You are on page 1of 13

ANG

PAKIKIPAGKAIBIGAN
QUARTER 2 WEEK 3
MELC:
Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang
kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa
mga ito. (EsP8P11c--6.1)
Nasusuri ang kanyang mga
pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle.
(EsP8P11a--6.2)
Ang Pakikipagkaibigan
Likas sa tao ang pakikipagkapwa. Ang
pakikipagkapwa ay isa sa kanyang mga
katangian bilang isang tao. Mula sa
pakikipagkapwang ito ay nabubuo ang
isang espesyal at mas malalim na
relasyon o ugnayan - ang
Ang pakikipagkaibigan ay
nangangahulugan ng pagkakaroon
ng ugnayan sa isang tao dahil sa
pagmamahal (affection) o
pagpapahalaga (esteem) (Webster’s
Dictionary)
Ayon kay Aristotle, mahalagang
maunawaan na ang
pagkikipagkaibigan ay hindi
isang damdamin, bagkus isang
pasya dahil ito ay
nangangailangan ng malinaw na
hangarin.
Sa kaibigan nailalahad at
naipapakita ang tunay na
saloobin, damdamin, at
pagkatao.
Ang isang kaibigan ay hindi
basta-basta mahahanap.
Dumadaan ito sa isang mahaba at
masalimuot na proseso. Nabubuo
ang mabuting pakikipagkaibigan
kapag ito ay ginusto at
pinagsikapan.
Ito ay resulta ng
komunikasyon at aksiyong
nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao upang makabuo
ng isang mabuting ugnayan.
Patuloy na lalago at lalalim ang
pakikipagkaibigan kung isasaisip na
hindi lamang puro pagtanggap sa
maaaring ibigay ng isang kaibigan
ang isaalang-alang. Kinakailangang
mayroon ding pagbibigay sa bahagi
ng taong tumatanggap. (de Torre,
1980)
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan
-Aristotle
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay ang
pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa kanyang
pangangailangan. Halimbawa sa paaralan, may mga mag-aaral na
kinakaibigan ang kanyang kapwa mag-aaral dahil sa angkin nitong
kasipagan at kabutihan na siya ay tulungan sa paggawa ng mga
takdang-aralin at proyekto. Ngunit mapapansin na ang ganitong uri
ng pagkikipagkaibigan ay madaling maglalaho sa panahong hindi na
maging handa ang isa na muli pang magbigay ng kanyang tulong.
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan
-Aristotle
2. Pagkikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.
Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at
ng isa o higit pang tao na masayang kasama o kausap. Madalas ito
ay mga taong kasama mo sa maraming mga gawain, katulad ng
kalaro sa basketbol, mga kasama sa pamamasyal o ang madalas na
nagpapatawa sa iyo sa oras ng kwentuhan. Maituturing itong mas
mataas kaysa sa naunang uri. Maaari itong maglaho kapag nakita
ang mga katangiang maaaring hindi mo nagugustuhan o kaya
naman ay kapag nawala na ang kasiyahan na ibinibigay nito sa iyo.
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan
-Aristotle
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang ganitong uri ng
pagkikipagkaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at
paggalang sa isa’t isa (respect). Hindi ito madaling mabuo,
nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikukumpara sa
dalawang naunang uri. Ngunit kung ihahalintulad din ito sa mga
nauna, ito ay mas tumatagal at mas may kabuluhan. Ito ay
nagsisimula kapag naging kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga
pagpapahalaga at layunin ng pagkakaroon ng magkaparehong
pananaw sa mundo at sa buhay ng dalawa o mahigit pang tao.

You might also like