You are on page 1of 8

ARALING

PANLIPUNAN 5
PAGLAGANAP NG
RELIHIYONG ISLAM SA
PILIPINAS
ANG RELIHIYONG ISLAM
 ISLAM – ay salitang arabe na nangangahulugang
kapayapaan at lubusang pagpapasakop kay Allah.
 Allah- Tawag sa Diyos ng mga Islam
 Arabo – Nagmula sa Kanlurang Asya at
nakipagkalakalan sa Pilipinas.
 SULTANATO- Tawag sa anyo ng pamahalaan na
itinatag ng mga Muslim.
 Panglima – mas mababa kaysa sa datu, tungkulin
niyang mangolekta ng buwis para sa sultan,
mamagitan sa mga alitan, at magpakalat ng balita
mula sa sultan.
 Muslim – tawag sa mga tagasunod ng relihiyong
Islam
 Mecca – banal na pook na matatagpuan sa Saudi
Arabia
 Moske/ Mosque – tawag sa pook sambahan ng
mga Muslim
 Koran / Qur’an – Tawag sa banal na aklat ng
Islam.
 Mohammed – Kinikilalang propeta at sugo ni
Allah na nagtatag ng Islam.
 Hajji – Titulong ibinibigay sa mga Muslim na
nakapaglakbay na sa Mecca.
 Itim na bato – Inaasam na mahawakan ng mga
manlalakbay
 Ka’aba – Pinakasagradong dambana ng mga
Muslim
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
 Paniniwala kay Allah bilang Panginoon
 Paniniwala kay Propeta Mohammed bilang sugo ni
Allah
 Paniniwala sa Koran at iba pang banal na
kasulatan o pahayag ni Allah.
 Paniniwala sa mga anghel
 Paniniwala sa araw ng paghuhukom
LIMANG HALIGI NG ISLAM
 1. SHAHADA – ang taimtim na pagpapahayag ng
paniniwala at pagsamba kay Allah bilang nag-
iisang Diyos.
 2. SALAT – Limang beses na pagdarasal sa loob
ng isang araw. Binibigkas sa salat ang sermon o
rhutba ng kanilang imam.
 3. ZAKAT – pagbibigay ng limos upang
makatulong sa kapwa- Muslim at iba pang taong
nangangailangan.
 SAUM/SAWM - pag-aayuno sa panahon ng
Ramadan na pinakabanal na pagdiriwang ng mga
Muslim. Ginagawa ito sa loob ng 29-30 na araw.
 HAJ/ HAJJ – tungkulin ng bawat Muslim na
magsagawa ng paglalakbay sa Lungsod ng Mecca
sa bansang saudi Arabia minsan sa kanilang buhay.
Ang paglalakbay sa Mecca ay para sa mga Muslim
na may maayos na kalusugan at pangangatawan at
may kakayahang tustusan ang pagpunta sa banal
na lugar na ito.
Reference
 TheLibrary – Lahing Kayumanggi 5 ( Marie Fe P.
Bosales )2018

You might also like