You are on page 1of 24

Quarter 3

Agriculture

February 1-5, 2021


Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang
kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan na
maaring libangan at mapagkakitaan. Ang
kabutihang naidudulot nito sa tao at sa kabuhayan
ng pamilya. Matatalakay din sa aralin ang
maaaring dulot ng pag-aalaga ng hayop mabuti
man o masama sa kalusugan. Tutukuyin din ang
mga hayop na maaring alagaan at ang mga
katangian nito.
Ano-anong mabubuting bagay ang naidudulot sa
pag- aalaga ng hayop sa tahanan?

a. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.

b. Nakapagpapabuti sa kalusugan.

c. Nakakadagdag ng kita sa mag-anak.

d. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.

e. Nakapagbibigay pagkakataong mag-ehersisyo.

f. Nagiging mabuting kasama sa bahay.

g. Nagkakaroon ng pagkakataon para sa pakikisalamuha sa tao.

h.Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad sa pag-aalaga.


Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop
sa tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil naka-
aalis ito ng stress at nakapagpapababa ng dugo. Ang alagang
hayop sa tahanan ay maituturing na isang magandang kasama
sa bahay. Kung ang mga alagang hayop ay pinararami, ito ay
maaaring maipagbili upang makadagdag kita sa pamilya.
Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang linaw ang
sumusunod na mga tanong:

a. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?

b. Gaano karami ang inaalagaan mo?

c. Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?

You might also like