong posisyon ay nagdudulot ng sakit o kirot sa
suso ng Mommy
 
TAMANG PAGHAKAB
 Malaki ang buka ng bibi ni Baby
 Mas maraming itim na bahagi (areola) sa itaas ngbibig ni Baby kumpara sa ilalim ng
bibig
 Nakalapat ang itaas at ibaba ng abi ni Baby
 Ang baba ni Baby ay nakadikit sa suso ni Mommy
 Walang sakit na nararamdaman sa paligid ng utong habang
nagpapasuso
MGA HADLANG SA PAGDALOY NG GATAS NI MOMMY
(MILK EJECTION REFLEX)

LAPAT NA HAKAB (ASSYMETRIC LATCH)


Sa simula ng pagsuso, ibinibigay sa babang labi para
masigurong agad susunod lumapat ang itaas na labi
Sa hugis Pinoy na suso, pwedeng di nakadikit sa suso
ang ilong ni Baby. Ngunit sa malaman at malaking
suso nasa ibabaw ng suso ang ilong at nakadikit ito.
MGA HADLANG SA PAGDALOY NG GATAS NI MOMMY
(MILK EJECTION REFLEX)

DAHLAN NG MALING PAGHAKAB


KARANASAN NG SANGGOL
X Bago, ganap na nakapagpapasuso sa tsupon
X Pansamantalang pagbigay
X Maliit o mahinang bata
 
KARANASAN NG NANAY
X Unang anak
X Kasalukuyang nagpapasuso sa bote (mixed feeding)
X Utong na hindi nakalabas (nakalubog ito)
X Paninigas o pamamaga ng suso
X Hindi agad nakapag-umpisang magpasuso
X Kulang sa suporta ng pamilya at komunidad
X Kakulangan sa kaalaman para sa tamang pagpapasuso ng doctor, nurses
at mga midwives
MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAKAKUHA NG
SAPAT NA GATAS ANG BABY SA SUSO NI MOMMY

MGA INIISIP NI MOMMY


X Kulang ang tiwala sa sariling kakayahan
X Pag-aalala
X Ayaw magpasuso
X Pagtanggi ni Baby sumuso
X Karanasan sa karahasan
 
PISIKAL NA KONDISYON NI MOMMY
X Pidoras para di mabuntis
X Pagbubuntis
X Kulang sa pagkain
X Alak
X Sigarilyo
MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAKAKUHA NG
SAPAT NA GATAS ANG BABY SA SUSO NI MOMMY

MGA DAHILAN
X Hindi agad nakapagpasuso
X Hindi madalas magpasuso
X Hindi nagpapasuso sa gabi
X Madalang na pagpapasuso
X Maling paghakab
X Botelya at pacifier
X Pagbibigay ng maagang pagkain sa bata
 
KALAGAYAN NI BABY
X May sakit
X Hindi hubog ang kaisipan o kakulangan noong isinilang
PALATANDAANG TAMA ANG
PAGPAPASUSO

6-8 basang lampin sa isang araw (kasama rito ang


pinagpawisang damit sa init ng panahon sa Pilipinas
2-5 dumi sa isang araw (sa mga unang lingo)
Maaaring maramdaman ang pagkakaiba sa suso bago (mabigat)
at pagkatapos (magaan ang dibdib) sumuso si Baby
Isang lingo pagkatapos ipanganak, pangkaraniwang bumababa
ang timbang ng sanggol ng 5-10%
Pangkaraniwang dagdag na timbang: 100 – 200 gramo o 4 – 8
ounces sa isang lingo; 500 – 800 gramo o 1.1 – 1.8 lbs. buwanan
PAALALA: Ang World Health Organization (WHO) ay may
makabagong Growth Standard para sa mga Breastfed Babies
noong 2004. Iba ito sa pagpapasuso sa bote.
PALATANDAANG TAMA ANG
PAGPAPASUSO
BAKIT UMIIYAK SI BABY
PAGOD: Inaantok, Maingay. Maraming bisita, Magulo
 
HINDI KOMPORTABLE
 May dumi o basa ang lampin
 Mainit
 Malamig
 May nadaganang laruan o bagay
 May usok

SAKIT
 Sakit ng tenga
 Kabag
 Sakit sa tiyanMay impeksyon
 Malapit nagkalagnat
 May sugat
 May turok ng ineksyon
 May kumagat
 Natusok ng kung anumang bagay
 May halak o plema
PALATANDAANG TAMA ANG
PAGPAPASUSO
 GUTOM
 Konting gatas ang nakukuha dahil sa maling hakab
 Growth Spurt- kada 2 o 3 buwan nagbabago ang pangangailangan ni Baby. Mas madalas,
malakas at matagal sumuso si Baby kasi mabilis na siyang lumalaki. Dito nagkakaroon ng
haka-haka ang Mommy na kulang ang gatas niya.
 PAALALA: Nakasalalay sa madalas na pagsuso ni Baby ang paggawa ng gatas sa dibdib

GINTONG ARAL: KUNG MADALAS, LUMALAKAS!


 Kapag madalas pinapasuso si Baby, mas darami ang gatas ni Mommy
 Kapag madalas pinapasuso si Baby, mas maraming makukuha si Baby
 Mas panatag si Mommy, mas kuntento si Baby
 
MGA GABAY
 Nakasalalay sa iniisip at nararamdaman ni Mommy ang daloy ng kanyang gatas, siya ang
magpapasya
 Mahalagang lagging magkasama sina Baby at Mommy, sa araw man o gabi. Matutulungan nito
si Mommy na maging kumprtable sa pagpapasuso
 Nakabatay rin sa paraan at dalas ng pagsuso ni Baby ang pagdami ng gatas ni Mommy
MGA GAMIT NA MAKATUTULOG SA PAGSUPORTA SA
KATAWAN NI MOMMY AT BABY HABANG NAGPAPASUSO

 Nakarolyong tuwalya
 Uang matigas (ang unang malambot dumudulas)
MGA TAMANG POSISYON
PAALALA:
 Dapat lumapit sa suso ang sanggol at hindi ang suso ang lalapit sa
sanggol
 May espesyal na disenyong gawa ng Diyos ang ilong ng sanggol para
makahinga itio sa suso (nose bridge)
CRADLE HOLD (PADUYAN O PAHELE)
 Maayos ang likod ni Mommy nakalapat ang likod sa upuan sa tulong
ng unan, nakasalo ang puwet ni Baby sa kamay ni Mommy at pataas
kupkop nakadikit ang tiyan ni Baby sa tiyan ni Mommy
REVERSED CRADLE HOLD
 Relaks ang paghawak sa Baby, hindi naninigas ang bisig ni Mommy
lahat na katawan ni Baby nakadikit kay Mommy malaking tulong ang
matigas na unan kay Baby at sa tiyan ni Mommy panangga sa tahi lalo
na kung operada si Mommy ng caesarean birth
MGA TAMANG POSISYON
CLUTCH HOLD (SALUKIPKIP)
 Nakikita ni Mommy ang posisyon ni Baby habang sumususo si Baby
nakahiga sa bisig at kamay ni Mommy salumkipkip ang katawan ni
Baby nakadikit si Baby sa suso pati tiyan sa katawan ni Mommy
maaaring gamitin ang posisyon na ito sa mga Mommy na caesarean
birth o si Baby na may bingot
PATAYO
 Nakasalo ang puwet ni Baby sa kamay ni Mommy at pataas ang
kupkop nakadikit ang tiyan ni Baby sa tiyan ni Mommy maaaring
gamitin ang posisyon na ito sa mga Mommy na caesarean birth o si
Baby na may bingot 
LAID BACK POSITION (PAHIGA)
 Sa mga bagong silang relaks si Baby na nakapatong kay Mommy
Gumamit ng damit, kumot, tuwalya na nakarolyo at mga unan
(pangsuporta sa mga braso at binti ni Mommy)
MGA TAMANG POSISYON
SIDE-LYING POSITION (PAHIGANG NAKATAGILID)
 Pinakarelaks ang mag-inang nakahiga si Baby nakasalo ang likod ng
unan, nirolyo na tuwalya o damit si Mommy relaks ang mga paa sa
unan .

MGA POSISYON PARA SA KAMBAL


DUET. Malaking tulong ang mga gumagabay sa Nanay para iposisyon
sa bay ang kambal sa pasimula

TANDEM NURSING. Sabay pasuso sa maliit at malaking anak

ADOPTIVE BREASTFEEDING. Maaaring manumbalik magpasuso si


Lola sa iniwanang kambal na apo. Patagilid ang pagpapasuso.
KAILAN LALABAS ANG GATAS NI
MOMMY
 Sa unang minuto sa pagkasilang ng sanggol ay may nakahanda ng gatas
para sa kanya. Ang tawag sa espesyal na gatas na itoi ay KOLOSTRUM.
Patak-patak lang ito ngunit tama, sapat at eksakto para sa sanggol.

 Ang kolostrum ay pananggalang laban sa sakit dahil ito ay


nagpapatibay sa baga (respiratory tract) at sa tiyan (gastrointestinal
tract) kontra impeksyon.

 Kadalasan, ang paglabas ng gatas ng ina ay dumadami sa pangalawang


araw, normal ito, patuloy lang ang pagpapasuso sa bata upang lalo pa
itong dumaloy.
KOLOSTRUM
 Gintong gatas
 Malagkit at manilaw-nilaw ang kolostrum
 Patak-patak lang ito
 Konti man ito ay sapat na at eksakto pa (ang sukat ng tiyan ni Baby ay
kasinlaki ng holen o itlog ng pugo)
 Nasuso ng baby sa mga unang araw ng buhay
 Kumpul-kumpol ang kolostrum ni Mommy sa pagitan ng 10 araw
pagkasilang. Humahalo ito sa putting gatas ni Mommy
 Unang bakuna ng sanggol
 Pananggalang laban sa sakit
 Kontro-impeksyon, diarrhea at allergies
 Ito ay may pamurgang elemento kaya nailalabas ang meconium (medyo
itim atb erde na tae ng sanggol)
 Kumpul-kumpol sa sustansya at bitamina
 Kumpleto sa tubig
BENEPISYO NG GATAS NI MOMMY
Kumpara sa artipisyal na gatas sa bote, ang gatas ni Mommy ay konti pero
tama, sapat at eksakto sa sustansya at antibodies. Ang artipisyal na
gatas sa bote ay marami sa tubig at kulang sa sustansya at gamot para
ay Baby. Walang kapantay at kapalit ang gatas ni Mommy.

 Hayaan ang sanggol na sumuso hanggang makatapos, kusang bibitiw at


sadyang matutulog na siya
 Ang sangkap ng gatas ni Mommy ay nag-iiba minu-minuto depende sa
pangangailangan ni Baby habang sumususo
 Puno ng antibodies
 Pananggalang laban sa malubjang sakit
 Kontra-impeksyon, diarrhe, allergies, asthma, sakit sa puso at iba pa
BENEPISYO NG GATAS NI MOMMY
FOREMILK (PANG-UNANG GATAS)
 Unang daloy ng gatas
 Pampatid ng uhaw ng bata
 Kakaunti lang ang fats/ taba
 Lusaw tingnan ngunit masustansya
 
HINDMILK (PANGHULING GATAS)
 Mataas ang fats
 Mabigat sa tiyan
 Pampataba kay baby
 Pampatalas ng paningin dala ng sustansya
 Satiating effect o pampabusog
LACTATION MASSAGE (NATATANGING MASAHE
SA PAGPAPADAMI AT PAGDALOY NG GATAS)

 LAYUNIN: Maituro ang nararapat na kagalingan sa pagbibigay ng


Lactation Massage

KAHALAGAHAN NG LACTATION MASSAGE


 Isa sa mabisang paraan para maisulong ang pagpapasuso
 Sa tamang pagmamasahe nagkakaroon ng magandang pakiramdam
ang katawan, isipan at nakakatulong na maalis ang mga negatibong
kaisipang pumipigil sa tamang pagdaloy ng patas
 Sa magandang pamamaraan ng pagmasahe ng isang ina, nagiging
komportableng makapag-isip na maipagpatuloy ang pagpapasuso
 Nagpapadami ng gatas
LACTATION MASSAGE (NATATANGING MASAHE
SA PAGPAPADAMI AT PAGDALOY NG GATAS)

MGA DAPAT TANDAAN


 Kailangang malinis ang kamay at maiksi ang kuko
 Humingi ng permiso bago hawakan ang suso ni Mommy (mas mainam
kung magsimula sa likod papunta sa harap)
 Suportahan ang ulo

MGA HINDI DAPAT GAWIN


 X Huwag magsuot ng alahas habang nagmamasahe
 X Huwag alugin o yugyugin ang suso
 X Hindi magiging dahilan ng sakit
LACTATION MASSAGE (NATATANGING MASAHE
SA PAGPAPADAMI AT PAGDALOY NG GATAS)

MGA GINAGAMIT SA PAGMAMASAHE


 Langis ng niyog
 Langis na galing sa halaman
 Huwag gumamit ng lotion o cream sa suso

IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG PAGHILOT


 Paghagod
 Thumb walk
 Presyur
 Pagdiin
 Painit
 Pagyugyog
 Pahaplos
SUNUD-SUNOD NA HAKBANG NG LACTATION
MASSAGE

 Simulan sa ulo. Hawakan ang noo. Masahiin galing sa taas ng batok


(ilalim ng bungo) hagod pababa hanggang sa leeg para marelas ang
kaisipan.
 Pisilin ang balikat ni Mommy para mawala ang mga pagkabahala at
kapaguran niya
 Tanggalin ang bra ni Mommy
 Hagurin ang likod mula sa balakang paitaas sa balikat na may bigat at
hagod pababang walang bigat
 Diinan ang mga part eng likod at balikat na may namumuong pagod
 Gamitin ang dalawang kamay, hagurin mula sa itaas ng dibdib pababa
sa suso at paikot (parang paru-paro)
SUNUD-SUNOD NA HAKBANG NG LACTATION
MASSAGE

 Masahiin ang ilalim ng suso pataas sa mga gatas na namumuo. Gawin


nang dahan-dahan.
 Masahiin ang suso paikut-ikot dahan-dahan. Bigyan ng suporta ng
isang kamay ang suso habang minamasahe ito. Gamitin ang tatlong
daliri sa pagmasahe. Ginagawa ito para matunaw ang mga namuong
gatas sa suso ni Mommy
 Mula sa utong sa gilid palabas magsukat ng isang hinlalaki. Gamitin
ang hintuturo maaari paikot at bigyan ng konting diin
 Mula sa utong pataas magsukat ng tatlong daliri. Gamitin ang
hintuturo masahi paikot at bigyan ng konting diin
SUNUD-SUNOD NA HAKBANG NG LACTATION
MASSAGE

 Masahiin ilalim ng suso paikut-ikot dahan-dahan. Huwag yugyugin ang


suso
 Masahiin dahan-dahan paharap papunta sa utong para pumunta sa
may utong ang gatas na natunaw
 Masahiin ang areola sa pamamagitan ng hintuturo, paikut-ikot na
maliit
 Marahang pisil at konting padiin sabay ng dalawang hintututo sa
pagitan ng utong para maalis ang mga nakabarang gatas sa utong
upang tuluyang dumaloy ang gatas
 Gamitin ang hinlalaki at hintuturo sa pagpiga ng gatas.

You might also like