You are on page 1of 18

SS

PA
NG
DI
AR
BO
A
17
T
EA
S
E :
GAT
D5
E:
30
A
TIM :
07
17
:
HT
67
8 :
: LI G
5 TO D
MA
E F
GAT
AA
D5 AT
:
: SE A
:
HT 78 TO D 17
IG
FL 56 MA :
AA : OM
OM
FR K SS FR K
JF
DI
NG
PA
JF
AR
BO
AT
AA
1177
SE
SLIDESMANIA.CO
M
LAYUNIN
Pamantayan sa Pagkatuto Layunin sa Pagkatuto

Nasusuri ang dahilan at epekto ● naiisa-isa ang mga dahilan


ng migrasyon dulot ng ng migrasyon;
globalisasyon.
● naipaliliwanag ang epekto ng
migrasyon sa aspektong
panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan;

● nakikilala ang mga ahensya


ng pamahalaang tumutulong sa
Overseas Filipino Workers.
SLIDESMANIA.CO
M
Balikan Natin!
Panuto:
Muling balikan ang talakayan tungkol sa konsepto ng
migrasyon. Buoin ang lupon ng salitang magpapaalala sayo
ukol dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.GLARUIRRE STAMRING 6. SOCKT


2.PRARETMOY GRANTMIS 7. TREMICETSAN
3.PERNAMENT TRANSIMG 8. GUSEREEF
4.RATIMIGON TRANIONIST 9. ASROVESE PINOLIFI
5.WOLF SKORWER
SLIDESMANIA.CO

10.ADISU IABARA
M
Tuklasin!
Panuto:
Hulaan ang salita o pahayag na ipinapaliwanag ng bawat
larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

Mga Gabay na Tanong:


1. Magbigay ng salita o
pahayag na nagpapakilala sa
bawat larawan
2. Tukuyin kung ano ang
pagkakakilanlan ng pangkat
ng larawan.
3. Paano mo maiuugnay ang
pagkakakilanlan sa
SLIDESMANIA.CO

migrasyon?
M
EPEKTO NG MIGRASYON

Ayon sa State of the Philippine Population


Report 4 (SPPR4) , “ Working Abroad: There’s
Gain but There’s Pain, ang pagpunta sa ibang
lugar o bansa ay may malaking benepisyong para
sa migrante ngunit may negatibong epekto rin .
SLIDESMANIA.CO
M
ANG MIGRASYON AY KAKAKITAAN NG
POSITIBONG EPEKTO SA IBA’T-IBANG LARANGAN
1. Ang paghahanap–buhay sa ibang lugar o abroad ay
nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa pamilya. Mas
tumataas ang tingin ng mga dating kasamahan sa
narating ng isang Overseas Filipino Workers (OFW). Sa
loob ng isang tahanan, mas pinakikinggan ang desisyon
ng isang OFW dulot ng kanyang estado sa buhay.

2. Ang konsepto ng brain gain na kung saan ang pagiging


isang trade employee o exchange student ay lubhang
makatutulong na maging globally competitive ang
kompanya o paaralan.
SLIDESMANIA.CO

3. Mas nabubuksan ang pinto ng oportunidad sa mga


migrante sa iba’t ibang panig ng daigdig.
M
4. Malaki ang epekto sa pamilya ng migrasyon.

- Mas maginhawa ang buhay ng mga pamilyang may OFW. Sapagkat


ang mga remittances na ipinadadala ng kamag-anak ay nagagamit
sa higit na mas malaking paggasta. Mas higit na nagiging
ligtas ang pamilya sa mga vulnerable na isyu sa lipunan.

5. Mas higit ang kakayahan na makapagnegosyo, makapag-impok at


mamuhunan sa iba’t ibang larangan.

6. Malaki ang epekto ng remittances sa takbo ng ekonomiya ng


bansa. Hindi nararamdaman ng mga pamilyang Pilipino ang
pagtaas ng presyo ng bilihan dulot nito.

7. Lubhang nakatutulong sa pagtaas ng ekonomiya kung may


pakikipagpalitan ng dolyar ang bawat bansa.
SLIDESMANIA.CO

8. Nababawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil


sa oportunidad na ibinibigay sa ibang bansa.
M
MGA ILANG NEGATIBONG EPEKTO NG
MIGRASYON

1. Ang konsepto ng brain waste ay nangangahulugang


nasasayang ang pinagaralan sapagkat sa paghahangad ng
mas mataas na sahod ay pumayag na hindi ang napag-
aralan ang siyang maging trabaho. Halimbawa ang isang
doktor ay pumapayag na maging nurse, isang guro bilang
domestic helper o kasambahay.

2. Ang konsepto ng brain drain ay nalalason ang mga


magagaling na empleyado ng bansa upang pasukin ang mga
hanapbuhay na hindi pangmatagalan at sa mababang
posisyon sa kompanya.
SLIDESMANIA.CO
M
4. Diskriminasyon. Ang pagpapauwi sa mga kababaihan
sapagkat sila ay buntis o pagmamaltrato ng mga amo o
kasamahan na ibang lahi sa trabaho. Hindi pantay na
benepisyong ibinibigay sa mga empleyado.

5. Pangamba sa Kalusugan. Ang pagkakaroon ng mga sakit


tulad ng Steven Johnson’s Syndrome, Severe Acute
Respiratoy Syndrome ( SARS) at AIDs na maaaring ikahawa
ng kanyang pamilya kung pauuwiin siya sa bansa.

6. Nagiging palaasa ( dependent ) ang ibang miyembro ng


pamilya sa OFW kaya sila ay hindi na naghahangad na
umangat sa buhay o magtrabaho.
SLIDESMANIA.CO
M
6. Nababago ang gampanin at resposibilidad sa buhay lalo
na kapag ang ina ang siyang nakahanap ng magandang
oportunidad sa ibang lugar o bansa.

7. Ayon kay Economist Lanzano, isang epekto ng migrasyon


ay tinatawag na structural employment, ibig sabihin ay
mas maraming empleyado sa panahon na kailangan lamang o
seasonal at hindi pangmatagalang hanapbuhay.

8. Isa ring tinitingnan na epekto ay ang capital rich


underdevelopment dahil nauubos ang mga magsasaka sapagkat
mas gusto nila ang kita sa ibang trabaho na mas madali at
SLIDESMANIA.CO

mabilis.
M
AHENSYA NG PAMAHALAAN NA NAMAMAHALA SA MGA
OVERSEAS FILIPINO WORKERS

A. Commission on Filipino Overseas (CFO) – ahensya ng


pamahalaan na nangangasiwa sa mga permanenteng OFW sa
iba’t ibang bansa.

B. Department of Foreign Affairs (DFA)- ahensya ng


pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga OFW sa
pamamagitan ng maayos na ugnayan sa pamahalan ng mga
bansang pandarayuhan.

C. Department of Labor and Employment (DOLE) -


nagsusulong ng mga kapakanan ng mga manggagawa at
SLIDESMANIA.CO

nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa industriya


at paggawa ng bansa.
M
D. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)–
nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.

E. Philippine Overseas Employment Agency (POEA)– itinatag sa


bisa ng Executive Order 797 na may layuning isulong at
paunlarin ang mga program at pangalagaan ang kapakanan ng
mga OFW. Ang ahensya na namamahala sa PDOS

F. Philippine Overseas Labor Offices (POLOs)– namamahala sa


mga operasyon ng DOLE sa 34 na opisina nito sa bahaging
Kanlurang Asya at Asya.

G. Technical Education and Skills Development Authority


(TESDA)– itinatag sa bisa ng R.A.7796 at nagsusulong na
hikayatin ang partisipasyon ng industriya, paggawa at lokal
na pamahalaan at mga instistuyong teknikal at bokasyunal
SLIDESMANIA.CO

upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng manggagawa sa


bansa
M
MGA PROGRAMA UKOL SA MGA OVERSEAS FILIPINO
WORKERS (OFW)

A. Medium Term Developmeng Plan 2004- 2010.

B. Magna Carta for Filipino Migrant Workers (RA8042) -


layuning protektahan ang kapakanan ng mga Overseas
Filipino Workers upang hindi maulit ang pagpaslang sa
dalawang OFW na sina Flor Contemplacion at Maricar
Sison na parehong napagbintangang pumatay sa kanilang
mga amo.

C. The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003

D. Presidential Decree 442 or the Labor Code of 1974.


SLIDESMANIA.CO

E. Overseas Absentee Voting Act of 2003


M
F. On-site assistance (Section 28 of the Migrant Workers
and Overseas Filipino Act of 1995 – upang masiguro na
maayos ang kapakanan ng mga OFW.

G. Kabayanihan or the Kabayan-Bayani-Bayanihan Program -


magkaugnay na programa na naglalayong na masiguro ang
kapakanan at karapatang-sosyal ng mga OFW sa mga
dayuhang bansa.

H. Lingkod sa Kapwa Pilipino/ Link for Philippine


Development(LINKAPIL) – gabayan ang mga Pilipino sa
kanilang pagpasok sa negosyo at ibang proyekto na
nais nilang simulan gamit ang mga remittances.
SLIDESMANIA.CO
M
I. TULAY – programa mula sa DOLE, Microsoft at OWWA na
turuan ang pamilya ng OFW ng mga pangunahing gabay sa
paggamit ng internet sources at computer upang maging
maginhawa ang ugnayan ng OFW at ang kanyang pamilya.

J. Balik Scientist Program ng Department of Science and


Technology – hikayatin ang mga Filipino scientist na
bumalik sa bansa at ibahagi ang kanilang galing sa
ating mga kababayan.
SLIDESMANIA.CO
M
TAKDANG ARALIN

Panuto:

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng dahilan ng


migrasyon. Sundin ang panuntunan sa ibaba.

a. Isang dahilan lamang ang gagawin. Pumili lamang ng


isang paksa, maaaring sa politika, ekonomiya,
pamilya, populasyon o lipunan.

b. Gumamit ng ordinaryong pangkulay (color) sa


pagkukulay ng larawan.

c. Sa isang malinis na bondpaper gagawin ang gawain.


SLIDESMANIA.CO

d. Idikit ang poster sa iyong activity sheet.


M
SLIDESMANIA.CO
M
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
SLIDESMANIA.CO
M

You might also like