You are on page 1of 8

Aralin 5

Pagsunod sa Nakasulat na
may Panutong may 1-2 at 3-4
na Hakbang
Bilang isang bata kailangang marunong tayong
sumunod sa mga nakasulat na panutong
ipinagagawa sa atin ng ating mga magulang,
kapatid, sa ating kapwa o maging sa ating mga
guro. Sundin natin ito na nagpapakita ng may
paggalang at pagpapakumbaba.
Nasubukan mo na bang sundin ang
ipinagagawa sa iyo ng iyong
mga magulang/kapatid/ guro?
Ano ang iyong ginawa upang
masunod ito nang wasto?
Subukan ito:
Unang panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong buong
pangalan.
Ikalawang panuto: Sa kaliwang bahagi ng kahon iguhit ang
iyong buong pamilya.
Ikatlong panuto: Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan.
Ikaapat na panuto: Iguhit ang iyong paboritong alaga.
Bakit mahalagang unawain muna ang panuto
bago ito sundin?
Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panutong
may paggalang at pagpapakumbaba?
Sagot : Ang tamang pag-unawa sa mga panuto ay susi
upang masunod nang maayos ang isang gawain.
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga.
Upang lubusang makasunod sa panuto,
kailangang unawain nang mabuti ang
kahulugan ng bawat salitang ginamit dito.
Ang nakasusunod nang maayos dito ay
nagpapatunay na siya ay madaling
nakakaintindi.
A. Pagtambalin ang nasa hanay A at hanay B . Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
____1.Gumawa ng malaking kwadrado.
Sa itaas nito, iguhit ang dalawang maliit A
na bilog.Kulayan ito ng itim.
____2.Gumuhit ng tatlong lapis.
Sa ibaba isulat ang “ Mga Lapis”
B
Sa kanan iguhit ang dalawang bulaklak sa loob
ng plorera at kulayan ng pula.
____3.Kunin ang mga basura, hatiin sa tatlo
sa nabubulok, di- nabubulok C
at sa nabibinta pa.( recycle)
____4.Gumuhit ng isang bahay. Lagyan ng
mga punongkahoy sa paligid nito at araw D
sa itaas nito. Lagyan ng ulap sa itaas nito.
____ 5. Gumuhit ng isang buwan. Lagyan ito ng
tig-isang bituin sa kaliwa at kanan. Kulayan E
ng dilaw ang mga ito.
Pagtapatin ang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik na naglalarawan sa panuto.
Hanay A Hanay B
____1. Gumuhit ng anim na paruparo at lagyan ito ng A
iba’t ibang kulay.
____2. Isulat ang salitang Filipino at salungguhit
mga patinig . B
____3. Kapag lumabas ng bahay ay magdala ng
makulay na payong. Gamitin ito pumunta sa
paaralan lalo na kapag umuulan. C
____4. Magtimpla ng gatas sa isang baso at maghanda
ng biskit. Kainin ito habang nanonood ng
telebisyon D

____5. Gumawa/gumuhit ng hugis puso, kulayan ng


pula at salungguhitan .
E

You might also like