You are on page 1of 42

UNANG

DIGMAANG
PANDAIGDIG
DAAN TUNGO SA DIGMAAN
Pinagsisihan ng isang Swedish
na chemist at pilantropo, ang
kanyang imbesyon na dinamita
na ginamit ng militar.
Pinangunahan ni Aletta
Jacobs, ang unang doctor sa
Netherlands ang pagsuporta sa
pangkat ng kababaihan sa
Europe kagaya ng Women’s
International League for Peace
and Freedom.
SANHI NG UNANG
DIGMAAN
1.NASYONALISMO
2.IMPERYALISMO AT
EKONOMIYA
3.MILITARISMO
4.MGA ALYANSA
SIMULA
Pagsapit ng 1914, hindi na maganda ang relasyon
ng Serbia na isang estado sa Balkan at Austria.
Nangarap ang Serbia na pag-isahin ang lahat ng
mga serb na naninirahan sa Imperyong Austria-
Hungary at bumuo ng Kalakhang Serbia (Greater
Serbia).
Ayaw pumayag ng Germany na noon ay
sumusuporta sa Austria na mahati ang kanyang
imperyo. ANO ANG PINANGANGAMBAHAN NG
AUSTRIA?
Noong HUNYO 28, 1914
dinalaw ni Archduke
Francis Ferdinand, ang
tagapagmana sa tronong
Austria ang lungsod ng
Saravejo, isang lungsod
sa Balkan.
Habang nasa motorcade
kasama ang asawang si
Sophie, may isang lalaki
ang lumapit at binaril
ang mag-asawa.
Ang pagpatay ay ibinintang ni Konde Leopold
von Berchtold sa gobyerno ng Serbia.

GAVRILO PRINCIP – Siya ang


pumaslang kina Archduke
Francis Ferdinand at sa kanyang
asawa sa edad na 19 na taong
gulang.

ANO ANG GINAWA NI BERCHTOLD?

ANU-ANO ANG MGA KAHILINGAN NG


AUSTRIA SA SERBIA?
Sa kabilang dako humingi ng tulong ang Serbia sa Russia. Mula sa St.
Petersburg, tumelegrama si Nicholas II kay William II na bawasan naman
ng Austria ang kanyang mga kahilingan.

ANO ANG GINAWA NG RUSSIA NANG HINDI BINIGYANG-PANSIN ANG


KAHILINGAN?
Humingi ng tulong ang Russia sa kaalyadong France.
Nakakita ng pagkakataon ang mga nasyonalista sa
Paris na maghiganti sa sinapit nila sa Digmaang
Franco-Prussian.
Hiniling ng Germany ang pagiging neutral ng France,
ngunit tumanggi ito, kaya’t idineklara ng Germany
ang digmaan laban sa France noong Agosto at lalo
pang lumaki ang digmaan.
NEUTRALITY – ay isang patakaran ng hindi
pagkiling sa alinmang panig sa digmaan.
Labis na kinatakutan ng Germany ang digmaan sa
kanyang dalawang panig: ang France sa kanyang
Kanluran at Russia sa kanyang Silangan.
ALFRED SCHLIEFFEN – heneral na
bumuo sa isang estratehiya upang
maiwasan ang digmaan na tinawag
niyang Schieleffen Plan.
- Sa planong ito, marapat na talunin
muna ng Germany ang France bago
labanan ang Russia.
-Noong Agosto 6, 1919, sinalakay
ng Germany ang Belgium. Bagamat
pumayag ang Britain at iba pang
bansa sa Europe lumagda sila sa
kasunduan na nagsisiguro sa
pagiging neutral ng Belgium. At
nagdeklara ang Britain ng digmaan
laban sa Germany.
Ang Dakilang Digmaan
(Great War) ay itinuring ng
mga pahayagan na
pinakamalaking digmaan sa
kasaysayan. Pinakilos ng
France ang halos 8.5 milyong
Pranses, 9 na milyong Briton,
12 milyong Ruso, at 11
milyong Aleman.
ANG DIGMAAN SA
KANLURANG
EUROPE
Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan
ay naghukay ng lungga sa malalawak na kanal (trenches)
mula sa hangganan ng Switzerland hanggang Belgium.
ANO ANG “NO MAN’S LAND”?
Noong 1916, nagsagawa ng isang opensiba ang
magkabilang panig. Ginulat ng mga Aleman ang mga
Pranses na nasa Verdun. ANO ANG GINAWA NG MGA
PRANSES?
Ang opensiba ng mga Allies sa may ilog ng Somme ay mas
lalong magastos.
Ang makabagong armas ay nakadagdag sa malawakang
pagwasak dala ng digmaan. ANO ANG NAGANAP NOONG
1914?
LABANAN SA SILANGANG
EUROPE
ANO ANG NAGANAP NOONG AGOSTO 1914?
Sa mga bansa, ang Russia ay hindi handa sa isang
makabagong digmaan. Kulang sa kagamitan ang
mga hukbong Ruso, at madalas ang mga tropa ay
walang armas maging simpleng ripple man
lamang.
Ang digmaan ay naganap din sa Timog-silangang
Europe. ANO ANG NAGANAP NOONG 1915?
LABANAN SA IBANG BAHAGI
NG MUNDO
Naganap din sa mga kolonya ang labanan sa pagitan ng Entente at
Central Powers. Nagdala ang Entente ng hukbo upang sakupin ang
mga kolonya at teritoryo ng Central Powers.
Tinangka naman ng Entente na buksan ang kipot ng Dardanelles
sa Turkey para makapagpadala ng suplay sa mga Ruso.
Sa Timog-Kanlurang Asya, tinulungan naman ng mga Briton ang
mga Arabe na mag-alsa laban sa Imperyong Ottoman. Sa
pangunguna ni T.E. Lawrence, mas kilala bilang “Lawrence ng
Arabia” nasakop ng Entente ang mga lungsod ng Baghdad,
Jerusalem, at Damascus.
ANO ANG NAGANAP NOONG AGOSTO 23, 1914?
Sinakop ng Australia ang German New Guinea,
samantalang sa Africa ay matagumpay na nasakop ng
mga Briton at Pranses ang apat na kolonya ng Germany
na Togo, Cameroon, German Soutwest Africa, at German
East Africa.
Ang pagsasanib-puwersa ng mga bansang ito ay lalong
nagpalakas sa Entente, na sa kalaunan ay tinawag na
ALLIED POWERS.
Sumali naman ang Italy sa panig ng Allied Powers noong
Mayo 1915. Ito ay matapos pangakuan ng lupain ang
Italy ng France at Britain sa kasunduan sa London.
Ang mga lupang ipinangako ay matatagpuan sa Asia
Minor, Africa, at Balkan.
ANG PAGPASOK NG
AMERIKA SA DIGMAAN
BAKIT O PAANO NAKAPASOK ANG AMERIKA SA DIGMAAN
GAYONG HINDI ITO NAKISANGKOT SA MAHABANG PANAHON?
ANO ANG NAGANAP NOONG MAYO 1915?
Lalong nagalit ang Amerika nang mapasakamay ng mga Briton
ang isang telegram noong Pebrero 1917 mula kay kalihim
Arthur Zimmerman ng ugnayang panlabas ng Germany. ANO
ANG NAKAPALOOB SA TELEGRAMA? AT ANO ANG KAPALIT
NG ALYANSANG ITO?
Agad na ipinaabot ng mga Briton sa mga Amerikano ang
mensahe at noong ika-2 ng Abril, pormal nang nagdeklara ng
digmaan ang Kongreso ng Amerika laban sa Germany.
PAGWAWAKAS NG DIGMAAN
Ang patuloy na kakulangan sa mga kagamitang pandigma at pagkain ang
nagbigay-daan upang maganap ang isang rebolusyon sa Russia at nagpabagsak
sa monarkiya ni Tsar Nicholas II. ANO ANG NAGANAP NOONG NOBYEMBRE
1917?
Noong Marso 1918, sinimulan ng mga Aleman ang Malaki nitong opensiba laban
sa Allies.
Matapos ang pagkatalo ng Germany sa Marne, sunod naming bumagsak sa Allies
ang Bulgaria noong Setyembre, 1918.
Dahil sa pagkatalo ng Germany napilitang bumaba sa puwesto si Kaiser Wihelm
II.
Nagpulong sa Paris ang mga kinatawan ng mga bansa mula sa Central Powers at
Allies upang bumuo ng kasunduang pangkapayapaan.
Sa ilalim ng PARIS PEACE SETTLEMENT, nagkaroon ng limang kasunduang
pangkapayapaan para sa Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, at Turkey.
EPEKTO NG UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
TEKNOLOHIYA AT ANG
DIGMAAN
Sa simula pa lamang ng kasaysayan,
ang bawat henerasyon ay gumawa
ng bagong armas na nagpataas ng
pagkakaroon ng pangamba sa
digmaan.
Sa unang pagkakataon, ang digmaan
ay hindi labanan nang harapan. Ang
digmaan ay naganap sa ilalim ng
dagat, sa lupa, at sa dagat.
Inatake ng Germany ang mga submarine o U-
boats ng Britain.
Sa simula pa lang gumamit na ng mga eroplano
ang Britain at Germany para sa pag-eespiya.
Noong 1917, ang dalawang bansa ay nakagawa ng
mga fighter planes at bomber. Ipinakilala ng
Britain ang paggamit ng tangke pati na rin ng
Germany ay ginamit ito sa labanan.
Ang sea at landmines, torpedo boats, Granada,
machine guns at iba pa ay nagawa.
Big Bertha – kanyon na ginamit ng Germany sa
digmaan.
SA EKONOMIYA
Sa simula, ang bawat panig ay nagpatupad ng
mga Sistema ng pagkuha ng tao, armas, at
transportasyon na nagkakahalaga ng milyon-
milyong dolyar.
Nagpataw ng malaking buwis ang maraming
bansa at humiram ng malaking halaga ng
pera upang mabayaran ang gastusin sa
digmaan.
Ang iba pang pangangailangan kagaya ng
pagkain, sapatos at gasolina.
DIGMAANG PROPAGANDA
TOTAL WAR – ay nangangahulugan ng pagkontrol
sa opinion ng publiko.
Ipinagbawal ng gobyerno ang popular na
panitikan, mga babasahing makasaysayan, mga
palabas sa sinehan, at iba pang porma ng sining na
naglalaman ng tungkol sa digmaan.
Inilarawan ng Allies na ang pagsalakay ng Germany
sa Belgium ay Gawain ng isang barbaro,
samantalang ikinalat naman sa pahayagan ng
Britain at France ang mga kabuktutan ng tao sa
mga bansang kalaban.
KABABAIHAN SA DIGMAAN
May mahalagang papel ang kababaihan
sa panahon ng digmaan. Habang ang
mga lalaki ay nasa labanan, pinalitan
nila ang mga lalaki sa maraming
Gawain upang mapagpatuloy ang
ekonomiya.
Maraming mga babae ang nagtrabaho
sa mga industriyang pangmilitar tulad
ng paggawa ng mga armas.
PAGSISIKAP NG MGA BANSA NA
MAKAMIT ANG KAPAYAPAAN
ANG LIGA NG MGA BANSA – bago pa man matapos
ang digmaan, lumikha na ng labing-apat na puntos
(Fourteen Points) si Pangulong Woodrow Wilson
sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan.
Nais niyang magkaroon ng isang organisasyon na
mapayapang lulutas sa mga alitan ng mga bansa.
KASUNDUANG VERSAILLES - ay ang
pinakamahalagang kasunduan sa lahat ng
kasunduang pangkapayapaan na nagdulot ng
katapusan ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Nilagdaan noong Hunyo 28, 1919.
Ang 14 points daw ni Pangulong Woodrow ay makakatulong sa
kapayapaan ng daigdig. Nilalaman ng 14 na puntos:
1. Ipaalam lahat ng kasunduan
2. Kalayaan ng karapatan sa pakikipag digma
3. pag tanggal ng buwis para sa ekonomiya
4. pagbawas ng sandatahang pang digma
5. pag iwas sa pagkiling sa mga suliraning pang kolonyal
6. pagbibigay kalayaan sa Russia
7. kalayaan ng belgium
8. pagbalik ng alsace-lorraine sa pransya
9. pagtalaga ng hangganan ng italya
10. determinasyon para sa mga austrian-hungarian
11. pagsasarili sa mga bansang balkan
12. kalayaan para sa turkey
13. kalayaan para sa Poland
14. pagtatag ng league of nations
LEAGUE OF NATIONS - ay nabuo noon
January 10, 1920 sa Paris Peace Convention
sa pagtatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig.. Isa sa pinakamabigat na layon at
misyon nito ay ang pigilan ang pagsabog ng isa
pang digmaan pandaigdig tulad ng World War
1.
Ang Liga ay nagwakas noong muling sumiklab
ang pangalawang digmaang pandaigdig at
itinuring na bigo ito na makamit at matupad
ang layon na pandaigdigang pangkapayapaan. 
ANG
IKALAWANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
ANG DAAN TUNGO SA
DIGMAAN
Itinatag ng Kasunduang Versailles ang Liga ng mga
Bansa, ang pinangarap ni Pangulong Wilson na
tanging pag-asa upang makamit ang pandaigdigang
kapayapaan.
MANDATE – ay ang pagpapasailalim sa ibang bansa o
sa isang bansa na naghahanda na maging isang
Malaya at nagsasariling bansa sa patnubay ng isang
makapangyarihan o mayamang bansa.
KELLOGG-BRIAND PACT – ay isinagawa noong 1928.
Nakasaad sa kasunduang ito na ang digmaan ay
“hindi maaaring gamitin na pambansang patakaran. ”
1. AGRESYON NG MGA PASISTA
Naging mapait ang karanasan ng Germany sa kasunduang
Versailles. Tinanggalan sila ng mga armas, nawala ang
kanilang mga kolonya at pinagbayad pa ng malaking halaga.
Nang matamo ni Adolf Hitler ang kapangyarihan, noong
unang bahagi ng 1930, nangako siyang sisirain ang
kasunduan.
Pagpapanumbalik sa kapangyarihang Aleman sa
pamamagitan ng muling pagpapatayo ng puwersang militar.
PASISMO – ay isang ideolohiya o paniniwalang nagbibigay-
diin sa nasyonalismo at pagsusulong sa karapatan at
kagalingan ng estado kaysa kagalingan ng mga mamamayan.
ANG NEOKOLONYALISMO
•Tumutukoy ito sa patuloy na
impluwensiya ng mga mananakop sa
bansang dati nilang sakop.
•Ang impluwensiya ng sumakop ay
makikita sa nga aspektong political,
pangmilitar, at pangkabuhayan ng
dating kolonya.
ANYO AT DAHILAN NG
NEOKOLONYALISMO
•Ang mga bansa sa Asia at Africa ang
madaling mabiktima ng
neokolonyalismo. Narito sa mga
kontinenteng ito ang mga bansang
tinawag na underdeveloped.
•Ang mga bansa rito ay nagtataglay ng
malaking populasyon at may mahirap
na kabuhayan.
NEOKOLONYALISMONG
POLITIKAL
•Ang dating kolonya ay may kalayaang
political, pinamumunuan ng mga sariling
lider, at may sariling pamahalaan ng
nagpapatupad ng sarili nitong bansa.
•Kadalasan din na napipilitang sumunod
ang bansa sa posisyon ng dating
mananakop sa mga isyung pandaigdig tulad
ng pagboto sa mga resolusyon sa United
Nations.
NEOKOLONYALISMONG
PANGMILITAR
•Ang isa sa kondisyon bago kilalanin ng bansang
kolonyalista ang kalayaan ng dati nitong sakop
ay ang pagtatayo nito ng mga base military.
•Madalas, nananatili ang extraterritoriality sa
mga base militar. Sa ganitong sitwasyon, hindi
maaaring kasuhan ng bansa ang sinumang
dayuhang sundalo o opisyal na gumawa ng
pagkakasala sa loob ng teritoryo nito.
NEOKOLONYALISMONG
PANGKABUHAYAN
•Paano makaaalis sa pagkakatali sa impluwensiya ng
neokolonyalismo ang isang bansa?
•Makikita rin ang impluwensiya ng mananakop sa
aspektong pangkabuhayan. Bago palayain ng
mananakop ang dati nitong kolonya, nagpataw muna
ito ng mga kondisyon na may kinalaman sa
ekonomiya.
•Dahil sa pagkawasak ng maraming impraestruktura at
pagbagsak ng ekonomiya matapos ang ikalawang
Digmaang Pandaigdig, kadalasan ay napipilitang
mangutang ang mga ito sa dating kolonyalista.
EPEKTO NG
NEOKOLONYALISMO
1. OVERDEPENDENCE O LABIS
NA PAGPAPAKANDILI
•Malinaw na umasa nang labis ang mahihirap
na bansa sa mayayamang bansa lalong-lao na
sa may kaugnayan sa United States.
•Sa lahat ng galaw ng mahihirap ng bansa ito
man ay may kinalaman sa pananalapi, politika,
panlipunan, at maging sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa bansa, umasa na lamang ang
mahihirap sa mayayamang bansa.
2. LOSS OF IDENTITY O KAWALAN NG
PAGKAKAKILANLAN
•Ang isipan na “mabuti at magaling ang
lahat ng bagay na nagmula sa Kanluran” ay
nahubog sa mga tao. Ang ganitong
paniniwala o isipan na tinawag na colonial
mentality ay nagdulot ng pagkawala ng
interes sa sariling kultura at produkto.
•Ito ay nakikita sa Pilipinas at iba pang
bansa sa Latin Amerika na dating mga
kolonya ng mga bansa sa Europe.
3. CONTINUED ENSLAVEMENT O PATULOY
NA PAGKAALIPIN
•Hindi ramdam ng mga umuunlad na bansa ang tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan. Malaya lamang sila sa
prinsipyo ngunit tali pa rin sila sa mga kolonyal at
mayayamang bansa.
•Hawak pa rin nila ang kabuhayan ng mga maliliit at
mahihirap na bansa sa pamamagitan ng mga tulong na
ipinagkakaloob nila na may kaakibat na interes.
•Sa ganitong kalakaran, kontrolado pa rin ng
mayayamang bansa ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga maliliit at mahihirap na bansa.
Malaya sila sa prinsipyo.

You might also like