Iwasan din ang pagsagot nang sabay-sabay. Itaas lamang ang kanang kamay ng mga gustong sumagot. Ipakita ang paggalang sa lahat. Pagsasagawa ng “Pantomime”. Ang mga mag aaral ay hahatiin sa dalawang grupo. Kukuha sila ng tatlo hanggang limang tao upang magsadula ng buod ng kwento. Aarte ang mga mag-aaral ng walang imik hanggang matapos ang pagsasadula. (Ang isasadula ay tungkol sa mga magulang na nagtatrabaho sa ibayong dagat). Pukos na Pandiwa Pukos na Pandiwa tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap. May iba’t ibang uri ang pokus ng pandiwa. Ito ay ang aktor/tagaganap, layon, ganapan at sanhi. [1] Si ama ay nagtungo sa America. [2] Pinagsisilbihan ni ama ang ospital. [3] Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente. [4] Ang bawat batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan. [5] Ipinanghahawi ng kalungkotan ang mga laruang binili. [6] Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin. Ito ay tinatawag din na pokus sa aktor o tagaganap. Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?". Ito ay tinatawag na pokus sa layon. Ang pokus sa pandiwa ay pinaglalaanan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na “ano?”. 1.Balikan ang tinalakay na aralin sa pamamagitan ng pagsulat ng talata na may lima o anim na pangungusap tungkol sa natutuhang bagong kaalaman. Panuto: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ito. Isulat ang tamang sagot sa isang ¼ na papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pinangyarihan ng
kilos. Sumasagot sa tanong na “saan?”. 2. Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?".
Panuto: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ito. Isulat ang tamang sagot sa isang ¼ na papel. 3. Ito ay nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na “bakit?”. 4. Ito ay pinaglalaanan ng kilos. Sumasagot sa tanong na “ano?”. 5.Ito ay tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap.