You are on page 1of 10

Panunuring

Pampanitikan

Akademikong Sulatin
DEPINISYON
Ang Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga


akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog
ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat
at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga
ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay
maging matapat.
MGA SANGAY
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

Pagdulog

Pananalig
PAGDULOG
Saan ito nagmula? Ano ang layunin nito? Ano ang mga halimbawa? Ano ang mga katangian?
Mahalaga bang pag-aralan ito?

• Pormalistiko - pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo


• Moralistiko - pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa akda
• Sikolohikal - antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayanng may akda
• Sosyolohikal - ng layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda
PANANALIG
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

• Klasisismo - layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan
• Romantisismo - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at
likas; pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
• Naturalismo - isang pilosopikal na pananaw ayon sa kung saan ang lahat ng bagay ay
nagmumula sa mga likas na katangian at mga sanhi, at ang espirituwal na paliwanag
ay hindi kasama
• Impresyunalismo – isang teorya at kasanayan sa panitikan na nagbibigay-diin sa mga
agarang aspeto ng mga bagay o mga aksyon na di binigyang pansin sa mga detalye.
PANANALIG
Mga Uri ng Panunuring Pampanitikan

• Ekspresyunalismo – pagbabago at pagaiba ng mga bagay o mga kaganapan


upang kumatawan ito sa pananaw ng karakter ng isang panitikan
• Simbolismo - paggamit ng mga simbolo upang magpahiwatig ng mga ideya at
mga katangian
• Eksistensiyalismo - binibigyang-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng
mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan; ang tao ay may malayang
pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal
nito at sagayon ay hindi maikahon sa lipunan
• Peminismo - pagkilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat
ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
ISTRUKTURA
Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan

• Pamagat  – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa


na iyong ilalahad sa paghihimay
• Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang
pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
• Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong
mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating
• Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa
teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
• Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
PAKINABANG
Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman
ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

 Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng


may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang
makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita,
matalinghagang paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang
temang iyon. At upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan
na maaaring maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga  trabaho sa kapanahunan
ngayon ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho,
atbp. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag ang
kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya
magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang na ang
natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ibang
pagkakataon sa buhay.
KAHALAGAHAN
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay
ng ating lipunan.

• Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
• Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
• Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay
ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
• At Panghuli, asa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at
upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
At dito nagtatapos ang aming
presentasyon =)

MARAMING SALAM

You might also like